Chapter 8
Kinabukasan.
Kaliwa't kanan ang pagsilip ko ngayon dito sa kapaligiran sa loob ng campus. Malinaw na sa akin ngayon kung anong ibig sabihin ng 'war' na ibinulong sa akin ni Ozu kahapon kaya kinakailangan ko ng matinding pag-iingat.
Makapangyarihan siya rito. Lahat magagawa niya para lang mapatalsik ako. Hindi magiging madali sa akin ang laban na 'to.
"Ayon si Pangit!"
Sa paglingon ko sa likuran ko, nagulat ako nang makita ko ang napakaraming estudyante rito sa Kang Academy at may mga hawak silang itlog at harina.
"Huwag nilang sabihin na sa akin nila ibabato ang lahat ng 'yon?" Napalunok ako. Dahan-dahan akong umatras. Mukhang tama nga yata ang hinala ko kaya—"Takbo!" sigaw ko.
"Pangit! Bumalik ka rito!!"
Hinagad nila ako ng matulin kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko. Walang lingon lingon basta takbo lang ako nang takbo. Bahala na kung saan ako mapadpad basta ang mahalaga matakasan ko lang silang lahat.
Nagdadasal na rin ako habang tumatakbo baka sakali mapakinggan ako.
"Ayon siya! Bilisan natin!"
"Batuhin niyo siya habang tumatakbo!"
"Ba.tu.hin!! Ba.tu.hin!! Ba.tu.hin!!" sunod-sunod nilang sigaw.
Tinignan ko ulit sila habang tumatakbo ako. Mabuti nalang nasanay ako nung elementary ako na mabilis tumakbo kapag may mga nang-aapi sa akin.
Ang problema, bigla akong natalisod ngayon. Patay na!
Ozu's Point of View
Nasa third floor kami ngayon sa building ng mga fourth year students habang nakasilip sa isang bintana kung saan sa tapat nito, nakita naming natalisod si Pangit sa ground floor habang hinahabol ng mga inutusan kong mga estudyante.
"Sa tingin ko? Makakayanan niya 'yan." sabi ni Darren.
"Sa tingin ko rin?" turan naman ni Zyren.
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nilang dalawa. "Ano bang pinagsasasabi niyo riyan?"
"Tignan mo naman kasi siya, Ozu." tinuro nila ng tingin si Pangit. "Napakatapang niya kaya."
"Yup. She has a strong personality."
Binalikan ko ng tingin si Pangit na kasalukuyang pinupunterya na ngayon ng mga estudyante.
Binabato siya pero sinasalag niya lang ang mga 'yon. Napakatapang niya pa rin hinaharap ang mga inutusan kong mga estudyante kahit na sa tingin ko, nasasaktan na siya.
But I don't care! Ngumisi lang ako.
"Gano'n pa man, dapat lang na pagdusahan niya pa rin 'yong ginawa niya sainyo ni Ezikiel, Pinuno." Tinapik ako ni Zyren sa balikat.
"Tama. Dapat lang sa kanya 'yan." Pag-sang ayon naman ni Darren.
"Hoy! Ozu Kang!" sigaw sa akin ni Pangit ng makita niya ako sa kinaroroonan namin ng mga king.
Tinuro niya ako samantala matapang ko naman siyang tinignan. "Kayong mga king! Tandaan niyo! Itong Pangit na ito ay hinding-hindi kayo aatrasan!!"
"See? That's what I mean it." turan ni Zyren sabay iling.
Hindi ko inatrasan ng pakikipagtitigan si Pangit. Mas lalong napakunot ang noo ko.
"Batuhin pa si Pangit!" sigaw ng mga estudyante kong inutusan at mas lalong lumala pa iyong mga ginawa sa kanya.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]
Teen FictionBook 1 of First Generation. Highest Rank Achieved: #2 in Teen Fiction as of 2016 by MsjovjovdPanda. Si Melanie 'Bebang' Dimakales also known as 'Miss Pangit', ang babaeng 'dimakaalis sa kapangitan at 'dimakaalis sa kahirapan. Kinasusuklaman niya si...