Chapter 41

87.9K 3.1K 104
                                    

Chapter 41


Mayamaya lang nagpaalam ako sa teacher namin na pupunta ako ng cr.


Ozu's Point of View

Pagkaalis ni Pangit siyang labas ko rin ng class room ng hindi nagpapaalam.

Nandito ako ngayon sa tapat ng CR ng mga babae at sinundan ko siya.

Wala akong pakialam kung pagtinginan ako rito. Nakasandal lang ako sa wall habang nakacross arm.

Nang lumabas siya nagulat siya ng makita ako rito.

Seryoso ko siyang inanyayahan sa isang sulok na walang tao. Gusto ko siyang kausapin ng wala sa aming nakakarinig kaya't sinundan niya ako.

"Ozu, bakit naman hanggang sa cr ng mga babae kailangan mo akong sundan, ha? Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo, ha?" bungad niya sa akin.

Tinitigan ko siya ng seryoso. "Bakit? Kailangan ko ba?" kunot noo kong sagot.

Bigla siyang nainis. "Ibang klase ka talaga." inirapan niya ako pero wala akong pakialam.

"Bakit magkasama kayo ni Ezikiel kanina?"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Hindi pa ba sa 'yo sapat 'yung paliwanag niya sa 'yo kanina, ha? Nagkasabay lang talaga kami." pagpapaliwanag niya pero hindi ako naniniwala.

"Nagkasabay kayo o sinadya mo talagang sumabay sa kanya?"

Mas tinitigan ko siya ng seryoso.

"Anong sinabi mo? Bahala ka nga kung ayaw mo maniwala!" sinimangutan niya ako.

"Baka nakakalimutan mo na 'yung rules natin, ha?" madiin kong sabi.

"Bakit? Date lang naman 'yung nakasulat doon ah? Fyi, walang nakalagay doon na bawal akong makipag-usap o dumikit sa kanya!"

Bigla niya akong iniwan.

"Damn it!"

Sinipa ko 'yung basurahan na nasa gilid dahilan para magkalat ang mga laman no'n.


*****


Crystal's Point of View

"Okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Ezikiel ng makabalik ako sa class room.

Napaisip ako pero—"Oo naman! Okay lang ako." Pilit ko siyang nginitian.

Nang bigla dumating si Ozu.

Hinawakan siya ni Zyren sa balikat dahil may sasabihin yata ito sa kanya pero biglang nagbago 'yung mood niya.

"Alisin mo 'yung kamay mo." seryoso niyang pagkakasabi kaya natahimik ang buong klase.

Nakatingin lang kaming lahat sa kanila.

Nagtataka naman si Zyren.

"Hindi mo ba ako narinig? Alisin mo 'yung kamay mo sa balikat ko."

Simple lang 'yung pagkakasabi niya no'n pero halatang may namumuong galit sa kanya at hindi namin alam kung saan nanggagaling 'yon.

"Teka? Ano na naman ba'ng problema mo?" Bahagyang nainis si Zyren.

"Wala kang pakialam!"

Hinawi niya ang braso ni Zyren at umalis na siya ng walang paalam.

Nagtaka ang lahat sa inasta niya. Lumipat naman si Darren sa tabi ni Zyren at kinakalma niya ito.

"Alam n'yo? Hindi ko talaga alam kung bakit madalas siyang tinotopak ngayon!"

Napakunot ng noo si Zyren dahil sa pangyayari.

"Hayaan nalang natin siya. Para namang hindi tayo sanay sa kanya. Nasaktan ka ba?" pag-aalala ni Darren.

Kumalma ang Playboy king pero halata namang hindi niya nagustuhan ang ginawa sa kanya ni Ozu.

Bigla tuloy akong napaisip. Sa palagay ko kasi ako ang dahilan ng 'yon.

Bakit ba naman kasi ang higpit niya sa akin? Tutuparin ko naman 'yung mission ko sa kanya eh. Napabuntong hininga tuloy ako.

Kinagabihan.

Nakahiga lang ako rito sa kama ko habang nag-iisip.

Oo aaminin ko iniisip ko pa rin hanggang ngayon si Ozu. 'Yung mga pangyayari sa amin kanina.

Bakit ba kasi kailangan niya akong paghigpitan? Ayon 'yung pinagtataka ko sa kanya, hindi ko siya maintindihan.

Nang biglang nagring 'yung cellphone ko kaya napatingin ako rito.

Tumatawag sa akin si Ate Mimi. Bakit naman kaya? Gabing-gabi na ah?

Sinagot ko 'to. "Hello Ate Mimi?" ani ko.

"Crystal? Nandito kami ngayon sa Resto bar. Nagwawala si Ozu dito ngayon." sabi niya sa kabilang linya kaya agad akong napabangon mula sa pagkakahiga.

"Ano po?" nakaramdam ako ng pag-alala. "Ano pong ginagawa niya diyan? Bakit siya nagwawala?"

"Basta pumunta ka nalang dito bilisan mo!"





Votes and Comments are highly appreciated.

Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon