Chapter 60

78.4K 2.7K 69
                                    

Chapter 60


Ozu's Point of View

Bigla ulit may kumatok. "Sino 'yan? Bukas 'yang pintuan, pasok!" sigaw ko habang nakahiga sa kama.

Hindi ko alam kung bakit parang nilalamig yata ako. "Anong kail—" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng siya 'yung makita ko rito sa loob ng kuwarto ko.

"Aaah! Bakit nandito ka?!" bigla akong nataranta.

"May sakit ka raw eh." sagot ni Pangit habang hindi ko malaman kong anong puwesto ang gagawin ko.

"Oh, eh, ah, a-a-ano ngayon? Lumabas ka sa kuwarto ko!" pagtataboy ko sa kanya.

"Saan ba ako lulugar sa inyo? Pinapapunta ako rito nina Tiya at Balat tapos pagpunta ko naman dito ipagtatabuyan mo ako sa kanila. Nakakabaliw na kayo!" reklamo niya kaya napatigil ako sa pagtataboy ko sakanya.

Kailangan kong gumawa ng palusot. "Ah, kasi...baka... mahawa ka? Tama! Baka mahawa ka. Lumabas ka na!" pinagtabuyan ko ulit siya kaso biglang may dumating na naghahatid ng pagkain kaya natigilan ulit ako.

"Ma'am, sir, goodmorning po. Ito na po 'yung breakfast na pinaorder para sa inyo."

Napalihis nalang kami pareho ng tingin at 'di kumibo.

Pinatuloy ko na 'yung naghahatid ng pagkain. Napapasok tuloy ako ng banyo ng wala sa oras at iniwanan ko na siya doon.

Tumingin ako sa salamin ngayon at kinausap ko ang sarili ko.

"Ozu Kang! Hindi mo kailangang mataranta dahil nandiyan siya! Kaya mo 'yan, okay? Relax lang!" Bumuga ako ng malalim na hininga.

Paglabas ko ng CR wala na 'yung nagdeliver ng pagkain. Siya nalang ang nandon at nakaupo pa rin sa harap ng hapagkainan.

"Oh! Ang sarap naman nitong mga 'to. Bakit hindi ka pa kumakain?" sabay kuha ko ng isang pirasong pagkain at sinubo ko 'yon.

"Paano ako kakain e nasa loob ka pa kanina." sarkastiko niyang sabi.

"Ah! Hahaha! Oo nga naman, siya kain na tayo." Sapilitan kong nilunok 'yung kinakain ko kahit hindi ko gusto.

"Teka? Akala ko ba may sakit ka? Parang wala naman eh."

Namutla ako bigla.

"Ah, kasi, y-y-yung katawan ko sumakit, tapos parang sumama na 'yung pakiramdam ko, pero parang nawala na. Siguro na gutom lang ako hahaha!"

Pinaikot-ikot ko 'yung balikat ko. Pinapakita ko sa kanyang okay na ako. Hindi ko nga lang alam kung obvious bang nagsisinugaling ako.

Nakangiti lang ako sa kanya habang sapilitan kong ginagawa 'to.





Crystal's Point of View

Mukhang pinaglololoko lang ako nitong si Ozu Kang eh.

Matapos naming kumain pareho na kaming nakatunganga ngayon. Tinawagan ko nalang si Besplen para naman may magawa ako.

"Oh, Bestfriend? Kumusta si Ozu?" Bungad niya sa kabilang linya.

"Ah, okay naman na siya. Susunod kami sainyo."

"Ha? Talaga? Akala ko ba may sakit siya?"

"Sumakit lang daw 'yung katawan niya pero okay na siya. Pupunta raw tayo sa isa pang beach dito sa Bohol kaya magready na kayo."

"Wow! Gusto namin 'yan. Sige maghahanda na kami ni Tiya!"

Ibinaba ko na 'yung phone. "Sinabi ko na sa kanila 'yung pinapasabi mo. Siguradong wala ka nang sakit ha?" turan ko ng lingunin ko si Ozu.

Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon