Chapter 27
Ozu's Point of View
Nandito na kami ni Pangit sa condo ni Ate Mini.
Habang nakain ako ng umagahan, hindi ko maiwasang hindi mabadtrip sa katabi ko.
Napahinto ako sa pagkain sabay kunot ng noo.
"Hay! Ano ba?!" sigaw ko kay Pangit pero hindi man lang siya natinag.
Tumatawa lang siyang parang nasisiraan ng ulo. Parang duwende pa nga e kaya nakakainis.
"Nababaliw ka na!!" sigaw ko ulit pero gano'n pa rin siya.
"Oy! Nag-aaway ba kayong dalawa?"
Biglang dumating sina Ate Mimi kaya napatayo na ako.
Napatingin sila kay Pangit.
"Hala! Anong nangyari kay Melanie?" tanong ni Ate Mini nang makita nila si Pangit na wala sa katinuan kaya kinuha ko iyong magazine.
"Dahil dito." iniabot ko sa kanila 'yong magazine.
"Moira pinagpalit ni Ezikiel sa isang Mysterious girl??" basa nila.
"What? S-s-si Melanie 'to 'di ba?"
"Siya nga. Kaya nga hanggang ngayon wala 'yan sa katinuan niya, tch!"
Nagcross arms nalang ako habang tinitigan siya ng nakakapang-asar na titig.
Nakakabadtrip ang tawa niya e.
"Ayih~ nagseselos ka naman~" tukso ni Ate Mimi sabay sundot sa tagiliran ko.
Nanlaki ang mga mata ko. "Pambihira ka naman Ate! Bakit ako magseselos diyan?!" sigaw ko.
"Iba ka kasi magreact!" pang-aasar naman ni Ate Mini kaya napangisi ako.
"Bahala nga kayo riyan!"
Sa inis ko pumasok na ako sa loob ng kuwarto.
"Ako? Nagseselos?! At bakit naman mangyayari 'yon? Tch, nakakainis!" sabay bato ko ng unan. "Hindi ako nagseselos!"
*****
Mimi's Point of View
Nakatingin lang kami kay Melanie dahil magpasa hanggang ngayon wala pa rin siya sa katinuan niya.
Tingin namin si Ezikiel pa rin 'yong nasa isipan niya. Lalo na iyong pangyayari kagabi sa kanila.
Nagkatinginan nalang kami ng mga tutor niya.
"Palagay ko wala siya sa katinuan ngayon." sabi ni tutor Jen.
Sumang-ayon naman kami.
"Babalik nalang kami bukas. Hayaan n'yo muna siyang magdaydream hangga't gusto niya." Turan ni tutor Kent.
Napatango nalang kami sabay tingin kay Melanie.
Parang lutang naman talaga ngayon si Melanie. Tumatawa pa rin siyang mag-isa kaya napailing nalang kami.
"Paano kaya natin siya mabilis na matuturuan niyan?" singit naman ni Mini.
"At anong gagawin natin para bumalik siya sa katinuan?" balik ko namang tanong sa kanya.
Napailing nalang kami sabay buntong hininga.
*****
Ozu's Point of View
Nakatulog pala ako ng hindi ko namamalayan. Minabuti kong bumangon at lumabas ng kuwarto.
Pagtingin ko sa orasan alas diyes na pala. Nang biglang tumunog iyong tiyan ko kaya napasimangot ako.
Mukhang bumaba na yata 'yong mga kinain ko kanina. Nagugutom ulit ako.
Agad kong tinungo ang kusina saka binuksan ang refregirator pero—"Bakit wala man lang kalaman laman 'yong ref. dito? Walang kahit anong pagkain."
Napahawak ako sa tiyan ko dahil nagugutom na talaga ako. No choice.
Naisipan kong kumatok sa pintuan ng kuwarto ni Pangit.
"Hoy! Pangit gumising ka! Nagugutom na ako. Bilihan mo ako ng pagkain!" sigaw ko.
Pero walang sumasagot.
"Hoy! Pangit! Gumising ka na! Nagugutom ako!" wala pa ring nasagot. "Pangit! Gumising ka na kasi!" naasar na ako.
Nang biglang bumukas 'yong pintuan.
Naoutbalance ako at muntikan ng mapasubsob 'yong mukha ko sa sahig kaya napangisi ako.
"Pambihira!" sigaw ko. "A-a-anong nangyari sa 'yo?!"
Gulat na gulat ako dahil mulat na mulat ang mga mata niya. Parang may kakaiba sa kanya.
"'Wag mong sabihing hindi ka pa natutulog hanggang ngayon??"
Binalingan niya ako ng tingin.'Yong tingin na para akong kakainin.
"'Wag kang lalapit!" pagbabanta ko ng tangkain niya akong lapitan.
"Hoy! Sinabi kong 'wag kang lalapit sa akin! Sisipain kita Pangit!"
Umaatras ako habang nakaupo. Hindi pa kasi ako nakakatayo hanggang ngayon.
Unti-unti pa rin siyang lumalapit.
Sasakalin ko na talaga itong si Pangit!
"Sinabi kong 'wag kang lalapit!" sigaw ko ulit.
"Mahal kita Ezikiel." sabi niya sa akin habang nakanguso.
Gumagapang siya papalapit sa akin.
"Damn! Ano ba'ng sinasabi mo riyan?! Hindi ako si Ezikiel!" umamba ako ng suntok sa kanya.
"Patay ka sa akin kapag lumapit ka Pangit!" Pero nilapitan pa rin niya ako kaya napasigaw ako ng todo.
Hanggang sa hingal na hingal akong bumangon habang pumapatak 'yong pawis ko.
"Masamang panaginip?" napabuga ako ng hininga. "Mabuti naman. Akala ko kasi totoo na."
Nang biglang tumunog iyong tiyan ko kaya napahawak ako rito. "Tama nga 'yong panaginip ko. Nagugutom nga ako." bulong ko.
Lumabas na ako ng kuwarto at nagtungo papuntang kusina.
Alas dose na ng hating gabi nang makita ko 'yong orasan ngayon.
Nang buksan ko iyong refrigerator wala nga talagang laman 'to. Bakit hindi man lang kami binilhan nila Ate ng mga pagkain?
Paano na kaya ako ngayon? Gutom na talaga ako.
Ayoko namang gisingin si Pangit baka kasi mamaya magkatotoo rin 'yong panaginip ko.
Bumalik ako ng lamesa. Napangiti ako nang makakita ako ng Milo.
Votes and Comments are highly appreciated.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]
Teen FictionBook 1 of First Generation. Highest Rank Achieved: #2 in Teen Fiction as of 2016 by MsjovjovdPanda. Si Melanie 'Bebang' Dimakales also known as 'Miss Pangit', ang babaeng 'dimakaalis sa kapangitan at 'dimakaalis sa kahirapan. Kinasusuklaman niya si...