Chapter 73
Ezikiel's Point of View
Dalawang buwan nang nakakalipas simula ng hindi na magpakita sa aming lahat si Crystal. Habang si Ozu naman binalik niya 'yung dating ugali niyang nambubully ng mga estudyante.
Nag-uusap-usap kami nina Zyren at Darren ngayon kung paano kami makakatulong kina Ate Mimi at Mini dahil sa napakalaking problema nila ngayon.
Kinakailangan kasi nila ngayon ng napakalaking halagang pera para sa naiwanan at naluluging company ng daddy nila.
"Ito nga pala ang savings ko. Siguro naman makakatulong na itong 1.2 million." sabi ni Darren.
"Ito naman 'yung sa akin 1.8 million." Inilapag naman ni Zyren 'yung sa kanya.
"1.4 million ang maiaambag ko." bigkas ko naman.
Tumango kami sa isat'-isa.
"Siguro naman may maisasalba na tayong dalawang kompanya niyan." nakadikwatrong sabi ni Zyren.
"Oo, puwede na natin 'tong ihatid kina Ate Mimi." tumayo na ako at paalis na sana kaming tatlo nang bigla naming maalala si Ozu.
Kasama nga pala namin siya ngayon. Sabay sabay namin siyang nilingon.
"Ozu, hindi ka ba sasama sa amin?" tinatanong siya ni Darren pero hindi siya sumagot.
Nakapikit lang siya habang nakaupo sa sofa. Nakadikuwatro. Nakacross arms habang nakakunot ang mga noo.
Nagkatinginan nalang tuloy kaming tatlo. Nakakasama nga namin siya palagi pero 'yung presence naman niya wala naman sa amin.
Napalalim nalang tuloy kami ng hininga matapos naming magkatitigang tatlo.
Kahit paano, nag-aalala pa rin kami sa kanya. Ganyan nalang kasi siya palagi, kung hindi tahimik mainit naman ang ulo.
"Kung gano'n, hintayin mo nalang kami rito." Ani ko.
*****
President Kang's Point of View
"Madam, sigurado pong matutuwa kayo sa magandang ibabalita ko ngayon." sabi ni Mr. Don kaya naging interesado akong tumingin sa kanya.
"Bakit? Anong meron?" magkaharap kaming dalawa.
"May magdo-donate po ng napakalaking halagang pera para maisalba ang mga kompanya ng pamilya n'yo, Madam."
"Ano?" nagulat ako sa sinabi niya. Totoo ba 'yung narinig ko? Halos lahat ng kompanya ang tinutukoy niya.
"Opo at gusto niyang makipag-usap sa inyo, Madam."
"Anong pangalan niya?" humarap agad ako sa laptop ko. Gusto ko siyang i-search.
"Kilala lang po siya bilang si Mommy Fa."
Natigilan ako. "Mommy Fa? Are you kidding me Mr. Don?" tinitigan ko lang siya.
*****
Mimi's Point of View
Napapunta kaagad kami rito sa harapan ng bahay namin dahil may nagpupumilit daw na isang matandang babae ang gustong makausap si Mama kaya lumapit kami rito.
"Sino po kayo?" tanong ni Mini sa kanya.
Nakita rin naming dumating sina Zyren, Darren at Ezikiel.
"Ako si Mommy Fa, nasaan ang Mama ninyo? Gusto ko siyang makausap." mataray nitong pagkakasabi.
Nagkatinginan tuloy kami ni Mini. "Po? Pero anong kailangan n'yo sa kanya?" pinagmamasdan ko ang kabuuang mukha niya. Para kasing may kakaiba sa kanya.
"Kayo ang mga anak na kambal niya hindi ba? Papasukin n'yo ako!" sapilitan siyang pumasok sa loob ng Mansion kaya nataranta kami.
"Teka? Sino po ba kayo at anong kailangan n'yo?"
Hindi niya ako sinagot. Tuloy tuloy pa rin siya sa pagpasok kasama ang mga bodyguards niya, at mukhang mas madami pa ang mga ito kaysa kay Mama.
Ezikiel's Point of View
Isang matandang babae ang nagpumilit na pumasok sa loob ng Mansion nina Ozu kaya sumunod na rin kami sa kanila.
Pinipigilan sila ng mga Ate ni Ozu pero wala silang magawa.
Kung ilalarawan ko ang matandang babae, sa tingin ko ay mayaman siya. Sa kasuotan at mga alahas pa lang nakakabit sa katawan niya, hindi na ito pangkaraniwan.
"Ituro n'yo sa akin ang daan kung saan ko siya matatagpuan. Ano ba namang klaseng mansion 'to? Bakit parang walang ka class class?" reklamo niya.
Hinahanap nito ang Mama nina Ozu.
Nagbubulungan nalang sina Ate Mimi at Mini gano'n din itong sina Darren at Zyren dahil nagtataka nga kaming pinagmamasdan ang pinapakitang ugali ng matanda.
Wala kaming ibang ginawa kundi ang sumunod lang sa kanila dahil hindi pa namin makausap ang mga Ate na sanay kakausapin namin para maiabot namin ang tulong namin para sakanila.
Votes and Comments are highly appreciated.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]
Teen FictionBook 1 of First Generation. Highest Rank Achieved: #2 in Teen Fiction as of 2016 by MsjovjovdPanda. Si Melanie 'Bebang' Dimakales also known as 'Miss Pangit', ang babaeng 'dimakaalis sa kapangitan at 'dimakaalis sa kahirapan. Kinasusuklaman niya si...