Chapter 34

98.6K 3.4K 83
                                    

Chapter 34

Crystal's Point of View

Nagmadali akong lumabas ng cafe kahit nasa tabi lang ng mga king 'yong exit.

Alam kong nakatingin sila sa paglabas ko lalong lalo na si Ozu. Kakaiba iyong mga tingin niya sa akin kanina.

Mabuti nalang talaga at nakalabas na ako roon. Hindi ko pa kasi alam ang magiging reaksyon ko kapag nagkaharap harap na kaming lahat.

*****

Nandito na ako sa loob ng Kang Academy ngayon.

Pinagmamasdan ko ang buong pasilyo ng campus habang naglalakad patungo ng faculty room.

At habang naglalakad ako rito, pinagtitinginan ako ng lahat ng mga estudyanteng nakakakita sa akin ngayon.

"Para siyang anghel~"

"Napakaganda niya~"

"Uy, sino siya?"

"Bagong estudyante kaya siya rito?"

"Para siyang artista~"

"Ang ganda niya sobra~"

Hanggang sa makarating ako ng faculty room, hanggang sa makapasok ako sa pinakaloob, sinusundan pa rin nila ako.

"Miss Kim? Maaari ka nang pumasok sa susunod na linggo." sabi nu'ng teacher sa akin at nagkangitian kami.

Yes! Finally! Enrolled na ako. Back to school na ulit ako.

Grabe! Na miss ko rito. Ngayon naman ay nagpunta ako sa likuran nitong campus, itong dati kong tambayan dito.

Lalo nu'ng mga panahong binubully pa ako nina Ozu, dito ako palagi.

Naisipan ko ulit na sumigaw dahil na miss ko nga iyong dating ako, 'yong mga panahong pangit pa ako.

"Hello?!!" masayang-masaya kong sigaw.

I miss this place! Bumalik tuloy lahat ng masasamang alaala ko rito dati.

Pero ayos lang. Iba na ngayon.

Sa tingin ko ibang-iba na ang mangyayari sa akin ngayon dahil nagbalik na ako pero sa ibang itsura.


Ezikiel's Point of View

"Hello?!!"

Nagising ako nang may biglang sumigaw. Tinig ng isang babae kaya tinanggal ko 'yong notebook na nakatakip sa mukha ko.

Bumangon na rin ako mula sa pagkakahiga ko.

"Crystal Kim! Your mission has started!" sigaw niya ulit.

Pinagmamasdan ko lang siya. Pero nang nilapitan ko siya at tinitigan ang mukha niya, bigla siyang nagulat.

Napasigaw siya.

Matagal tagal na rin ng huling makarinig ako ng nag-iingay mula rito sa likuran ng campus. Naalala ko tuloy si Melanie. Napangiti tuloy ako bigla.


Crystal's Point of View

Napako yata ako sa kinatatayuan ko nang makita kong nandito ngayon si Ezikiel sa harapan ko.

Nang titigan ko ang mga mata niya, bumalik lahat ng alaala ko nu'ng mga panahong crush na crush ko pa siya noon.

Halos hindi ko man lang siya noon mahawakan o malapitan.

Ang guwapo pa rin niya talaga.

Halos tumulo 'yong laway ko kakatitig sa kanya ngayon. Pero nagulat ako ng makita kong bitbit niya iyong diary ko na pinaabot ko kay Ozu para makarating sa kanya noon.

Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon