Chapter 26
Bebang's Point of View
Nagtaka ako ng si Moira ang hilahin ni Ozu at hindi ako.
Bigla kasing namatay 'yong ilaw. Pero ang sobrang ikinagulat ko ay ang bigla lang naman akong hilahin ni Ezikiel at hinalikan niya ako.
Sandali pang nagloading 'yong utak ko dahil sa pangyayari.
Ilang segundo pa, nanlaki 'yong mga mata ko ng maramdaman ko iyong labi niyang nakadampi sa labi ko.
Alam n'yo 'yong gusto ko nang himatayin? Gusto ko ng sumigaw?
Hinalikan ako ng crush ko! Nanigas na yata ako.
Matagal ko nang pinapangarap na mangyari ito at ngayon ay natupad na.
Sana 'wag nang matapos ito.
Ayoko ng magising sa panaginip ko.
"Ezikiel?" nang biglang nagsalita si Moira kaya natigilan si Ezikiel sa paghalik sa akin.
Nawala yata iyong kaluluwa ko.
Napalingon si Ezikiel kay Moira at nagulat siya ng nasa harapan namin sina Ozu at Moira.
Muli akong tinignan ni Ezikiel at nagulat siya ng hindi si Moira ang nahalikan niya.
Gulat na gulat din siya.
Nang bigla akong masilaw sa flash ng camera dahil may mga estudyanteng pinagpupulungan na kami ngayon at kinukuhaan nila ako ng picture.
Pero kahit kuhaan naman nila ako ng picture hindi naman nila ako makilala. Nakatakip kasi ng maskara ang buo kong mukha.
Pero napatakip pa rin ako sa maskara ko baka kasi mahubad.
"Oh my gosh—sino siya?"
"Pinagpalit si Moira sa kanya?"
"Mas maganda kaya siya?"
"Gusto kong makita ang mukha niya."
"Ano kaya ang pangalan niya noh?"
Nang biglang nagwalk out si Moira.
"Moira!!" kaya tinawag siya ni Ezikiel at mabilis niyang sinundan ito.
Nakatingin lang ako sa kanila habang papalayo sila.
"Itigil n'yo ang pagkuha n'yo ng picture sa kanya!" bigla namang sabi ni Ozu matapos ay hinila na niya ako paalis doon.
President Kang's Point of View
Bigla akong napatigil sa pakikipag-usap ko sa mga bisita dahil parang may kung anong kaguluhan ang nangyayari malapit sa pool.
Parang mga estudyante ang natatanaw ko at mga kasing edad lang ni Ozu ang mga 'yon.
Nilapitan ko si Mr. Don. "Paki check nga kong anong nangyayari banda roon."
"Okay po, Madam."
Ozu's Point of View
"Damn it! Kailangan na natin makaalis dito." sabi ko kay Pangit pero mukhang wala siya sa sarili niya.
"Ozu! Bilisan n'yo na! Tumakas na kayo habang hindi pa nakatingin sa atin si Mama. Magpapaiwan na kami rito bilisan n'yo." sabi ni Ate Mimi.
"Tatawagan ka namin." pahabol ni Ate Mini at mabilis niyang inabot ang susi sa akin.
Tumakbo na kami habang hila-hila ko si Pangit.
Medyo nagpalinga-linga pa ako dahil napapaligiran pa rin kami ng mga bodyguard ni Witch.
Nang makalabas kami ng gate mas binilisan ko ang pagtakbo.
Natatanaw ko na 'yong kotse ni Ate Mini.
Damn! Makakatakas na kami.
Mabilis kong pinaandar ang kotse ng makarating kami rito.
*****
Ezikiel's Point of View
"Moira! Moira!"
Hindi ako nililingon ni Moira. Dire-deretso lang siya hanggang sa natunton na niya ang kotse niya.
Tumakbo ako. "Moira!" Mabilis kong hinablot ang braso niya.
Hingal ko siyang tinignan. "Please... hayaan mo akong magpaliwanag." Ani ko.
"Shut up Ezikiel! Hindi na kailangan. Let me go!" pagpupumiglas niya kaya't nabitawan ko siya.
Mabilis siyang pumasok sa loob ng kotse at mabilis pinaharurot ang sasakyan.
Naiwanan ako rito na nag-aalala.
"Ezikiel, anong nangyari?" tanong ni Zyren ng sundan nila ako.
"Sino iyong babaeng kasama ni Ozu?" turan naman ni Darren.
Hinihintay nila ang sagot ko pero hindi ako mapakali.
"I dont know." nag-aalangan kong sagot.
Pero kong kasama siya ni Ozu, ibig sabihin, kilala rin namin 'yon.
"Bakit hindi sa atin sinasabi ni Ozu na may kilala siyang babae na gano'n?"
"Oo nga! Grabe, naglilihim na siya sa atin."
"Ezikiel, na mukhaan mo ba 'yong babae?" sunod nilang tanong pero napailing nalang ako.
"Susundan ko muna si Moira."
Mabilis kong iniwanan ang dalawa.
Hindi ko naman kasi talaga kilala kong sino 'yong kasamang babae ni Ozu na nahalikan ko kanina.
Zyren's Point of View
Nakatanaw lang kami sa sasakyan ni Ezikiel na nagmamadaling umalis.
"Ano ba'ng nangyari sa mga 'yon?" ani Darren.
Napailing nalang ako. "Hindi ko alam sa kanila pero... hindi 'yon ang tanong ko, dre. Kundi sino 'yong babaeng kasama ni Ozu?"
Nagkatinginan kaming dalawa habang nag-iisip.
"Baka hot chick 'yon, dre." ngiting sabi ni Darren matapos ay napapalakpak naman ako.
"Oo nga!" sabay kagat ng labi.
"Akala naman natin mahina sa babae si Pinuno. Palihim lang pala gumawa ng moves." napailing nalang kami.
Votes and Comments are highly appreciated.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]
Teen FictionBook 1 of First Generation. Highest Rank Achieved: #2 in Teen Fiction as of 2016 by MsjovjovdPanda. Si Melanie 'Bebang' Dimakales also known as 'Miss Pangit', ang babaeng 'dimakaalis sa kapangitan at 'dimakaalis sa kahirapan. Kinasusuklaman niya si...