Chapter 55

79.4K 2.7K 92
                                    

Chapter 55


"Tumigil ka na sa pag-iyak mo." pinapatahan niya ako.

"Eh, hindi ko mapigilan 'yung luha ko eh basta tuloy tuloy lang silang pumapatak. 'Di ba ikaw ang nagdala sa akin dito? Ayan tuloy na mimiss ko na sila Mama at Papa." sabay singa ko ulit sa tissue.

"So, kasalanan ko pa ngayon?" umiling-iling siya habang nakangiti.

"Iniiba mo naman ang usapan eh. Tinatanong kaya kita kung kanino 'yung ibang pagkain at groceries na dala natin?" kumuha ulit ako ng tissue.

"Bakit kasi inaalala mo 'yon?" sagot niya.

"Young master? Si Young master nandito!" biglang sigaw ng isang pobreng bata kaya nagtaka ako.

"Eh? Bakit may mga bata rito?" mabilis kong pinunasan ang mga luha ko.

Dumami na 'yung mga bata na nakikita ko ngayon.

"Young master! Young master!" pinagmamasdan ko lang sila. Nilapitan si Ozu ng limang bata at nakipag-apir naman siya sa mga ito.

"Young master, napasyal po ulit kayo?" sabi naman ng isang lalaki na sa palagay ko ay Tatay nung limang bata.

"May pasalubong po ako para sainyo." Mabilis inabot ni Ozu 'yung mga hawak nilang pagkain ng driver niya.

Samantala nagtataka lang akong nakatitig sa kanila.

"Naku! Nag-abala ka pa, Young master. Maraming salamat po rito sa mga 'to."

"Mga bata, ubusin n'yo 'yang mga pagkain, ah?" Ginulo niya ang mga buhok nito.

Kaya pala hindi niya ni lahat 'yung mga lutong pagkain na inalay namin kina Mama at Papa dahil ibibigay niya pala ito sa mga ito.

"Ang dami naman nito, Young master."

"Oo nga, talaga bang sa amin ang lahat ng 'to, Young master?" tumango siya ng nakangiti.

Pinagmamasdan ko pa rin sila.

"Napakasarap nito tikman n'yo."

Pinagpulungan ng mga bata ang masasarap ng tinapay.

"Oo nga."

Nakita kong napangiti si Ozu nang paghati-hatian ng mga bata 'yung dala niyang mga pagkain.

"Kumain lang kayo ng kumain." sabi niya sa mga bata ang kaso biglang umambon.

"Young master, ang mabuti pa sumilong muna kayo sa munti naming bahay." alok sa amin nung tatay nung mga bata kaya nilingon niya ko.

"Crystal? Ayos lang ba sa 'yo?" Nagkatitigan kami.

"Huh? Ah, oo naman!" nakangiti kong sagot pero nagtataka pa rin talaga ako kung sino sila.

Pagpunta namin sa bahay nila bigla tuloy akong naawa. Talaga ba'ng dito sila nakatira? Halos puntod na iyong kinakainan at tinutulugan nila.

Patuloy kong pinagmasdan ang paligid ng bahay nila pero para lang itong barong-barong.

Kahit naman mahirap ako noon, hindi ko naman naranasan na manirahan sa ganito.

"Uhm, nga pala, pinapakilala ko sainyo si Crystal." nakangiting sabi ni Ozu sa mga ito kaya ngumiti naman ako.

"Siya po ba 'yon? 'Yung kinukuwento mo sa amin, Young master?" sabi nung isang bata.

Nagtaka akong tumingin sa kanila.

"Girlfriend po kayo ni Young master? 'Yung nasa Paris?" sabi nung isa pang bata kaya lalo ulit akong nagtaka.

Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon