Chapter 22

99.9K 3.5K 103
                                    

Chapter 22

Ozu's Point of View

Naramdaman kong may sumusunod sa akin.

Sabi na nga ba at mangyayari 'to.

Kaliwa't kanan 'yong ikot ng mga mata ko at nakikiramdam ako sa kanila.

Gusto pala nila ng laro ah?

Napatigil ako sandali. Mayamaya lang bigla akong tumakbo ng mabilis kaya napatakbo na rin sila.

Hinahabol nila ako.

Sigurado akong 'yung witch na 'yon ang may utos nito. Mga bodyguards niya kasi ang mga 'to.

Nang bigla akong tumigil sa pagtakbo ko dahil may mga humarang sa harapan ko kaya sinindak ko sila.

Hindi ako makakapayag na maging sunod-sunuran kay Mama.

Kinalaban ko ang mga tauhan ni Mama pero sadya talagang napakarami nila at hindi ko maubos.

Damn it! Bigla nila akong itinali kaya hindi na ako nakapalag.

"Bitawan n'yo ako!" sigaw ko.

"Young master, pasensya na po pero kailangan naming sundin ang Mama n'yo." sabi nung isa sa kanila kaya tinitigan ko siya ng masama.

"Kapag nakawala ako rito humanda kayong lahat sa akin! Bitawan n'yo ako!" pagpupumiglas ko pero hinila pa rin nila ako.

Ikinulong nila ako sa loob ng kuwarto ko.

"Damn it!" sinipa ko 'yong sofa.

Nakakainis! Bakit ba kasi dumating pa 'yong witch na 'yon?

Hindi ako mapakali. Dapat makaalis ako rito.

Nang biglang pumasok si Pangit sa isipan ko kaya mas lalo akong nag-alala.

Nasa loob pa siya ng bodega.

"Nasaan na ba kasi sina Ate Mini at Ate Mimi? Damn! 'Yong cellphone ko? Nasaan ba? Naiwanan ko ba sa kotse?"

Napasigaw na lang ako at napasuntok sa kama dahil sa inis ko.

*****

Mimi's Point of View

Naglalakad na kami ngayon dito sa loob ng Mansion. Papunta na kami sa office ni Mama.

"Mimi, anong gagawin natin?" tanong ni Mini.

"Hindi ko pa rin alam pero kailangan nating protektahan si Melanie. Sa ngayon, sigurado akong naitago na siya ni Ozu pero kailangan pa rin nating mag-ingat."

Tumango lang si Mini.

Pagdating namin dito sa Office ni Mama bumungad nga siya sa amin. Napakarami niyang ginagawa sa office desk niya.

"Mini? Mimi? Kailan pa kayo dumating dito sa Pilipinas?"

Nagkatinginan kami ni Mini.

"Noong linggo lang Mama. Kumusta po kayo?" sabay kaming umupo ni Mini sa sofa.

"I'm fine." busy niyang pagkakasabi. May mga pinipirmahan siyang mga papers.

"Nabalitaan po namin 'yong tungkol sa mapapangasawa ni Ozu. Kailan po namin siya makikita?" pagsingit ni Mini sa usapan.

Napatingin siya sa amin. 

"Alam n'yo na pala ang tungkol don? That's good. Next year isasama ko siya rito. Eight months nalang ang natitirang oras ni Ozu bago siya tuluyang magpakasal."

Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon