Chapter 61
Crystal's Point of View
Alas otso na nang gabi pero hindi ako mapakali kanina pa. Hindi ko alam kung dahil ba sa nangyari sa akin kanina.
Hindi pa talaga ako makatulog. Pagtingin ko kina Tiya at Balat tulog na tulog na sila at ang himbing pa.
Samantala ako hindi ko maiwasang hindi maisip si Ozu.
Hindi pa ako nagpapasalamat sa pagligtas niya sa akin kanina kaya nagdesisyon akong gusto ko siyang puntahan.
Dahan dahan akong bumangon at lumabas ng kuwarto kaya ngayon nandito na ako sa tapat ng kuwarto niya.
Nandito kaya siya? Nakakahiya naman baka tulog na siya.
Tumalikod na ako para muling bumalik sa kuwarto pero hindi pa man ako nagsisimulang humakbang, nagulat ako ng biglang bumukas 'yung pintuan ng kuwarto niya kaya napaharap ulit ako rito.
"Crystal..." sambit niya sa pangalan ko at nang titigan ko siya parang namumutla siya.
"Ozu, okay ka lang ba?" Hindi ko maintindihan kung bakit parang may kakaiba sa kanya.
"B-b-bakit gising ka pa?" aniya. Tingin ko sa kanya para siyang may sakit kaya nilapitan ko siya at hinipo ang noo niya.
"Ozu! Ang taas ng lagnat mo. Pumasok na tayo sa loob. Halika!" Inalalayan ko siyang mahiga sa kama niya. Sobrang init niya.
"Bakit hindi mo sa akin sinabi na nilalagnat ka na pala?" pag-aalala ko.
"Wala ito. Huwag mo kong intindihin, magpahinga ka na."
"Ozu Kang, sa ganitong pagkakataon, sana naman huwag naman 'yung ako nalang palagi 'yung inaalala mo. Sandali at tatawag ako sa telephono. Kailangan mong makainom kaagad ng gamot."
Nang maalalayan ko siyang makahiga sa kama, agad akong nagtungo kung saan naandon ang telepono saka ako tumawag sa info para humingi ng mga gamot.
Ilang oras pa ang lumipas habang lumalalim ang gabi mas tumindi pa 'yung lagnat niya kaya napagpasyahan kong dumito muna para maalagaan siya.
Nagtext na ako kay Balat para malaman nila ang sitwasyon ngayon ni Ozu dahil ayoko itong iwanan. Hanggang sa inabot na ako ng madaling araw hindi pa rin ako natutulog.
Hinipo ko 'yung noo niya, mabuti naman at bumaba na 'yung lagnat niya kahit papaano. Inalis ko 'yung towel at pinalitan ko ito ng bago.
Nang titigan ko ang mukha niya, napansin kong ibang-iba talaga 'yung pagkatao niya kapag natutulog siya. Napangiti tuloy ako habang pinagmamasdan ko ito.
Pero nang mapatingin ako sa labi niya bigla na namang tumibok ng mabilis 'yung puso ko.
Nagmadali akong pumasok sa loob ng banyo.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin sabay buntong hininga.
"Crystal Kim, hindi ka puwedeng ma-inlove sa kanya. Rule number one niya ang bawal ma-inlove sa 'yo. Naiintindihan mo?" sabi ko sa sarili ko.
Pero bakit habang tumatagal bakit ganito 'yung nararamdaman ko para sa kanya? At ano 'yung ibig sabihin ng paghalik niya sa akin kagabi?
"Erase, erase, Melanie a.k.a Bebang Dimakales at ngayon si Crystal Kim na, tandaan mo, mission mo ang magpanggap lang bilang girlfriend niya at hindi mag-ilusyon na maging totoong girlfriend niya. Got it? Inhale. Exhale. Kaya ko 'to!"
Lumabas na ako ng CR. Nang mapatingin ako sa lamesa malapit sa higaan niya napatitig ako sa magazine na nakalapag doon. Lumapit ako rito at binasa.
("KRISHA LIU – The President's daughter of SHIRAWA Company have rumors about getting marry to OZU KANG – The ONLY son of Kang's Clan to be a successor owner of KANG Company who's the most rich in two countries.")
Bigla akong napatingin sa kanya matapos ko itong mabasa. Kailan pa niya ito nalaman? Bakit hindi niya sa akin sinabi ang tungkol dito?
"Ayoko! Ayoko sa kanya!" bigla siyang nagsalita ng tulog.
Minabuti ko siyang tabihan. Inayos ko ang kumot niya nang mapansin kong umiiyak siya kaya napatitig ako sa kanya.
Napakunot ako ng noo ko. Hinawakan ko ang kamay niya.
"Ozu Kang, pinapangako kong hinding hindi ka makakasal sa kanya. Huwag ka nang umiyak." kinausap ko siya kahit tulog.
Pinunasan ko na rin ang mga luha niya at hinimasko ang buhok niya. "Hinding hindi kita bibiguin Ozu Kang. Promise ko sa sarili ko'yan." Sabay lalim ko ng hininga
Votes and Comments are highly appreciated.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]
Teen FictionBook 1 of First Generation. Highest Rank Achieved: #2 in Teen Fiction as of 2016 by MsjovjovdPanda. Si Melanie 'Bebang' Dimakales also known as 'Miss Pangit', ang babaeng 'dimakaalis sa kapangitan at 'dimakaalis sa kahirapan. Kinasusuklaman niya si...