Chapter 52
Ezikiel's Point of View
Kinabukasan, pagpasok ko rito sa loob ng teritoryo naming mga king naabutan ko si Darren at Zyren na nagdodota.
"Oy! Dre, buti hindi ka nagkasakit?" tanong ni Darren habang busy na busy silang naglalaro ni Zyren.
Tumabi ako sa kanilang dalawa. Napangiti nalang ako at hindi ko siya sinagot.
Nang bigla kaming mapatigil sa pag-uusap at sa pagdodota nilang dalawa nang dumating si Ozu. Ang awkward. Natahimik lang kami.
Lalabas na sana siya kaya naisipan ko nang magsalita. "Sa tingin ko nagkakagusto na sa 'yo si Crystal."
Napahinto siya sa paglalakad at mabilis akong nilingon pero gano'n pa rin ang mukha niya seryoso.
"Pinaglalaruan mo ba ako?" kunot noo niyang sabi pero nginitian ko lang siya.
"Hindi ko expected na mahilig ka na palang kumain ngayon ng barbeque sa kalsada. Alam mo ba'ng sinubukan kong kainin 'yung pinakain niya sa 'yo pero hindi ko talaga kaya?"
Tila nagtaka siya sa mga binitiwan kong salita. "Sa tingin ko mas mag-eenjoy siyang kumain nang gano'n kapag ikaw ang kasama niya." ngiti ko pa ring sabi.
"A-a-anong sinabi mo?" bigla siyang nacurious.
Mas napangiti tuloy ako dahil sa biglaang pagbabago ng reaksyon niya. Mula sa pagiging seryoso—parang naging masaya 'yon.
Pero hindi lang siya ang nagulat kundi pati na rin sina Zyren at Darren kaya kinulit na rin nila ako.
"Anong ibig mong sabihin Ezikiel?" tanong ni Zyren. Hinarap nila ako.
"Kahapon nu'ng nagdate kami ni Crystal, hindi naman lahat ng gusto ko nasunod. Niyaya niya ako kung saan daw doon kayo unang nagpuntang dalawa Ozu." Tinignan ko siya.
"Ibig sabihin, bago kayo magdate ni Miss Crystal, kayo na muna ang naunang nagdate, Pinuno? Tama ba ako?" wika ni Darren sabay tingin niya kay Ozu.
"Tignan mo? Nagagalit ka kay Ezikiel samantala mas nauna ka naman palang nakipagdate kay Miss Crystal kaysa sa kanya." kantsaw ni Zyren kaya naasar siya.
"Hindi date 'yon!" pagtatanggi niya kaya nagtawanan kaming tatlo. "Hoy! Bakit ba kayo tumatawang tatlo ha?!" ngayon para na siyang bata.
"Paano naman kasi, nagagalit ka kay Ezikiel samantala ikaw naman pala ang naunang makipagdate kay Miss Crystal. Tch! Bumabalik na naman tayo sa dati, e." umiiling na sabi ni Darren.
"Sa tingin ko itigil na natin 'tong usapan na 'to." turan naman ni Zyren habang natatawa ng palihim.
"P-p-pero ginawa niya talaga 'yon ha, Ezikiel?" nacucurios na siya ngayon at nilapitan pa talaga ako.
"Uy tinatanong niya~" tinukso siya nu'ng dalawa kaya inambahan niya ng suntok.
"Bakit? Masama ba'ng magtanong ha??" aniya.
Nagtawanan nalang tuloy kami dahil ayaw niya akong tantanan kakatanong niya.
"Hoy Ezikiel! Sagutin mo na ako." Kinukulit pa rin niya ako. Halos mahubaran pa ako ng suot dahil hinihila niya ito.
*****
Crystal's Point of View
"Sorry na Ozu Kang." "Ozu Kang, pasensiya na talaga." "Uhm, Ozu Kang hindi ko nama—hays!" hindi ko na alam kung paano ako hihingi sa kanya ng tawad.
Nandito lang ako sa kama ko at hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
Paano kung hindi niya ako mapatawad? Naiiyak tuloy ako.
Nang biglang may tumawag sa aking unknown number. "Sino naman kaya 'to?" pinindot ko. "Hello?" pauna kong sabi.
"Miss Crystal, si Ozu! Pumunta ka na ngayon dito sa bahay nila. Bilisan mo!" boses ni Darren sa kabilang linya kaya naibaba ko 'yung cellphone ko.
"A-a-anong nangyari sa kanya?" sa tono kasi ni Darren tila may nangyaring hindi maganda kay Ozu.
Nakaramdam ako ng takot. Nataranta ako. Dali-dali akong nagbihis. Kailangan ko siyang makita.
Halos manakbo ako papasok ng bahay nila. "Ozu Kang?! Ozu Kang?! Ozu Kang?!"
"Mga Ate?" Nakita ko ang mga Ate ni Ozu. Humahangos ako sa harapan nila. "N-n-nasaan po si Ozu? Anong nangyari sa kanya?"
Hindi nila ako sinagot. Bigla silang umiyak sa harapan ko kaya mas nakaramdam ako ng kaba. Ano ba'ng nangyari? "Ozu Kang?!" sigaw ko.
Nagmadali akong pumunta ng kuwarto niya.
Dahan dahan akong pumapasok ng marating ko ito. Nakita kong nandoon ang tatlong king pero umiiyak sila.
Nang mapatingin ako sa higaan niya nakita kong nakatalukbong siya ng kumot.
Sunod sunod nang pumatak ang mga luha ko at dahan dahan akong lumalapit sa kanya dahil hindi siya gumagalaw.
"Ozu Kang... anong nangyari? Bakit hindi ka gumagalaw? Hindi pa ako nanghihingi sa'yo ng sorry. Iniwan mo na ba ako?"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mas bumuhos ang mga luha ko.
"Bakit mo ako iniwan? Hindi mo pa nakikita ang iba't ibang version ng sorry ko. Ang tagal kong prinaktis 'yon tapos hindi mo lang makikita? Ozu Kang gumising ka!"
Inalog-alog ko siya.
"Sino na makakasama kong kumain ng barbeque sa labas? Wala na rin akong masesermunan at mapipingot. Wala nang mayabang o siga ang magpaparusa sa amin sa campus. Ozu Kang! Gumising ka na!"
Binuksan ko 'yung kumot na nakatalukbong sa kanya na lalong napag-iyak sa akin.
"Ozu Kang!!" buong puwersa ko na siyang inalog dahil sa bigat ng nararamdaman ko ngayon. "Sana hindi ko nalang 'yon ginawa. Nagsisisi na ako. Bumangon ka riyan at patawarin mo ako!"
Nang mapayakap ako sa kanya at mapadikit 'yung tainga ko sa dibdib niya bigla akong nagtaka.
Bakit tumitibok pa 'yung puso niya?
Mabilis umurong ang mga luha ko pati uhog ko. "Ozu Kang! Niloloko mo na naman ba ako?! Aaaah!!"
Bigla ko siyang sinapak dahilan para magising siya at malaglag sa kama.
"Damn! Sino 'yon?! Bakit may sumuntok sa akin?!" sigaw niya na tila walang nalalaman sa pangyayari.
Nang makita niya ang itsura niya sa salamin halos maikot niya ang buong kuwarto sa takot.
"May multo! May multo!!!" para siyang batang nagwawala na takot na takot dahil nakakita ng multo.
Halos magsumiksik siya sa sulok ng kama niya at pagtingin ko naman sa mga king tuwang tuwa sila.
Sinamaan ko sila ng tingin.
Sumesenyas sila na hindi raw sila ang may kagagawan no'n pero halata namang may kinalaman sila rito.
"Kayong mga king! Mga wala talaga kayong manners!"
Mabilis silang naglaho rito sa kuwarto ng sumigaw ako.
*****
Darren's Point of View
Bigla kaming napahinto ni Zyren sa pagtakbo nang may kakaiba akong narinig mula kay Miss Crystal.
"Bakit?" tanong ni Zyren.
"Para kasing narinig ko na 'yung linya na 'yun, eh. Kanino nga ba?"
Napaisip din siya. "Oo nga noh? Pero huwag mo na nga lang alalahanin. Halika na!"
Tumakbo na siya papalabas kaya binalewala ko nalang 'yong iniisip ko. "Sabi ko nga eh tumakbo na tayo!!"
Votes and Comments are highly appreciated.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]
Teen FictionBook 1 of First Generation. Highest Rank Achieved: #2 in Teen Fiction as of 2016 by MsjovjovdPanda. Si Melanie 'Bebang' Dimakales also known as 'Miss Pangit', ang babaeng 'dimakaalis sa kapangitan at 'dimakaalis sa kahirapan. Kinasusuklaman niya si...