Chapter 42
Nagmadali akong pumunta sa sinasabing Bar nina Ate Mimi.
May naririnig akong nagsisigawan at nagsisilabasan mula dito sa Bar kaya kinakabahan ako.
Si Ozu Kang ba ang dahilan nang lahat ng 'yon?
Pasaway ka talaga na sabi ko sa isipan ko. Napailing nalang ako at nagsalubong ang dalawa kong kilay.
"Crystal?"
Biglang may humawak ng kamay ko kaya natigilan ako sa pagpasok.
"Ezikiel?" sambit ko ng makilala ko siya. Pagtingin ko naman sa likuran niya kasama niya rin ang mga king na sina Darren at Zyren.
"Tinawagan ka rin nila Ate Mimi?" turan niya.
"Oo, kayo rin ba?" tumango sila.
"Puntahan na natin si Ozu sa loob." suhesyon ni Darren kaya nagmadali na kaming pumasok sa loob.
Bumungad sa amin na pinagsusuntok ni Ozu 'yung mga lalaking makita niya.
Samantala takot na takot namang nasa gilid sina Ate Mimi at Mini.
May mga body guards nga silang kasama pero sadyang malakas talaga si Ozu.
Wala rin magawa ang mga ito kaya nilapitan na siya nina Zyren at Darren.
Si Ezikiel naman kinakausap niya 'yung manager nitong Bar.
Samantala ako tumabi ako kina Ate Mimi at Mini.
"Mga Ate! Ano po ang nangyari?" Humahangos kong tanong.
"Hindi rin namin alam. Basta tinawagan lang kami ng manager dito sa Bar tapos pagpunta namin dito ayan, ganyan na siya, nagwawala."
Bakas sa mukha nila ang pag-aalala sa kapatid nila.
Nang mapatingin ako kay Ozu halos wala talagang nakakaawat sa kanya kahit isa.
Tuloy pa rin siya sa panununtok niya.
"Ozu! Ano ba?! Tumigil ka na nga!" inaawat siya ni Zyren.
"Magsialis na kayo bilisan n'yo!" sigaw naman ni Darren doon sa mga lalaking pinagti-trip-an ni Ozu.
Samantala pinagmamasdan ko lang ang ginagawa niya.
"Bitawan n'yo ako!"
"Tumigil ka na nga!"
"Ano ba Ozu?!"
Matapos namang makipagdeal ni Ezikiel sa manager nitong Bar agad siyang humarap kay Ozu.
"Ezikiel—" biglang natauhan si Ozu ng makita niya ang kaibigan. Seryoso niya itong tinignan.
Pero hindi ko na narinig pa ang huling sinabi niya kay Ezikiel dahil sa lakas ng ingay na nangagaling sa taas ng magtakbuhan ang mga tao pababa.
Alam kong may kadugsong pa 'yung sinabi niya pero hindi ko lang talaga narinig 'yon.
Nang lingunin ko ulit silang apat, nagulat ako ng nakaamba na si Ozu na susuntukin si Ezikiel kaya agad akong pumagitna sa kanila.
Kunot noo ko siyang tinignan dahil hindi na ako makapag pigil pa sa mga ginagawa niya.
"Ozu Kang!" sigaw ko.
Bigla ko siyang sinugod at binigyan ng isang malakas na suntok na ikinagulat ng lahat.
"Araay!!" alingawngaw niya.
"Oh ano? Bumalik ka na ba sa katawang kutong lupa mo ha?!" sermon ko sa kanya habang namimilipit siya sa sakit.
Nakahawak siya sa tiyan habang inis na nakatingin sa akin.
"Araay ko—sh*! Bakit mo ginawa sa akin 'yon ha?!"
"Bakit? Kung hindi ko ba gagawin 'yon babalik ka ba sa katawang kutong lupa mo ha?!" sigaw ko ulit.
"Hays! Ang sakit no'n!" angal pa rin niya.
Tinignan ko siya ng masama. Aambahan niya sana ako ng suntok pero bigla ko siyang piningot.
Nanggigil na ako e.
"Aaaah!" Hindi siya nakapalag.
"Aambahan mo pa ako ha? Halika ka rito! Dito tayo sa labas magtutuos. Barumbado ka talaga! Kahit sinong gusto mong gulpihin ginugulpi mo?! Hindi puwede 'yon Ozu Kang!"
Mas hinigpitan ko ang pagpingot ko sa kanya habang kinakaladkad ko siya papalabas.
"Araay! Araay! Bitawan mo na ako! Hindi na muulit 'yon. Araay!" pagmamakaawa niya.
Ezikiel's Point of View
Gulat kaming nakatingin ngayong lahat kina Ozu at Crystal.
"Grabe! Nakita n'yo ba 'yung ginawa ni Miss Crystal kay Pinuno?" hayag ni Darren.
Halos lahat kasi kami ay hindi makapaniwala sa ginawa ni Crystal.
"Napaamo niyang parang tuta si Pinuno. Napahanga ako, men." manghang-mangha turan ni Zyren habang umiiling.
Samantala napangiti niya ako sa ginawa niya.
"Para siyang Amazona." bulong ko.
"Mga king, sasama ba kayo sa amin?" biglang tanong ni Ate Mini kaya tumango kami.
Sabay sabay kaming lumabas ng bar at naabutan nga naming nagtatalo 'yung dalawa. Sinipa ni Crystal si Ozu sa paa at hinampas pa niya ito.
"Araay ko! Ano ba? Nakakadami ka na, ah!" angal ni Ozu habang sinasalo ang mga hampas ni Crystal. Hindi kasi siya makapalag dito.
"Nakakadami? Hoy Ozu Kang! Hindi pa sapat 'yan sa lahat ng ginawa mo roon sa mga tao kanina sa loob!"
Patuloy pa ring hinahampas ni Crystal si Ozu.
"Araay ko! Tumigil ka na! Hindi ko na nga uulitin e! Ano ba?! Hay!"
"Hindi ako titigil hangga't hindi ako napapagod! Ayan ang dapat sa 'yo!"
"Araay! Tama na nga kasi! Hindi na ako uulit."
Parang papaiyak na si Ozu kaya tinatawanan sila nina Ate Mimi.
Votes and Comments are highly appreciated.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]
Teen FictionBook 1 of First Generation. Highest Rank Achieved: #2 in Teen Fiction as of 2016 by MsjovjovdPanda. Si Melanie 'Bebang' Dimakales also known as 'Miss Pangit', ang babaeng 'dimakaalis sa kapangitan at 'dimakaalis sa kahirapan. Kinasusuklaman niya si...