Chapter 15

103K 3.7K 100
                                    

Chapter 15


Nakanganga pa rin ako hanggang ngayon sa harapan ng mga ate ni Ozu dahil nagloloading pa rin sa utak ko hanggang ngayon iyong sinabi nila sa akin.

Pakasalan ko raw si Ozu??

"Joke lang, ikaw naman!" sabi ni ate Mini sa akin sabay tumawa siya ng malakas.

"Hahaha!" tumawa rin si ate Mimi sabay hampas nila sa braso ko at feeling nila close na kaming tatlo.

Eh, mga baliw din yata itong mga ito katulad ni Ozu Kang, e.

Akalain ninyo na  biruin nila ako ng gano'n? Ang sakit kayang umasa! Grabe sila sa akin.

"Sa totoo lang, ipapakasal si Ozu sa ibang babae na hindi naman niya gusto." sabi ni ate Mimi.

"Kasal? Si Ozu? Sa ibang babae?" Natawa ako. "Niloloko niyo ulit ako mga ate. Hindi pa po puwedeng ipakasal si Ozu dahil bata pa po siya at nag-aaral pa."

Ngayon naman, ako naman iyong humampas sa braso nilang dalawa. Feeling close e. Nagkatinginan tuloy sila sa isa't-isa.

"Tama ka. Pero sa mga mayayaman, walang imposible 'yon." sagot naman ni ate Mini.

"Po?" Hindi ko yata na gets.

Nang mapatingin naman ako kay Ozu Kang, nakatalikod siya at nakatingin sa labas ng bintana.

Ang seryoso niya at feeling ko ang drama drama niya. Sus, e, wala naman akong pakialam kung magpakasal siya o hindi.

"Magpapanggap kang girlfriend ni Ozu. Okay?" sabi ni ate Mimi kaya biglang nagloading 'yong sinabi niya sa utak ko.

At ngayon naman daw kasi, magpapanggap ako bilang girlfriend ni Ozu.

Bigla tuloy akong tumawa ng malakas, as in, hagalpak. Napahawak pa nga ako sa tiyan ko kaya nagtataka silang nakatingin sa akin.

"Hoy! Pangit!!" biglang sigaw ni Ozu sa akin eh ayaw kong tumigil sa pagtawa kaya tuloy pa rin ako.

"Hahaha!"

"Bakit ka natawa? Seryoso kami." pagkasabi naman no'n ni ate Mimi bigla akong nabilaukan. Hindi ako makahinga!

"Ito oh, uminom ka na muna ng tubig." kaagad akong inabutan ni ate Mini nang tubig kaya walang sabi sabi nilantakan ko kaagad 'yon.

At nang maging ok na ako, nakatitig lang ako sa kanilang tatlo.

"Hindi ka ba naniniwala sa amin?"

Umiling ka agad ako sa kanila.

"Ate naman? Bakit po kasi ako magpapanggap bilang girlfriend ni Ozu, e, 'di ba, pangit nga po ako? Napakaraming mukhang barbie riyan katulad niyo. Sexy, maputi at maganda. Bakit po ako pa ang napili niyo?"

Pinamukha ko talaga sa kanila na pangit ako.

"Kaya nga, mukhang barbie, papagandahin ka namin." sagot ni ate Mini. Ngayon alam ko na kung saan nagmana itong si Ozu, pare-pareho kasi silang makukulit.

"Alam niyo mga ate, kahit anong makeup pa ang ilagay niyo sa mukha ko, hinding hindi na ako gaganda, kasi nga po, pangit ako. Pangit." pagdidiin ko ulit.

"Sino ba may sabi sa iyo na makeup ang magpapabago sa mukha mo?" aniya.

Nagtaka tuloy ako. "Ipaparetoke ka namin." nakangiti nilang sabi na siyang bukod sa ikinanganga ko, lumaki na mata ko, nagtayuan pa mga balahibo ko.

Nagloading ulit ang utak ko.

"Sandali po, ah? Una, wala po akong pakialam kung ikasal sa iba si Ozu. Pangalawa, hinding hindi po mangyayari iyong gusto ninyo. At pangatlo, uuwi na po ako kasi hinahanap na ako ng tiyahin ko. Excuse me po?"

Tumalikod na ako sa kanila matapos kong sabihin 'yon.

"I offer you one million." biglang sabi ni ate Mimi na siyang ikinahinto ko sa paglalakad.

One million daw?

"Hmm... masyadong maliit ang one million. Doblehin natin. Two million Melanie, ok na ba?" narinig ko naman na sabi ni ate Mini.

Two million daw?

Nanigas na yata ako rito sa kinatatayuan ko. "'Wag naman po kayo magbiro ng ganyan mga ate."

Nagpupumadyak na ang mga paa ko habang hindi ko pa rin sila nililingon.

"Five million. Papayag ka na?" biglang sabi ni Ozu Kang kaya agad akong napaharap sa kanila.

"A-a-ano kamo? Five million?" Parang nahilo yata ako sa sinabi ni Ozu.

"Tama! Five million. Ok na ba iyon, Melanie?" nakangiting sabi ni ate Mimi kaya napapaisip na naman ako.

"Sige na, pumayag ka na. After naman kasi nito, hinding hindi ka na namin guguluhin, pangako. At bukod don, may five million ka na after ng mission mo."

Sinakbit nila bigla 'iyong mga kamay nila sa braso ko.

Pero ako? Nandilim bigla ang paningin ko dahil hindi ako makapaniwala sa lahat ng mga narinig ko—black out.





Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Sobrang pasensiya kung napaiksi na itong chapter na ito :D <3

Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon