Chapter 50
Crystal's Point of View
Nandito ako ngayon sa campus at kaliwa't kanan ang pagtingin ko sa kapaligiran.
Dahil kasi sa nangyari kahapon sigurado akong mauulit uli 'yung nangyari sa akin dati.
Ipapahabol na naman niya ako sa mga estudyanteng utusan niya at babatuhin na naman nila ako ng itlog at harina.
Patago tago lang ako.
Nasaan na kaya si Ozu?
Pero bakit gano'n? Bakit parang walang tao? May pasok ba ngayong araw?
Wala namang sinabi si ma'am kahapon na walang pasok e pero bakit parang ang tahimik? Nasaan ang mga estudyante?
Nang mapatingin ako sa kabilang building, nandoon pala sila, tila nag-iipon-ipon. "Anong pinagkakapulungan nila roon?"
Dali-dali akong nagpunta.
Nang makarating ako rito nagulat ako dahil sa mga nakikita ko ngayon.
"Ezikiel?" sambit ko.
Unti-unting nagsisihawian ang mga estudyante ng papalapit ako sa kanya.
Nakaluhod siya habang nakalagay ang mga kamay sa likuran. May nakasabit sa dibdib niyang karatula at may nakasulat na I'm traitor King.
"E-e-ezikiel? Bakit mo ginagawa 'to? Puwede mo namang hindi gawin 'yan 'di ba?" pag-aalala ko dahil sa nakikita kong sitwasyon niya ngayon.
Pero umiling lang siya. Ngumiti siya ng bahagya bago magsalita.
"Ayos lang ako."
"Anong sinasabi mong ayos ka lang?" mabilis nangilid ang mga luha ko.
Nang bigla namang sumagi sa isipan ko 'yung napagkasunduan naming rules and regulation ni Ozu kaya kinuha ko kaagad 'yung papel mula sa loob ng bag ko.
Kaagad ko itong binasa. Rule number two sa kanya 'yon na bawal akong makipagdate kay Ezikiel.
At nang mabasa ko nga ito kung ano 'yung ginagawa ngayong pagluhod ni Ezikiel ayun 'yung parusa na nakalagay dito. "Hindi puwede 'to." bulong ko.
"Ano pa ang tinatayo tayo mo riyan?"
Narinig ko ang boses ni Ozu sa likuran ko kaya nilingon ko siya at tinignan ng masama. Kasama niya ang dalawang king na sina Darren at Zyren.
Bigla siyang may sinenyas kaya nagtataka akong nakatitig sa kanya.
Ang senyas na 'yon ay gusto niyang gayahin ko kung ano ang ginagawa ngayon ni Ezikiel kaya patuloy kong binasa 'yung napagkasunduan namin.
Kasama rin pala ako sa punishment na 'to. Ayon ang nakasulat dito.
Sinamaan ko ulit siya ng tingin saka ako dahan-dahang lumuhod at tumabi kay Ezikiel.
Nagulat ang lahat sa ginawa ko gano'n din ang dalawang king.
"Ozu, hindi na tama 'to." sita ni Zyren sa kanya.
Bakas sa dalawang king na ayaw nila sa ginagawa ni Ozu.
"Subukan n'yo akong pigilan, pati kayo, gagawin n'yo 'yan." pagbabanta niya kay Zyren nang harapin niya ito.
Nagkatitigan sila pero sa huli wala ring nagawa si Zyren.
May isinabit siya sa akin at ang nakalagay ay I'm betrayer at pareho na kami ngayon ni Ezikiel.
"Sige! Kung 'yan ang gusto mo!" sinigawan ko siya pero balewala lang sa kanya.
"Kayong lahat! Kung sino ang tutulong sa kanila mananagot kayo sa akin." madiin niyang sabi at muli niya kaming binalikan ng masamang tingin ni Ezikiel saka siya tuluyang umalis.
Wala namang nagawa sina Darren at Zyren kundi ang sumunod sa kanya. Bago umalis ang dalawang king tinapik muna nila si Ezikiel.
Hanggang sa lumipas ang isang oras. Nakatingin lang ako ngayon kay Ezikiel dahil sa tingin ko kasi nangangawit na siya.
Hindi naman kasi siya sana'y na gawin ang mga ganitong bagay. Hindi katulad ko galing na sa ganitong karanasan. Naranasan ko na ang lahat ng pangbu-bully sa akin kaya balewala na 'to.
"Ezikiel..." nakatitig pa rin ako sa kanya at nag-aalala.
Nilingon niya rin ako. "Huwag mo akong alalahanin. Ikaw? Okay ka lang ba riyan? Kaya ko namang akuin lahat nang 'to basta sabihin mo lang kung hindi mo na kaya."
Hindi ko siya sinagot. Basta nakatitig lang ako sa kanya. Sa kabila ng lahat, nagawa pa rin niya akong isipin.
Napangiti ako ng bahagya, "Alam mo ba? Hindi ko lang isang beses 'to ginawa?"
"Ha?" Bigla akong nagtaka sa sinabi niya. Nakatitig lang ako sa kanya.
"Si Moira... ex-girlfriend siya ni Ozu."
"A-a-ano?" gulat na gulat ako sa sinabi niya.
Si Moira? Naging girlfriend ni Ozu? Bakit hindi ko yata alam ang tungkol doon? Nasaan ako nu'ng mga panahon na 'yon? Bakit hindi ko alam?
May gumulo na naman tuloy sa isipan ko. Ano ba 'yung sinasabi niya?
"Akala dati ni Ozu, sa kanya may gusto si Moira. Hindi niya alam na mas nauna kaming nagkagustuhang dalawa kaysa sa kanya. Ayaw naming magalit si Ozu noon kaya hinayaan nalang naming manligaw si Ozu sa kanya. Nagdi-date kami no'n ng palihim ni Moira pero sabi nga—walang sekretong hindi nabubunyag kaya kung ano 'yung ginagawa natin ngayon, gano'n din kami ni Moira noon."
Halos hindi ako makapagsalita sa nalaman ko.
Para akong napako sa pagkakaluhod ko nang ikuwento niya 'yon sa akin.
Na dismaya ako sa sarili ko matapos kong malaman ang lahat nang 'yon.
Votes and Comments are highly appreciated.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]
Genç KurguBook 1 of First Generation. Highest Rank Achieved: #2 in Teen Fiction as of 2016 by MsjovjovdPanda. Si Melanie 'Bebang' Dimakales also known as 'Miss Pangit', ang babaeng 'dimakaalis sa kapangitan at 'dimakaalis sa kahirapan. Kinasusuklaman niya si...