Chapter 77

74.2K 2.5K 45
                                    

Chapter 77


Mimi's Point of View

"Dela Cruz Mansion?" sabay sabay naming sabi nina Mini, Darren, Zyren at Ezikiel. Hindi sa amin sumama si Ozu.

Nakatayo lang kami rito sa harapan ng Mansion habang pinagmamasdan ang kagandahan nito.

"Sigurado bang na andito si Crystal?" tumingin ako kay Darren at sa detective niya.

"Opo. Tignan n'yo po ang mga ito." Inabutan kami ng Detective ni Darren ng mga pictures kaya tinignan namin 'yon.

"Oo nga! Si Crystal nga ito, pero anong ginagawa niya rito?" sabi ni Mini.

"Tignan n'yo. Sino itong babaeng kasama niya?" sabat naman ni Ezikiel sabay titngin sa picture na hawak niya.

"Kilala po siya bilang Mommy Fa."

"MOMMY FA??" sabay sabay ulit naming sabi nang mapalingon kami sa detective ni Darren.

"Hindi ito si Mommy Fa. Matanda 'yung kaninang Mommy Fa na pumunta sa bahay." Ani ko sabay iling dahil hindi ako naniniwala.

"Mukhang may lalabas. Magtago muna tayo." turan ni Zyren sabay pasukan namin sa loob ng sasakyan. Hindi kami mapapansin dito dahil tinted naman kasi 'to.


*****


Crystal's Point of View

Paglabas namin sa gate, "Ma, ano pong pinaplano ninyo?" hinihila niya kasi ako. Hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"Kakausapin ko lang ang Mama ni Ozu Kang at ipapakasal ko na kayong dalawa."

"Ma, naman! Bata pa po ako." umangal ako dahil nagulat ako sa sinabi niya.

"Basta! Halika na. Hinihintay na niya tayo do'n." tuloy pa rin siya sa paghigit sa akin. Wala na akong nagawa kundi ang pumasok sa loob ng sasakyan.

"Hindi pa po ako ready makita siya." pagmamakaawa ko.

'Di ko pa kasi alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Baka kasi galit siya sa akin dahil bigla ko nalang siyang iniwan no'n. At ayokong mangyari 'yon.

"Basta nandon naman ako eh." ngayon alam ko na kung saan ako nagmana. Mama ko nga talaga siya. Wala na talaga akong nagawa dahil umandar na kasi itong sasakyan.





Mimi's Point of View

Umalis na 'yung sasakyan nila kaya nagsilabasan na ulit kami sa kotse. "Oo nga, hindi siya 'yung Mommy Fa na nagpakita sa atin kanina." sabi ni Mini kaya nagtataka pa rin kaming nakatitig sa umalis na sasakyan nito.

"Costume." sagot ni Ezikiel kaya napalingon kaagad kami sa kanya.

"Ha?" sambit namin.

"Palagay ko nagcostume lang siya." sagot niya.

"Kung gano'n anong dahilan? At bakit niya ginawa 'yon?" saad naman ni Mini.

"At bakit siya pumunta sa bahay ninyo kanina?" tanong naman ni Darren.

"May isa pa akong tanong. Bakit Ma ang tawag ni Crystal sa kanya?" wika naman ni Zyren.

Napaisip kaming lahat. "Sa tingin ko may tinatago si Crystal sa atin." bigkas ko.

"Bakit hindi natin sundan?" sabat ni Darren.

"Young masters, young ladies, hindi po natin sila basta basta puwedeng sundan. Tignan n'yo po. May mga nakasunod na mga bodyguards sa kanila." sabi nung detective ni Darren sabay turo niya sa gate.

At nakita nga naming may mga papalabas na mga nakamotor. Sumunod ito sa kanila kaya nagtago ulit kami sa loob ng sasakyan.

"Kung gano'n anong gagawin natin?" tanong ni Mini.

"Ako na pong bahala. Tatawagan ko nalang po ulit kayo at babalitaan sa mga mangyayari." sabat nung detective kaya tumango kami.

"Okay, basta kailangan namin ng sagot mamaya." utos ni Darren sa kanya.

"Masusunod, young master. Mauna na po ako."

"Mabuti pa, maghintay nalang tayo." tumango kami sa sinabi ni Darren.


*****


Ozu's Point of View

"Go on! Sundan n'yo na." utos ko ng makita kong umalis na ang sasakyan ni Crystal.

Sumunod ako rito ng hindi nalalaman ng mga king gano'n din nila Ate.

Pero saan ba pupunta sila Crystal? At curious na rin ako kung sino 'yung kasama niya.

"Nga po pala, young master. 'Yung kasama po ni Miss Crystal ngayon, siya po si Mommy Fa, 'yung pumunta kanina sa bahay ninyo."

"Anong sinabi mo?"

Napaisip tuloy ako. Saan nakilala ni Pangit yung Mommy Fa na 'yon? Hindi naman pala siya isang matandang babae.

"Young master, kailangan po nating mag-ingat. Hindi po dapat tayo magpahalata na nakasunod tayo sa kanila dahil may mga body guards pong sumusunod sa kanila. 'Yung mga nakamotor na puti sa likuran natin."

Napatingin ako sa likod. Oo nga may mga nakasunod. "Kung gano'n sa tingin n'yo, saan ba sila pupunta?" tanong ko.

"Makikipagkita po sa Mama ninyo."

"Ano?? Pero bakit?"

Hindi na siya sumagot. Ano kayang dahilan? Kapag nalaman kong may kinalaman dito ang witch na 'yon hinding hindi ko talaga siya mapapatawad.





Votes and Comments are highly appreciated.

Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon