Chapter 18
Ezikiel's Point of View
Habang nagpapiano ako, alam kong mayroong tao malapit sa tagiliran ko dahil nahahagip 'yon ng tingin ko.
Hindi ko siya pinapansin at patuloy pa rin ako sa ginagawa ko.
"Ezikiel..." tawag sa akin ni Ozu kaya napatigil ako sa ginagawa ko.
"Bakit nandito ka?" Nilingon ko siya.
"Relax lang. Hindi ako naparito para makipag-away. Napulot ko ang bagay na ito, mukhang sa'yo yata kaya ibibigay ko lang sana."
May nilapag siyang isang box sa ibabaw ng piano ko kaya napatingin ako rito.
"Mauuna na ako." pagpapaalam niya sabay alis.
Isang minuto lang ang itinagal niya rito sa bahay umalis na kaagad siya.
Tinignan ko naman iyong loob ng box na iniwan niya.
Nagulat ako nang makita ko iyong cellphone na binigay ko kay Melanie noon.
Bakit nandito ito?
Nang patuloy ko pang tignan iyong loob ng box hindi lang cellphone na binigay ko sa kanya ang nilalaman nito.
May isang lumang diary dito.
Binuklat ko ang bawat pahina. Stolen pictures namin ng mga king ang nakikita ko ngayon.
Naglalaman din ito ng mga pahina patungkol sa akin kung saan ipinararamdam niya na napakalaki ng pagkagusto niya sa akin.
Pati iyong laruan kong nawawala dati na akala kong si Ozu ang kumuha noong mga bata kami naandito lang pala.
Biglang gumihit ang mga ngiti sa labi ko.
"Bata pa lang kami nang magkagusto sa akin si Melanie?" Ani ko.
Bigla akong napaisip.
Kung gano'n bakit niya ipinadala itong mga bagay na ito sa akin?
Pag-angat ko ng diary may nalaglag na isang papel kaya binasa ko rin ito.
"Aalis siya?" sambit ko.
Mabilis kong ipinasok iyong papel sa loob ng box sabay takbo papalabas ng kuwarto.
Sigurado akong hindi pa nakakalayo si Ozu.
"Yaya, nakaalis na po ba si Ozu?" tanong ko sa katulong namin.
"Opo. Ngayon lang po, sir."
Mabilis kong tinungo ang gate namin at natanaw ko iyong sasakyan niya.
Kaagad naman akong tumawag sa guard na huwag siyang payagang makaalis ng subdivision sa utos ko hanggat hindi ako dumarating doon.
"Manong, paki hatid ako sa guardhouse."
*****
Ozu's Point of View
Ano ba'ng sasabihin niya?
Dalawang minuto na yata akong naghihintay sa kanya rito sa tabi ng guardhouse.
Ilang segundo pa nakita ko iyong isa sa mga sasakyan niya kaya alam kong si Ezikiel na 'yan.
Agad siyang bumaba sa kotse niya matapos ay nagmadali siyang tumakbo papunta sa kotse ko kaya pinapasok ko siya rito sa loob.
Magkatabi na kami ngayong dalawa habang bitbit niya 'yong box na ibinigay ni Pangit na dala ko kanina.
"Saan mo ito napulot? Nagkita ba kayo ni Melanie?" humahangos niyang tanong.
"Ha? Para namang may pakialam ako sa Pangit na 'yon?" alibi ko.
"Nakita ko lang 'yan sa room. Nang basahin ko 'yan at nakita kong patungkol sa iyo hindi na ako nagdalawang isip na ihatid dito."
Nakatitig siya sa akin. Umiwas naman ako ng tingin.
"Mukhang malakas ang tama niya sa iyo. Mabuti nalang at aalis na siya para hindi na tayo mag-away." Napangisi ako.
"Si Melanie, hindi naman talaga siya pangit. Napakaganda ng kalooban niya, Ozu. Mabait siya. Kaya kung isang araw hindi ako magtataka kung magka gusto rin ako sa kanya."
Matapos niyang sabihin 'yon napangiti pa siya.
"Damn it!" bulong ko. "Ano bang pinagsasasabi mo riyan?" Inirapan ko siya. "Inagaw mo na nga sa akin si Moira pati ba naman siya aag—"
Bigla akong napahinto sa pagsasalita.
Muntikan na yata akong madulas. Damn!
Napalihis ulit ako ng tingin. "Huh??" pagtataka ni Ezikiel.
"H-hah? Sabi ko bumaba ka na sa kotse ko at may lakad pa ako!" pagsusuplado ko.
"Ah, okay. Salamat nga pala rito."
Bumaba naman siya kaya sinarado ko ng malakas iyong pinto.
"Badtrip ka na naman." Nakangiti niyang sabi habang nakasilip sa bintana nitong kotse ko.
"Magkita nalang tayo bukas." Dugsong niya.
Inirapan ko naman siya at nagcross arms ako.
Tumango nalang ako.
"Anyway, pinapatawad na kita sa panununtok mo sa akin noong nakaraang araw. Isa pa, napatunayan ko na rin na hindi talaga ikaw ang kumuha ng laruan ko kaya pasalamat ka."
"Ulol!" sigaw ko sa kanya pero nginitian niya lang ako.
Pasalamat rin siya at bestfriend ko siya. Tch!
"Bye! Mag-iingat ka." Aniya habang nakangiti.
Hindi ko siya pinansin. Inirapan ko lang siya at sinarado ko iyong bintana ng kotse.
Pero pagkaalis ng kotse ko napangiti ako.
At least, ayos na rin ang lahat sa amin ngayon.
Talaga itong si Pangit, simula pa noong mga bata pa kami hanggang ngayon, hindi ako makapaniwalang nag-aaway kami ni Ezikiel nang dahil lang sa kanya.
Napapailing nalang ako habang nakangiti.
Votes & Comments are highly appreciated.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]
Teen FictionBook 1 of First Generation. Highest Rank Achieved: #2 in Teen Fiction as of 2016 by MsjovjovdPanda. Si Melanie 'Bebang' Dimakales also known as 'Miss Pangit', ang babaeng 'dimakaalis sa kapangitan at 'dimakaalis sa kahirapan. Kinasusuklaman niya si...