Chapter 72

69.3K 2.5K 249
                                    

Chapter 72


Mimi's Point of View

Nasa guest room si Krisha Liu habang magkakaharap naman kami ngayon nina Mama.

"Sa palagay naman namin Mama, may karapatan kaming tumutol sa kasal ni Ozu. Hinding hindi kami makakapayag na ipakasal n'yo siya sa isip batang 'yon!" madiin kong pagkakasabi.

"Mama, asahan ninyong gagawin namin ang lahat matutulan lang ang gusto ninyo. Hindi n'yo ba nakikita 'yung sarili n'yo? Mukha na kayong pera!" sumbat naman ni Mini sa kanya kaya sinigawan niya rin kaming dalawa.

"Please, SHUT UP! Tama na! Hindi n'yo kasi ako naiintindihan kung bakit n'yo nasasabi 'yan!"

Nagkatitigan kami ni Mini. "Baka may gusto kayong sabihin sa amin?" kunot noo kong tanong. "Mama, sumagot kayo!" dugsong ko kaya napaupo siya sa sofa niya at tila nanghihina.

Nagkatitigan kaming tatlo. "....Nalulugi na ang limang kompanya ng Daddy n'yo." pagkasabi niya nito halos mapatulala kami ni Mini sa nalaman naming dalawa.

"Anong sinabi n'yo?" sambit ni Mini kaya hindi na ako nakapagpigil pa.

"Mama, ano ba naman kayo?! Bakit hindi ninyo sinabi sa amin ang tungkol dito? Kailan pa 'to?!" sigaw ko sa kanya.

"Mag-iisang taon na! Ngayon, magiging kasalanan n'yo kung hindi maisalba ang kompanya ng Daddy n'yo. Pagkakataon na nating makabawi at dahil 'yon kay Ozu! Naiinis ako sa inyo!" umiiyak siya sa sobrang galit kaya napaiyak na rin kami dahil sa mga sinasabi niya.

"Kami ang sisisihin n'yo? Naririnig n'yo ba 'yung sinasabi ninyo, ha, Mama?! Pagkatapos ninyong hindi sabihin sa amin ang totoo kami pa ang sisisihin ninyo?! At gagawin n'yo pang pangsalba si Ozu?! Ano n'yo ba kami, ha, Mama?!"

Hindi ko na talaga napigilan ang galit ko. Halos tumulo na 'yung mga luha ko dahil sa mga sinasabi niya. Mama ba talaga namin siya?

"Anong tingin n'yo sa aming mga anak ninyo? Pangsalba sa mga kayamanan ninyo? Binuhay n'yo kami para do'n?!"

Pinigilan ako ni Mini na lapitan si Mama dahil baka kung ano ang magawa ko sa kanya. Niyakap nalang ako ni Mini kaya natigilan ako pero sinamaan ko pa rin siya ng tingin.

"Mimi, tama na." hinigpitan niya ang pagkakakapit sa akin. "Mama, hindi namin kayo mapapatawad tandaan n'yo 'yan." madiin niyang pagkakasabi.

"Kami na ang gagawa ng paraan para maisalba 'yung ibang kompanya ni Daddy. Halika na Mimi, umalis na tayo rito."

Inalalayan niya akong maglakad papalabas pero bigla kaming napatigil sa paglalakad nang magulat kaming makita si Ozu na nandito sa pintuan. Nakatayo siya habang nakayuko.

Kinabahan kaming nagkatinginan ni Mini.

"O-o-ozu, narinig mo ba 'yung... pinag-usapan namin?" utal kong tanong sa kanya.

Hindi niya ako sinagot kundi bigla nalang siyang tumakbo papalayo kaya muli kaming nangamba ni Mini. "Ozu!!" susubukan sana namin siyang pigilan pero nakalayo na siya sa amin.

Hanggang sa lumipas ang ilan pang oras hindi pa rin namin siya makita. Kung saan saan na namin siya hinanap kaya sinubukan na naming tawagan si Crystal pero hindi rin namin ito ma-contact.

Tanging 'yung mga king na lang ang napaghingian namin ng tulong para mahanap si Ozu.


*****


Crystal's Point of View

Bigla na lang akong napaluhod sa harapan ng puntod ng mga magulang ko. Hindi ko talaga mapigilang hindi umiyak dahil kanina pa ako gulong-gulo.

"Ano'ng ibig sabihin nito, Ma? Bakit niyo po kahawig ang Mama ni Ozu?"

Naguguluhan na talaga ako.

Anong ibig sabihin ng lahat ng 'to?

Bakit magkamukhang-magkamukha silang dalawa?


*****


Belen's Point of View

"Crystal? Anong problema?" tanong ko sa pamangkin ko nang madatnan ko itong umiiyak sa tapat ng pinto ng bahay ko.

"Ano po talaga ang totoong pagkatao ni Mama?"

"Ha?"

"Pakiusap po! Gusto kong malaman ang totoo, Tiya! Please, sabihin niyo po sa akin ang totoo! Bakit po may nakita akong kahawig ni Mama kanina? Magkahawig po sila ng Mama ni Ozu!"

"A-a-ano'ng sinabi mo?"


*****


Third Person's Point of View

Habang inaalam ni Crystal ang katotohanan, naabutan naman ng mga king na nagwawala si Ozu sa isang bar dahil sa mga pangyayari ngayong araw. Halos walang makaawat sa kanya dahil sa galit nito. Dumating naman sina Mini at Mimi ngunit wala rin silang nagawa.

Naaawa na lang silang nakatitig kay Ozu dahil sa sobrang kalasingan nito. Sinubukan ulit nilang tawagan si Crystal pero hindi pa rin nila ito ma-contact. Dumating naman ang mga pulis at hinuli si Ozu dahil sa malaking kaguluhan ang ginawa niya.

Dumating din si Ezikiel galing America at napag-alaman nga nito na tinapos na pala ni Crystal ang namamagitan sa kanilang dalawa ni Ozu, dahilan ng pagwawala at sobrang kalasingan nito

Sa kabilang dako, ang Mama naman nilang si President Kang ay nagpunta sa puntod ng itinuturing na mga magulang ni Crystal. Labis ang iniyak nito nang makarating ito roon.


Votes and Comments are highly appreciated.

Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon