Chapter 28

97.4K 3.5K 65
                                    

Chapter 28

Bebang's Point of View

Alas dose na pala ng gabi nang tumunog bigla 'yong tiyan ko. Nagugutom ako kaya bumangon ako at pumunta ng sala.

Pero nagulat ako nang makita ko si Ozu rito na pumapapak ng milo.

Nagulat ko rin yata siya kaya nagkatitigan kaming dalawa.

May pagtataka sa mukha niya matapos ay bigla siyang tumayo. Niligpit niya 'yong isang garapon ng Milo.

"Bakit mo pinagdidiskitahan 'yan?" tanong ko.

"Ha?" nagmaang-maangan siya kaya hindi ko nalang siya pinansin.

Pumunta ako sa kusina.

"Anak ka ng pating! Bakit wala man lang na kahit anong pagkain ang mayroon dito?"

Nangalkal ako sa refregirator at mga cabinet pero wala talagang kahit ano.

Nakalimutan yata kaming bilhan ng pagkain ng mga Ate. Kaya pala ayon ang pinapapak ni Ozu.

Nagugutom na talaga ako.

"Ano? Nagugutom ka rin?" sabi niya sa akin.

Hindi ko siya pinansin pero tumingin ako sa hawak niyang isang garapon ng Milo.

Pero bigla niyang nilayo 'yon. "Akin 'to!" aniya. Mabilis niyang tinago ang garapon sa likod niya.

Abah! Nagdadamot.

"Hindi lang sa iyo 'yan kaya mamigay ka. Akin na 'yan!" Kaagad ko siyang hinabol dahil tumakbo siya.

"Ako nauna rito kaya tumigil ka!" umikot siya sa lamesa.

"Hindi lang ikaw ang nagugutom kaya dapat namimigay ka!" para kaming nagpapatentero dalawa.

"Sige, kung maagaw mo!" sabay itinaas niya 'yong garapon.

Eh, akala naman niya mauutakan niya ako. Nang malapitan ko siya bigla kong inapakan 'yong paa niya.

"Araay!" alingawngaw niya.

Nakuha ko 'yong garapon kaya napangiti ako. "Nakuha ko na!" pang-aasar ko sa kanya.

Iyon nga lang sadyang pinaglalaruan kami ng tadhana.

Hindi pala nakasarado ng mabuti 'yong garapon kaya natapon ito. Pareho kaming nagulat sa pangyayari.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Ayan! Natapon tuloy!"

Halos magtalsikan iyong laway niya sa mukha ko dahil sa sobrang galit.

Aba! Sinisi pa ako nito? Grabe siya! Pasalamat siya mabango hininga niya.

"Oy! Kung hindi mo sana pinagdamot edi sana may pagkain pa tayo ngayon, tch!" sinisi ko rin siya.

"Anong gagawin natin? Nagugutom na ako!" angal niya.

Para siyang batang nawalan ng candy.

"Ano pa nga ba, edi, tumunganga!" umupo ako sa dinning table at ginaya niya ako.

"Kamalas-malasan naman nitong kasama." bulong ko.

Mabuti nalang wala siyang narinig.

"Wala akong dalang Atm." sabi niya pero hindi ko siya pinansin.

Eh, ano ngayon kong wala siyang dalang atm? Pakialam ko naman?

"Woah!" bigla niyang sigaw kaya napatingin ako sa kanya.

Problema niya?

"'Di ba may credit card ka? Iyong binigay namin sa iyo? Puwede na tayong makabili ng pagkain gamit 'yon!" masayang masaya niyang sabi.

Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon