Chapter 69

77.8K 2.5K 164
                                    

Chapter 69


Kinabukasan.

Matapos kong mapanuod ang pagdating ni Krisha Liu kani-kanilang sa TV, nagmadali agad akong pumunta sa bahay nina Ozu.

Nasa harapan na ako ngayon ng bahay nila at pinagmamasdan ko ang kabuuan nito.

Alam kong dinudumog na ngayon 'yung babaeng 'yon ng paparazzi pero wala akong pakialam do'n.

Ang mahalaga magawa ko na 'yung plan B ko bago pa siya makarating dito.

At dahil alam kong maraming mga bodyguards dito patago-tago akong pumasok sa loob ng mansion nila na naging successful.

Pero ang nakakapagtaka wala man lang akong nakita kahit isa. Nasaan na 'yung mga men n' black?

Ah, bahala sila— "Ozu Kang! Lumabas ka!" sumigaw na ako dahil mukhang wala namang pipigil sa akin dito.





Ozu's Point of View

"Ozu Kang! Lumabas ka!" 

Biglang napadilat ng kusa 'yung mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Pangit dito sa loob ng bahay.

Bahagya ko pa ngang naihawi 'yung kumot ko. "Ozu Kang!" Napabangon na ako. "Ozu Kang!" ulit niya.

"Si Pangit nga." nagmadali akong lumabas ng kuwarto ko at nang makita ko siyang papalapit dito bigla niya akong tinuro.

"Oy! Ozu Kang!" sobrang lakas ng pagkakasigaw niya kaya sumenyas akong 'wag siyang maingay. "Wala akong pakialam kung may makarinig sa akin, Ozu Kang!"

Napasapo ako sa ulunan dahil ayaw niyang magpaawat. Ano bang ginagawa niya?

"Ang tigas ng ulo mo!" hinila ko na siya papasok sa kuwarto ko. Sinarado ko na rin ang pintuan.

"Ano ba! Bakit ang ingay mo? Baka marinig ka ni Witch. Isa pa, bakit nandito ka? Ang aga aga pa gusto ko pang matulog!" angal ko sabay humiga ulit sa kama.

"Ozu Kang!" tawag niya ulit sabay turo sa akin.

"Bakit ba? Tutulog pa ako. Ang ingay mo!" pagmamaktol ko.

"Bumangon ka na riyan!"

"Ayoko!" nagtakip ako ng unan sa tainga ko.

"Bumangon ka na!" halos alugin niya ako.

"Ano ba! Gumaganti ka ba? Hays, inaantok pa ako!" patuloy kong pagmamaktol.

"Si Krisha Liu, papunta na siya rito!"

"Ha?" bigla akong napaupo dahil sa sinabi niya. "Anong sinabi mo?" tumalikod siya sa akin at kinuha niya ang remote.

"Panuorin mo 'to." binuksan niya 'yung tv kaya napanuod na ako.

Nakita naming pinagkakaguluhan si Krisha Liu sa airport ngayon. Sobrang dami ng mga bodyguards niya. Pinag-aagawan siya ng mga reporter at ilan pang media.

"Palagay ko malapit na siya rito kaya bumangon ka na riyan." pinatay na niya 'yung tv saka humarap sa akin.

"S-saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

"Huwag ka ng madaldal! Bilisan mo na!"

"Tss, linya ko 'yan eh. Gumaganti ka nga." sambit ko.

"Ozu Kang! Hindi panahon ng kalokohan ngayon kaya bilisan mo na! Magbihis ka na sa loob lang ng five minutes." utos niya.

"Oo na, inaantok pa kasi ako eh, tch!" padabog akong nagpunta ng cr.


*****


Mimi's Point of View

Sabi ni Butler Lim sa amin, nandito raw si Crystal sa loob ng bahay ngayon kaya nagmadali kami ni Mini pumunta sa kuwarto ni Ozu.

"Ano kayang pinaplano ni Crystal?" tanong ni Mini.

"Hindi ko rin alam, pero dapat makaisip din tayo kaagad ng iba pang paraan nang makadagdag man lang tayo sa mga pinaplano niya. Sigurado akong mayamaya lang nandito na 'yung Krisha Liu na 'yon sa bahay."

"Hindi ko mapapayagang mapakasal si Ozu do'n." aniya.

"Gano'n din ako twin."

Pagpasok namin sa loob ng kuwarto ni Ozu nagulat kami ng makita namin 'yung dalawa na nakasuot ng couple shirt.

"Woah!" sambit namin ni Mini. "Ayos 'yang trip niyo, ah?" ani ko.

"Ate Mimi, Ate Mini, nandiyan po ba ang Mama n'yo?" tanong ni Crystal.

"Oo. Palagay ko nandito pa siya at nasa office niya." nagtataka akong sumagot sa kanya. Bigla niya kaming tinalikuran at hinila na niya si Ozu palabas.

"Sandali Crystal! Ano bang pinaplano mo?" pagpigil ko. Matapang siyang humarap sa amin.

"Basta mga Ate, fighting lang po! Kaya ko na po itong mag-isa. Ozu Kang? Halika na!" sabay tuluyan niyang hinila si Ozu.

Nagkatinginan naman kami ni Mini habang may pagtataka. "Parang hindi naman niya sinagot 'yung tanong ko eh~" bulong ko.

"Ang mabuti pa sumunod nalang tayo sa kanila. Bilis!" Hinila naman ako ni Mini papalabas ng kuwarto at sinundan namin sila.





Votes and Comments are highly appreciated.

Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon