Chapter 4

125K 4.5K 239
                                    

Chapter 4


Bebang's Point of View

"Bebang!!" Pagkarinig ko sa pangalan ko, bigla lang naman akong nalaglag mula sa kinahihigaan ko.

Aba naman! Ayan na naman ang tiyahin kong bungangera. Tinatawag na naman niya ako kahit ang aga-aga pa.

"Bebang! Ano ba?! Nasaan ka na?!" sigaw niya ulit kaya mabilis akong lumabas ng kuwarto ko.

"Opo! Malapit na po ako riyan!"

Pagkapunta ko ng sala nakita ko siyang nakatalikod. Nang humarap siya sa akin, para akong nakakita ng nagliliyab na dragon.

Nang pagmasdan ko ang buong mukha niya, nakita kong nakataas na naman ang mga kilay niya at buhaghag pa ang buhok. Ang laki pa ng mga butas ng ilong idagdag ko na rin.

"Walang kuryente! Bakit tayo naputulan?!"

Halos yumanig ang buong bahay dahil sa lakas ng boses niya. Tinalsikan pa nga yata ako ng laway niya dahil parang may kung anong basa ang tumalsik sa mukha ko.

Pambihira! 'Yun nga lang... patay! Nakalimutan kong iabot 'yong disconnection notice sa kanya nu'ng isang araw.

Napakamot tuloy ako sa ulunan ko. "Sorry po."

Nagpeace sign ako sa kanya habang natatawa at paatras na naglalakad.

Baka kasi habulin niya ako. Eh 'di, ready na ko papalabas.

Nakita kong nanlaki 'yong mga mata niya at mas lalong lumaki pa ang butas ng mga ilong niya. Tila magliliyab na siya sa galit kaya...

"BEBANG!!" sigaw niyang muli kaya napatakip na ako ng tainga.

Sa kamamadali kong umalis ng bahay para magbayad ng kuryente, eh, 'yong pamasahe ko naman 'yong nakalimutan kong kuhain.

Anak ka ng teteng! Anong kamalasan ba ang ipinamana sa akin ng Nanay ko?

Paano na kaya ito? Nandito na ako sa loob ng bus at malapit na 'yong condoctor sa akin.

Ano kayang puwede kong gawin?

Sigurado mapapa-one-two-three ako nito. Hindi ko naman puwedeng bawasan 'yong pambayad ng kuryente dahil alam kong mapupuna ni tiya 'yon.

Kahit nga piso ang ibawas ko rito magaling sa kuwentahan iyon, e.

Napapikit nalang ako habang nagdadasal dahil nasa tapat ko na iyong kondoctor.

"Dalawa po." Biglang sabi ng isang pamilyar na boses kaya nilingon ko siya.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Tila malalaglag na naman ang panga ko. Napakaguwapong nilalang ang nasa tabi ko ngayon.

"A-a-anong ginagawa mo rito?" gulat na gulat pa rin akong nakatitig sa kanya.

Nanigas na nga rin yata ako rito sa kinauupuan ko. Biro mo, magkatabi pa kami? Bakit hindi ko man lang siya napansin kanina?

"Boss? Sigurado ka ililibre mo siya?" sabat naman ng condoctor at talagang tinuro pa niya ako.

Abah! Loko loko itong kondoctor na ito, ah? Ano ba ang tingin niya sa akin? Isang Pangit? Napangisi ako. Sasapakin ko na 'to, e!

"Oo, siya." sagot ni Ezikiel at itinuro ako.

"Pero boss? Hindi ka high, ha? Ito po 'yong sukli n'yo."

Mas lalong namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi ng kondoctor na ito.

Abah! Grabe siya sa akin!

Anong tingin niya kay Ezikiel? Gumagamit ng pinagbabawal na gamot tapos ang tingin sa akin ay super ganda?

Sisipain ko na 'to, malapit na! Pigilan n'yo ako! Pigilan n'yo ako!

"Sa'yo na." Lumawak ang ngiti nu'ng kondoctor dahil ibinigay ni Ezikiel sa kanya 'yong sukli.

Halos malaglag pa nga ang pustiso niya, eh. Pero grabe! Ang galante naman ni Ezikiel. Sana sa akin nalang niya ibinigay 'yon para may pamasahe ako pauwi. Poor Bebang!

"Salamat, Boss!" kinawayan niya si Ezikiel. Tuwang tuwa siya rito.

Samantala sa akin, nang-aasar siya na nakatingin. Sisipain ko na ito! Pigilan n'yo talaga ako! Kapag ako gumanda at yumaman who you 'yan sa akin!

Pinakalma ko muna ang sarili ko matapos ay humarap na ako kay Ezikiel. "Nga pala, salamat pala sa libre. Akala ko katapusan na ng buhay ko, eh."

Nginitian ko siya sabay hawi ng buhok ko sa tainga. My gosh! Nilibre niya ako! Kenekeleg eke enebe.

"Katapusan ng buhay mo? Paano mo naman nasabi?" Lumingon siya sa akin ng nagtataka.

"H-huh? May sinabi ba ako? Sabi ko, salamat sa libre."

Pinalo ko siya ng mahina sa braso niya at feeling ko, close kami. My goodness! Ang bango bango ng damit niya. Anong downy kaya ginagamit niya?

"May dumi ba ako sa mukha ko? Bakit ka natatawa?"

Ay, ewan! Ang hirap niyang kausap.

"Wala. Sabi ko saan ka pupunta? Bakit dito ka sumakay?" Tanong ko sa kanya.

Ineexpect ko na isasagot niya sa akin... kasi nakita kita sabay beautiful eyes ko. Hohoho! Pero ilusyon ko lang naman 'yon.

"Nasira kasi iyong kotse ko kaya rito ako napasakay. Hindi ko nga inaasahan na makita kita rito." turan niya habang nakangiti.

Mukhang kailangan ko tuloy ng inhaler! Bakit nakakasilaw ang mga ngiti niya?

"Ah! Gano'n ba? Sabi ko nga, e." Nagbeautiful eyes ulit ako baka kasi mapansin niya 'yong mga magaganda kong mga mata, kahit na, nahaharangan 'yon ng malalaki at makakapal kong eyeglasses.

"Ikaw? Saan ka pupunta?"

Uy! Curious siya sa akin. Enebe~ Bebang eng gende gende me telege!

Hinawi ko 'yong buhok ko papunta sa likod ko. Malay n'yo kasi mabanguhan siya. Kahit naman makapal itong buhok ko mabango naman ito noh.

"Ha? Ako? Magbabayad ng kuryente." nagbeautiful eyes ulit ako.

"Wala kayong katulong? 'Di ba gawain nila 'yon?" muntikan na yata akong mapasubsob sa unahan dahil sa sinabi niya.

Nawala tuloy 'yong pagpapacute ko.

"Hah? Katulong kamo?" Medyo napalakas na 'yong boses ko.

Eh, kung sabihin ko kaya sa kanyang ako 'yong katulong ng tiyahin ko? Grabe 'to! Hindi naman ako katulad nya, rich kid. Poor kiddo nga ako, e.

"Uhm... hindi naman kami mayaman. Hindi katulad mo. Isa pa, itong pangit na ito magkakaroon ng katulong? Nagpapatawa ka naman."

Umayos ako ng pagkakaupo ko dahil muntikan na nga kasi akong maglaglag dahil sa sinabi niya.

"Sino ba may sabi sa 'yo na pangit ka?" pagkasabi niya no'n bigla na namang nalaglag 'yong panga ko.

Muli ko siyang hinarap.

"Are you blind?" Napa-english tuloy ako. "Eh, 'kong si Ozu Kang nga, kung sabihan ako ng pangit wagas, e, tapos ikaw? Sasabihin mo sa akin na sino may sabi sa aking pangit ako?"

Tinuro ko mismo itong sarili ko. Pinagdiinan ko gano'n.

Pero matapos kong sabihin 'yon, wala na siyang ibang ginawa kundi ang tumawa, kaya tumawa nalang din ako.

Ang weird niya!

"Hahaha!"

Napangiwi nalang ako dahil ang lakas niya palang tumawa. Napakamot nalang din tuloy ako sa ulunan ko habang pinagmamasdan siya.











Votes & Comments are highly appreciated.

Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon