Chapter 23
Ozu's Point of View
Magkatitigan lang kaming dalawa ni Pangit ngayon. 'Yung titig na palakihan ng mata.
Nakakainis kasi!
Pareho kaming nakaupo ngayon sa magkabilang sulok ng kuwarto.
Hindi kami nagkikibuan habang nakangiti naman itong sina Ate Mimi at Mini sa amin.
Naiinis talaga ako! Buti nalang hindi nagkapasa iyong guwapo kong mukha dahil patay siya sa akin.
"Okay, may naisip na akong paraan para hindi makita ni Mama si Melanie." biglang sabi ni Ate Mini kaya napatingin kami sa kanya.
"Ano naman 'yon?" tanong naman ni Ate Mimi.
"Bakit hindi nalang muna natin siya itago sa dati kong condo?"
Nagkatinginan kaming lahat sa sagot niya.
"Puwede!" sabat ko.
"Ok. Kailangan makaalis na tayo ngayon na."
Tumango kami matapos itong sabihin ni Ate Mimi.
Sinimulan na namin ang plano at ngayon nandito na kami sa sala.
"Palagay mo makakatakas tayo sa mga tauhan ni Mama?" turan ni Ate Mini habang pasilip silip kami. Baka kasi may dumating.
"Kailangan nating gawin 'yon ngayon na. Hindi ba't may party na gaganapin dito mamaya? Mananagot tayo pagnakita ni Mama si Melanie rito. Alam n'yo naman 'yon si Mama, halos buong bahay pinapalinis niya."
Napaisip kami sa sinabi ni Ate Mimi. May point kasi siya.
"Well, sana nga makaalis tayo rito, e, mukhang buong bahay napapalibutan ngayon ng mga bodyguards ng witch na 'yon, tch!"
Bebang's Point of View
Hindi ako makarelate sa pinag-uusapan nilang tatlo.
"Bilis! Doon tayo dumaan."
Sinunod namin ang sinabi ni Ate Mimi kaya dahan dahan kami sa paglalakad. Baka raw kasi makita kami ng mga men in black ng Mama nila.
"Oh my—balik! Balik! Hindi tayo puwede rito mas madaming bodyguard."
"Eh, kung sa kabila?" suhesyon ni Ozu.
"Sige, try natin." Bumalik ulit kami at naglakad dahan dahan.
Pero pagtigil ni Ate Mimi siya rin pagtumba namin nina Ozu at Ate Mini. Magkakadikit kasi kami at sunod sunod.
"Hay! Ano ba?!" angal ni Ozu dahil siya iyong nadaganan namin.
"Suko na ako! Ibang plano na lang!" papaiyak na si Ate Mimi.
"Anong plano? Wala na akong ibang maisip kundi iyon lang!" Ani Ate Mini.
"Hindi puwede! Kailangan nating makalabas dito!" reklamo naman ni Ozu.
Kaliwa't kanan naman ang tingin ko sa kanila habang nakanganga.
Nang dumungaw naman si Ate Mimi sa bintana siyang alis niya rin kaagad doon.
"Patay tayo! Bumalik si Mama. Saan tayo ngayon magtatago?" halos pabulong niyang sabi.
Natataranta na sila samantala ako nakatingin lang.
Malay ko ba kasi sa kanila.
"Ano? Bumalik? Hindi puwede makita ni Mama si Pangit!" Natataranta si Ozu.
"Tumakbo na tayo! Takbo na bilis!!"
"Malapit lang ang kuwarto ko rito. Doon na lang muna tayo."
Nagtakbuhan kami patungo sa kuwarto ni Ozu.
Nang makapasok kami rito sobra akong namangha. Napakalaki kasi ng kuwarto niya parang isang buong bahay ang laki.
"Oy! Pangit! Ano ba? Magtago ka rito bilisan mo!"
Bigla niya akong hinila tapos iniwanan na naman niya ako sa napakalaking aparador niya.
"Ozu?! Ozu?!"
Narinig ko iyong boses ng Mama nila na tinatawag si Ozu kaya nanahimik na muna ako.
"Mama! Hindi naman po yata tama na ikulong n'yo si Ozu rito?" matapang na boses ni Ate Mini.
Hindi na ako nakatiis kaya sumilip na ako sa guhit guhit na butas nitong aparador.
Boses pa lang kasi ng Mama nila nakakatakot na.
Sa totoo lang kahit na nakatagilid ulit siya ngayon at hindi ko gaanong maaninagan ang mukha niya, sigurado akong nakakatakot siya.
Kaya pala witch ang tawag sa kanya ni Ozu.
"Mama, sana naman 'wag nang maulit 'to." dugsong ni Ate Mini.
"Ginagawa ko 'to para sa kanya! Anong problema roon?" pagtataray nito.
"Alam namin 'yon mama, pero 'wag n'yo naman siyang ituring na parang bata!" kunot noo namang pagtataray ni Ate Mimi.
"Hindi n'yo ako kailangang diktahan sa kung anong gagawin ko!" natahimik sila. "Mr. Don?" dugsong nito.
"Yes, madam."
May inaabot na magarang damit kay Ozu iyong Mr. Don pero hindi 'yon kinukuha ni Ozu.
"Hindi n'yo ako makikita sa party." Pagmamatigas ni Ozu.
"'Wag mo akong subukan Ozu!" napataas na 'yong boses ng Mama nila.
Natahimik ulit sila.
"Makikita n'yo siya mamaya sa party. Kami na ang bahala sa kanya." sabat ni Ate Mimi kaya napakunot si Ozu ng noo.
"Okay, aasahan ko iyan. Let's go Mr. Don." sabay labas nito sa kuwarto.
Napabuntong hininga naman ako. Grabe 'yon ah? Salamat naman at umalis na siya nakakatakot kasi e.
"Okay, ipapaliwanag ko kung bakit ako pumayag na magpakita ka mamaya sa party, Ozu."
Lumabas na ako ng aparador.
"Pagtungtong ng alas nuebe mamayang gabi, I'm sure magsasalita na si Mama no'n. Doon natin puwedeng isingit ang pagtakas kay Melanie."
"Woah! Oo nga puwede." nakangiting sabi ni Ate Mini.
"Okay, deal." Pagsang-ayon ni Ozu.
Tumango-tango naman ako.
Votes and Comments are highly appreciated.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]
Teen FictionBook 1 of First Generation. Highest Rank Achieved: #2 in Teen Fiction as of 2016 by MsjovjovdPanda. Si Melanie 'Bebang' Dimakales also known as 'Miss Pangit', ang babaeng 'dimakaalis sa kapangitan at 'dimakaalis sa kahirapan. Kinasusuklaman niya si...