Chapter 62
Sabay sabay dumilat ang mga mata ko nang maramdaman kong parang may mabigat na nakayakap sa akin.
Kahit kasi tulog ako, alam kung nasa kuwarto ako ni Ozu ngayon.
May sakit siya kagabi at binabantayan ko siya at pagkatapos no'n nakatulog yata ako at—bigla akong napasigaw ng malakas nang sa paglingon ko sa bandang kaliwa ko nakita kong nakayakap siya sa akin.
Wala akong pakialam kung marinig 'yon hanggang labas.
Hindi ko sukat akalaing magkatabi na pala kami ngayon sa kama niya.
"Araay!" sigaw din niya dahil nahulog siya sa kama. Napalakas din yata 'yung paghawi ko sa kanya.
Mabilis ko siyang tinignan gamit ang malalaki kong mga mata.
"A-a-anong oras na?! Gaano ako katagal natulog katabi mo?!" natataranta kong tanong.
Nang biglang may hindi magandang pumasok sa isipan ko kaya napaupo na ako.
"P-p-paano na 'yung pagkababae ko? Hindi!!!" Napayakap nalang ako sa sarili ko nang mapagtanto ko 'yon.
"Hoy Pangit! Ano ba?!"
Patuloy pa rin akong sumisigaw hanggang sa natigil nalang rin ako dahil sinigawan nga niya rin ako.
"Ang dumi ng isip mo!" bulyaw niya sabay kapa sa likuran niya.
"Aray ko! Parang nabalian yata ako ng buto." halos hindi maipinta ang mukha nIya dahil sa iniinda.
"M-m-malay ko ba kung may ginawa ka sa akin?!" gulat na gulat pa rin ako habang nakatitig sa kanya.
"What?! Sa tingin mo magagawa ko 'yon eh may sakit ako?" napangisi na siya.
"....I-i-ibig sabihin kung wala kang sakit posibleng nagawa mo 'yon? Aaaah!" nababaliw na yata ako.
"Hays! Ano ba 'yang tumatakbo sa isip mo, ha, Pangit?!" matapos niyang sumigaw bigla nalang akong natahimik.
Ang awkward ng pagkakataon pero may point naman siya roon.
May sakit siya e paano niya magagawa 'yon? Hindi pa rin ako tumatayo sa kinapupuwestuhan ko. Nakaupo pa rin ako sa kama niya habang siya nakatayo.
Eh, iniisip ko lang naman ang kapurian ko e sorry naman.
Ozu's Point of View
Bigla akong napangiti dahil may biglang pumasok na kalokohan sa isip ko. Pagtingin ko sa kanya, nando'n pa rin siya sa kama. Nakaupo pa siya.
Unti-unti kong nilalapit ang mukha ko sa mukha niya kaya napapausod naman siya.
"T-t-teka Ozu Kang! Anong gagawin mo? Kumalma ka lang pakiusap!" pagmamakaawa niya habang yakap-yakap ang sarili.
Magkatitigan kaming dalawa pero kagaya nga ng inaasahan ko, sumigaw na naman siya dahil akala niya may gagawin ako sa kanyang hindi maganda.
Kinuha ko lang naman 'yung magazine na nakapatong sa mesa at tumabi ako sa kanya. Umupo ako habang palihim na natatawa.
"Eh? W-w-wala kang gagawin sa akin?" tanong niya na siyang ikinatawa ko lalo.
"Haha! Bakit? Gusto mo bang may gawin ako sa 'yo, huh?" biglang sumimangot 'yung mukha niya matapos kong sabihin 'yon.
"Hoy Ozu Kang! Napaka dumi talaga ng isip mo!" bulyaw niya.
"Hahaha! Talaga? Sino kaya sa ating dalawa?"
Bigla na siyang tumahimik tapos may binubulong bulong siya kaya patuloy pa rin ako sa pagngiti ko habang napapaiiling.
"Nga pala, nabasa mo na ba 'to?" bigla na akong nagseryoso. 'Yung nakasulat kasi sa magazine, article ito tungkol sa amin ni Krisha Liu.
Tumango lang siya.
"Tumawag si Ate Mimi kahapon. Sinabi niyang hinahanap na raw ako ni Mama kaya kailangan na nating bumalik doon ngayon."
"N-n-naiintindihan ko."
Ang awkward pa rin ba para sa kanya? Napangiti na naman tuloy ako pero iniba ko na lang 'yung usapan para 'di na siya mailang pa.
"Nga pala, okay ka na ba?" ani ko.
"Okay? Baka ikaw ang dapat kung tanungin diyan kung okay ka na ba? Hindi na ba masama ang pakiramdam mo?" kita ko 'yung pag-aalala niya sa akin.
"Okay na ako. Huwag mo na akong alalahanin." ngumiti ako ng bahagya.
"Umh, nga pala, kaya ako pumunta rito kagabi kasi... gusto ko lang sanang magpasalamat sa pagsagip mo sa akin sa dagat kahapon."
Nagkatitigan kaming dalawa.
"Tss, wala 'yon."
"Umh, kung gano'n sasabihan ko na sila Tiya na aalis na tayo ngayon."
Tumango lang ako. Aalis na sana siya pero—"Sandali Crystal." Pinigilan ko siya. Hinawakan ko siya sa kamay niya kaya nilingon niya ako.
"Bakit? May kailang—" pinutol ko 'yung sasabihin niya dahil muli ko siyang hinalikan sa labi niya. Pero hindi ko naman tinagalan 'yon.
"Thank you sa pag-alaga mo sa akin kagabi." bulong ko sa tainga niya.
Natulala yata siya sa ginawa ko kaya inikot ko siya patalikod sabay tinulak ko siya palabas. "Lakad na, magbihis ka na, medyo na ngangamoy ka na e. Magkita nalang tayo sa baba."
Sinarado ko na 'yung pintuan at tuluyan na nga akong nagligpit ng mga gamit ko habang nakangiti.
*****
Crystal's Point of View
Nung una, doon niya ako hinalikan sa pool. 'Yung pangalawa nung nalunod ako sa dagat. At 'yung pangatlo 'yung paghalik niya sa akin ngayon.
"Ano bang ibig sabihin ng lahat ng 'yon?" bulong ko sa sarili ko habang tulalang naglalakad pabalik ng kuwarto.
Ozu Kang! Ginugulo mo naman ang puso ko eh!
Napatakip nalang ako sa mukha ko ng hindi ko namamalayan. Gusto ko na namang sumigaw ng malakas pero hindi puwede.
Mula magkita kami sa baba ng hotel hanggang sa pagsakay namin sa eroplano, hanggang sa pag-uwi namin halos mawala ako sa sarili ko dahil sa kakaisip sa kanya. Sa mga pagpaparamdam niya sa akin sa pamamagitan ng mga paghalik niya.
Hindi ko na alam ang iisipin ko kung wala lang ba 'yon para sa kanya o meron?
Pero sa totoo lang, sa tuwing iniisip ko naman 'yung mga ginawa niya hindi ko alam kung bakit may kilig akong nararamdaman.
Mahal na ba kita Ozu Kang? Hindi puwede! Nasa rules niya 'yon e. Lalabagin ko na naman ba 'yon? Naiiyak na ako!
Votes and Comments are highly appreciated.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]
Teen FictionBook 1 of First Generation. Highest Rank Achieved: #2 in Teen Fiction as of 2016 by MsjovjovdPanda. Si Melanie 'Bebang' Dimakales also known as 'Miss Pangit', ang babaeng 'dimakaalis sa kapangitan at 'dimakaalis sa kahirapan. Kinasusuklaman niya si...