Chapter 5

112K 4.1K 171
                                    

Chapter 5


Pagbaba namin sa bus hinarap ko kaagad siya. "Sigurado ka ba na sasamahan mo ako?"

Hindi kasi ako makapaniwala sa inalok niyang sasamahan niya raw akong magbayad ng kuryente ngayon.

"Oo. Bakit? May masama ba?" nakanganga pa rin akong nakatitig sa kanya.

"Wala naman. Kaya lang ang isang campus king na katulad mo makakasama ang 'di hamak na pangit na ka tulad ko? Sigurado ka ba?"

Nagsisimula na kaming maglakad.

"Oo naman." Napatingin siya sa akin.

Pero curious talaga ako.

"Teka lang, huh? Bakit ba ang bait bait mo sa akin, huh?" Napahinto ako sa paglalakad kaya huminto rin siya. Nagkatitigan kaming dalawa.

"Ok. Hihingi kasi ako ng favor."

*****

Ang hininging favor sa akin ni Ezikiel ay ang tulungan ko raw siyang magset-up para sa date nila ni Moira ngayong gabi.

Nandito kami ngayon sa Precious Park. At dahil gusto ko rin namang makita si Moira, pumayag na ako.

Gusto ko rin kasi siyang maging kaibigan kaya hindi na ako tumanggi. Sa tingin ko rin, ito na 'yong tamang pagkakataon para makilala ko siya.

Napangiti ako nang matapos ko ang pagde-design. "Tignan mo na." Lumapit si Ezikiel at ngumiti rin. Sa tingin ko, nagustuhan niya.

Simple lang 'yong mga decoration na ginawa ko pero napapalibutan ito ng mga roses at petals sa sahig at christmas lights. Sigurado akong magugustuhan din ito ni Moira.

"I like it very much!"

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Bumilis tuloy ang pagtibok ng puso ko. Natulala na rin yata ako. Ewan ko ba! Sobrang higpit ng pagkakayakap niya.

"Ah! I'm so sorry. Masaya lang ako. Thank you so much!" Halatang halata nga na masaya siya. Nagustuhan nga niya talaga siguro itong ginawa ko.

Napangiti tuloy ako ng palihim.

"Wala 'yon." Nilihis ko ang tingin ko sa kanya. Medyo naiilang kasi ako.

Biro mo? 'Yong ultimate crush ko sa mga king na si Ezikiel niyakap ako? Sinong hindi maiilang don? Ang dami kayang naghahangad no'n.

"So, this is for you." Bigla siyang may inabot sa aking paper bag kaya nagtaka ako. Napatitig ako sa kanya.

"Para sa akin? Ano naman ito? Hindi ako nagpapabayad." Pagtatanggi ko.

"No. Hindi iyan bayad. It's a gift. Buksan mo." pagpupumilit niya at inilagay niya iyong paper bag sa kamay ko.

Wala na akong nagawa kaya binuksan ko na, pero nagulat ako sa nakita ko. Mukhang mamahalin ito. Isang cellphone na touch screen..

"T-t-teka? Bakit mo ako binigyan nito?"

Hindi ako makapaniwala. First time ko lang kasi magkaroon ng ganito. Isa pa, saan ko naman ito gagamitin? Wala naman akong itetext.

"Para magkatawagan tayong dalawa. From now on, magkaibigan na tayo. Okay ba 'yon?"

Matapos niyang sabihin 'yon wala na akong nagawa kundi ang tumango. Totoo ba talaga ito? Hindi ba ito isang panaginip? Si Ezikiel Tan na isa sa mga king nakikipagkaibigan sa akin?

Ilang segundo pa nga ang lumipas, isang helicopter ang natatanaw namin ngayon. Malapit na ito sa kinatatayuan namin. 'Di nagtagal, iniluwa na nga nito si Moira. Pababa na siya.

Napakaganda niya. Biglang kumislap iyong mga mata ko. Sana isang araw maging katulad niya ako.

Pakiramdam ko tuloy ako 'yong bumababa mula sa helicopter kaya hindi ko na napansin na nagda-daydream na pala ako.

Tumutulo na iyong laway ko habang pinagmamasdan ang sarili ko na nakasuot ng magandang dress na bulaklaking kulay pink habang bumababa ng helicopter at nahahagkan ako ni Ezikiel.

Napapikit pa nga ko ng mga mata habang gandang ganda ko sa sarili ko. Feel na feel ko kasi talaga 'yong eksena.

"Melanie?!" Bigla akong nagulat nang tawagin ako ni Ezikiel.

"Ha? Pasensya. Nagday-dream ba ako?"

Nginitian lang ako ni Ezikiel.

"Melanie, this is Moira. Hindi ba't gusto mong maging kasing ganda niya?"

Tumango kaagad ako at ngumiti.

"What?" Pero napataas ng boses si Moira.

Hindi ko alam kung bakit kakaiba ang pangingilatis niya sa akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Ah! Moira, ako si Melanie. Alam mo ba'ng matagal na kitang gustong maging kaibigan?"

Makikipag kamay na sana ako sa kanya pero hindi ko alam kung bakit parang nadidiri siya sa akin.

"Oh? H-hello." Inabot niya rin naman ang kamay niya sa akin pero mabilis niya ring inalis 'yon.

Nagpaalam na ako sa kanila. Sa tingin ko kasi kailangan ko na silang iwan para magka-moment silang dalawa.

Tumakbo na ako paalis sa Precious Park pero sumaglit muna ako ng pampublikong banyong nadaanan ko.

Napabuntong-hininga ako nang makita ko ang repleksyon ko sa salamin.

Sa tingin ko, malabong mangyari na maging kaibigan ko si Moira. Sobrang layo ng estado ko sa kanya. Bukod na sa maganda na siya, sosyal pa.

Mayaman din siya, samantalang ako, mahirap lang. Idagdag pa na pangit ako.

Mas lumalim at bumigat pa tuloy ulit ang buntong-hininga ko. Pero okay lang. At least, naging magkaibigan kami ni Ezikiel. Masaya na ako roon.


*****


Ozu's Point of View

"Anong sinabi mo? Dumating na si Moira?" Napabangon ako sa kama ko ng sabihin 'yon ni Zyren sa akin sa kabilang linya.

"Oo nga. At magkasama na sila ngayon ni Ezikiel. Kailan ba natin siya pupuntahan sa kanila?" aniya.

Naupo ako ng maayos sa kama. "Bukas nalang ng umaga. Gabi na. Bakit kasi hindi tayo sinabihan ni Ezikiel tungkol diyan?" inis kong sabi.

"Malay mo gusto niya munang masolo si Moira. Hayaan mo na 'yong tao. Ikaw naman!" pagtatanggol niya kaya napangisi na lang ako.

"Oo na!" padabog kong sagot at ibinaba ang tawag.

Ibinato ko 'yong cellphone ko sa sahig.

Kainis e! Hindi ibig sabihin na pinaubaya ko na sa kanya si Moira dati, hindi na niya sa akin sasabihin na dumating na ito ngayon dito sa Pilipinas.

Pero kung sabagay, galit nga pala siya sa akin ngayon. Magkaaway nga pala kaming dalawa ni Ezikiel.

"Tch! Matutulog na nga lang ako!" nagdabog akong humiga ng kama ko sabay takip sa mukha ko ng unan.








Votes & Comments are highly appreciated.

Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon