Chapter 79
Ozu's Point of View
"Sinabi ko nang pakawalan n'yo siya!!" halos hingal na hingal na kaong nakikipag laban sa kanila.
Apat na 'yung sumusugod sa akin ngayon pero hinding hindi ako magpapatalo sa mga 'to.
"Sugod!" utos nung leader nila. Nakita ko namang natanggal na 'yung nakatakip na panyo kay Pangit dahilan para mag-ingay siya.
"Ozu Kang!! Hindi mo na dapat 'to ginagawa! Umalis ka na!!" sigaw niya habang nakikipaglaban pa rin ako sa mga kidnapper.
Sinasagot ko na rin siya.
"Sa tingin mo ba hahayaan nalang kitang mapahamak?!" sinuntok ko ang isang papasugod kaya natumba ito.
"Hindi naman 'yon, mas iniingatan lang kita! Umalis ka na please, Ozu Kang!!" tinadyakan ko naman 'yung isa nang hilahin nito ang damit ko.
"Sumugod pa kayo!!" sigaw ko. Halos tumumba na silang lahat pero mukhang tatayo pa.
"Ano ba Ozu Kang! Tumakas ka na! Iligtas mo na ang sarili mo!!"
Hindi ko na pinansin pa 'yung mga sinasabi ni Pangit para makapagconcentrate sa mga kulugo na 'to.
"Bata! Magaling ka! Pero hindi ako puwedeng magpatalo sa 'yo! Humanda ka!!"
Crystal's Point of View
Nakita kong dalawa 'yung magiging kalaban ni Ozu Kang ngayon. 'Yung isa hahampasin siya ng upuan at 'yung isa naman may hawak na kutsilyo.
"H-Hindi!"
Iba iba na 'yung tumakbo sa isipan ko ng makita ko ang patalim na hawak ng isa sa mga 'to kaya agad akong tumayo at nilapitan ko siya.
"Ozu Kang!!" sigaw ko.
"'Wag Crystal!!"
Kinakabahan man ako pero tumakbo na ako papalapit sa kanya. Gusto kong sanggahin ang isa sa mga 'yon pero bigla niya akong hinila at niyakap.
Siya ang natamaan ng upuan at tumalsik 'yung kutsilyo.
Kitang kita ng dalawa kong mata kung paano siya natamaan no'n.
Gulat na gulat ako habang nakayakap siya sa akin.
Mayamaya pa napaluhod na siya.
"O-o-ozu..." sambit ko.
"Mga pare, umalis na tayo!"
"Ozu..." biglang nanggilid ang mga luha ko.
Magkatitigan lang kaming dalawa.
"Bakit mo ba kasi ginawa 'yon!?" napaiyak na ako sa harapan niya.
Hindi ko siya magawang hawakan dahil nakatali pa rin ang mga kamay ko kahit gustong gusto ko na siyang yakapin kanina pa.
Nakahiga na siya sa sahig habang nakaupo lang ako sa tabi nya.
"Sabi ko naman kasi sa'yo umalis ka na!" patuloy pa rin ako sa pag-iyak ko.
"Pangit... hindi... h-hindi... ba't sinabi kong... bawal tayong ma-inlove... sa isa't isa? M-m-magpinsan tayo... hahaha!"
"Nagagawa mo pang tumawa? Nakakainis ka! Huwag ka nang magsalita, pakiusap! Hindi naman talaga tayo magpinsan. Ampon lang ako ng tita mo, 'yung kakambal ng mama mo na ina-inahan ko."
"T-t-totoo ba 'yang sinasabi mo?"
"Oo, kaya please lang, 'wag mo akong iiwan. Kailangan mong mabuhay. Mahal na mahal kita Ozu Kang!"
"Mahal..." napangiti siya, "Na mahal din kita."
"Ozu! Crystal!!"
Napalingon ako ng biglang dumating sina Ate Mimi at Mini rito kasama sina Zyren, Darren at Ezikiel.
Pero biglang nawalan ng malay si Ozu kaya nataranta ako. "Ozu Kang!! Gumising ka!!"
Hindi naman niya ako iiwan 'di ba? Hindi siya mawawala. Hindi niya ako puwedeng iwanan ng ganito nalang kami.
"Ozu! Gising!!"
"Ozu!! Gumising ka!"
"Dalhin na natin siya sa hospital bilis!!"
Pinagtulong-tulungan siyang buhatin ng mga king habang inalalayan naman ako ng mga Ate.
*****
Ezikiel's Point of View
Nasa kabilang kuwarto si Crystal at chine-check-up ng mga doctor habang si Ozu naman nasa emergency room at ginagamot pa.
"Sana naman maging okay si Ozu." sabi ni Ate Mimi.
Bakas sa mukha ng kambal ang pag-aalala. Nag-aalala rin kami pero naniniwala akong makakaligtas si Ozu.
"Ozu?! Ozu?!" nang bigla naming marinig ang boses ng Mama nila.
Pero ang pinagtataka namin ay kung bakit kasama niya ngayon si Mommy Fa? Nilapitan nila kami ng makita kami rito.
"Mama? Bakit magkasama po kayo?" tanong ni Ate Mini sabay tingin kay Mommy Fa.
"Hija, ako ang tunay na Ina ni Crystal." Hayag niya kaya nagulat kami. "Nasaan siya? Puwede ko ba siyang makita?"
"Nasa loob po siya." magalang kong sagot. Tapos pumasok na siya ng tuluyan sa loob.
"Mama, kung gano'n hindi namin pinsan si Crystal?" tanong agad ni Ate Mimi.
Nakatingin lang kami sa kanila ngayon.
"Oo, at ngayon ko lang din nalaman 'yon." Bigla siyang napaluha at lumuhod sa harapan ng mga anak niya na siya naming ikinagulat. "Patawarin n'yo sana ako mga anak ko. Ozu anak ko..."
Nagkatinginan kami ng mga king dahil sa ginawa ng Mama nila. Tingin namin pinagsisisihan niya na ang lahat ng mga nagawa niya.
Votes and Comments are highly appreciated.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]
Teen FictionBook 1 of First Generation. Highest Rank Achieved: #2 in Teen Fiction as of 2016 by MsjovjovdPanda. Si Melanie 'Bebang' Dimakales also known as 'Miss Pangit', ang babaeng 'dimakaalis sa kapangitan at 'dimakaalis sa kahirapan. Kinasusuklaman niya si...