Chapter 58

81.6K 2.7K 37
                                    

Chapter 58


Halos isang oras ang biyahe namin. Manghang-mangha kami nila Tiya at Bestfriend nang makita namin ang kapaligiran ng Bohol.

Habang naglalakad kami, nakabuntot lang sa amin sa likuran si Ozu kung kaya't nagkakangitian kami pagnagtatama ang tingin namin sa isa't isa.


*****


Dumeretso kami ngayon sa Panglao Resort Hotel kung saan kaming tatlo nina Tiya, Balat at ako ay naghihintay kay Ozu Kang dahil nakikipag-usap pa siya sa info para sa tutuluyan naming kuwarto.

"Ang ganda ganda naman dito." turan ni Tiya habang pinagmamasdan ang buong paligid nitong malaking hotel.

"Oo nga at mukhang mamahalin. Sigurado ba si Ozu na rito tayo mag-i-stay?" tanong naman ni Besplen.

"Siguro." nakangiti kong sagot sa kanila.

Nang papalapit naman sa amin si Ozu bigla kaming nagtayuang tatlo.

"Let's go." anyaya niya kaya bumuntot lang kaming tatlo sa kanya habang may umaalalay sa mga gamit naming tatlo.

"Feeling ko tuloy mayaman ako ngayong araw." bulong sa akin ni Bestfriend sabay tawa niya kaya tumawa na rin ako pero mahina lang naman.

Pagpunta namin sa mataas na floor—"Crystal, kumuha ako ng isang room para sainyong tatlo. 'Di ba ayon naman ang gusto mo? 'Yung magkakasama kayo? Dito lang ako sa kabilang kuwarto. Babalikan ko kayo pagkatapos ng kalahating oras para sa lunch." sabi ni Ozu.

Tumango lang ako nang magkatitigan kaming dalawa.

Pagkapasok niya sa kuwarto niya pumasok na rin kami sa loob ng magiging kuwarto naming tatlo. Namangha kami sa nakita namin.

"Oh my gosh, napakaganda rito!" tuwang tuwa na sabi ni Bestfriend.

"Ngayon lang ako nakaranas na makapasok sa ganitong klase ng Hotel. Mabuti nalang at ipinaranas pa sa akin 'to kahit matanda na ako ano?" madrama namang sabi ni Tiya kaya nginitian ko siya.

"Nagustuhan n'yo po ba?" ani ko.

"Oo naman!"


*****


Makalipas ang kalahating oras, nakanganga kami ngayon dito sa harapan ng hapagkainan dahil sa dami ng pinahandang pagkain ni Ozu para sa amin. Halos lahat yata ng specialty pinaluto niya.

At ilang oras pa nga ang lumipas umalis na nga kami ng Hotel at nag-umpisa na kaming mamasyal.

Pinuntahan namin ang chocolate hills, tarsier, bilihan ng mga souviner, kumain sa mga especial restaurant at iba pang mga sikat na kainan at lugar dito sa Bohol.

Hindi rin kami nagpaawat sa mga pagpapapicture namin sa bawat mapuntahan naming lugar.


*****


Ozu's Point of View

Alas nuebe na pala ng gabi nang makita ko ang oras mula sa relo ko.

Nang makita ko naman sina Pangit, Tiya niya, at Bestfriend niya mula sa likod nitong kotse, sa tingin ko, napagod sila ng husto sa pamamasyal namin buong maghapon dahil mahimbing silang natutulog ngayon.

Napangiti tuloy ako. Lalo na nang tignan ko at pagmasdan si Pangit. Tabi tabi pa nga sila at magkakasandal.

"Young master, nandito na po tayo." sabi ng driver ko kaya naisipan ko ng gisingin si Pangit ng dahan dahan.

"Crystal? Crystal? Nandito na tayo." tinatapik ko siya ng mahina sa balikat niya.

"Ha? Nandito na tayo? Tiya, Balata, nandito na raw tayo."

Pagkababa namin sa kotse tinutungo na namin ngayon ang loob ng Hotel.

"Grabe pagod na pagod ako ngayong araw pero nag-enjoy ako ng husto. Salamat sa'yo Ozu Kang." sabi nu'ng Tiya niya kaya napangiti ako.

"Welcome po." sagot ko.

"Ozu, basta ipangako mo na alagaan mo itong Bestfriend ko ha?" sabi naman ni Balat kaya tumango ako sabay ngiti.

"Huy! Ano ba kayo? Tulog pa ba kayo? Tiya? Balat?" sabi naman ni Pangit.

Napangiti nalang tuloy ako nang tignan ko siya. "Tch, nakakahiya." rinig kong bulong niya sabay lihis ng tingin. Hindi siya sa akin makatingin ng deretso.

"Walang nakakahiya don." sambit naman ulit ng Tiya niya habang tuloy lang ako sa pagngiti ko.

Ilang oras pa ang lumipas, mag-a-alas dose na, hindi pa rin ako makatulog.

Naisipan kong lumabas muna ng kuwarto at pumunta sa tapat ng swiming pool habang pinagmamasdan ko ang kalangitan.

Nakaupo lang ako rito sa bench, ang dami kasing bituin. Ang ganda nilang pagmasdan kaya napangiti ako habang binibilang.


*****


Crystal's Point of View

Saan naman kaya siya nagpunta? Parang hindi siya napagod ah?

Hindi pa siya natutulog samantala maghahating gabi na. Lumabas ako ng hotel para hanapin si Ozu Kang.

Pinuntahan ko kasi siya sa kuwarto niya pero walang tao.

Pagtingin ko sa bandang kaliwa ng swimming pool nakita ko siyang mag-isa don. May iniinom at nakangiti sa kalangitan habang may binibilang.

"Ano na naman ang trip niyang 'yon?" nilapitan ko siya at nakiupo rin ako sa tabi niya.

Nagulat siya ng makita niya ako. "Oh, bakit gising ka pa?" tanong niya.

"Ikaw 'yung dapat kong tanungin. Bakit gising ka pa?"

"Hindi pa ako makatulog. Bakit? Nag-aalala ka ba sa akin?"

"Ha? Hindi noh! Asa ka!"

"Tss, talaga lang ha?" Hindi ako sumagot. "Nga pala, nag-enjoy ka ba?"

Bigla akong napangiti dahil sa tinanong niya. "Oo naman, sobra! Uhm, Ozu Kang..."

"Hm?" nilingon niya ako.

"Salamat ulit."

"Tss, na naman?" napalihis siya ng tingin habang nakangiti.

"Oo, kasi sinabi mo sa kanila 'yung totoo. Paano mo nagawa 'yon?"

"Huwag mo nang alamin. 'Di ba sabi ko sa 'yo? Ako si Ozu Kang? Lahat ng gusto ko nasusunod." uminom siya ng beer na hawak niya.

"Tss, taglay mo na talaga ang kayabangan."

"Pero masaya ka naman?"

Napangit ako. "Oo."

"'Yun naman pala eh." napatawa siya ng kaonti.

Nang biglang tumahimik. Hindi siya nagsasalita at hindi rin ako nagsasalita.

Pagtingin ko sa kanya nakapikit pala siya. Tinitigan kong mabuti 'yung mukha niya.

Oo—guwapo, matangos ang ilong, mapupula ang labi, may pagka tsinito, pero mayabang, pero kahit gano'n may malambot din palang puso.

Natawa tuloy ako ng mahina. "Naririnig kita." bigla niyang sabi kaya sa kalangitan nalang ako tumingin. Nakangiti ako habang dito ko nalang iniimagine ang mukha niya.

Pero kita kong nakatitig siya sa akin hindi ko lang siya pinapansin. Nakangiti rin siya habang pinagmamasdan ako.

Nahahagilap ko kasi 'yon ng tingin e hinahayaan ko lang siya. Ang saya ng buong araw ko nang dahil sa kanya.





Votes and Comments are highly appreciated.

Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon