Chapter 65
Ozu's Point of View
Nasaan na ba 'yung Pangit na 'yon? Saan niya nakuha 'yung permisong magdamit siya at magpapicture ng gano'n? Lagot talaga siya sa akin pagnagkita kami.
Palinga-linga akong pumasok dito sa loob ng Shining Company.
"Ozu Kang! Muntikan ka nang ma-late ng isang minuto. Halika na!" sigaw niya sabay hawak sa kamay ko.
Pero hindi lang basta hawak sa kamay ko ang ginawa niya, kundi hinolding hands niya ako. Tapos hinila niya ako papalabas ng company.
Ano naman kaya itong ginagawa niya?
"Hoy! Pangi—"
"Huwag nang maraming tanong, basta sumunod ka nalang sa akin." sabay kindat niya sa akin kaya napangisi ako.
"So, ikaw ang boss ngayon?" hindi niya ako sinagot. Tinawanan niya lang ako kaya napailing nalang ako sabay ngiti.
*****
Crystal's Point of View
Kasama sa mga plano ko na i-date si Ozu ngayon pagkatapos kong magpasikat sa social media kanina.
Binayaran ko rin ang isang cameraman na bumubuntot sa amin ngayon at pinipicturan kami habang masayang kumakain at namamasyal dito sa labas.
Naka holding hands at sweetness ang ipinapakita ko rito. Ginagawa ko ito para magbaka sakaling mapansin 'to ng Mama niya at baka sakaling hindi na siya ipakasal sa Krisha Liu na 'yon.
"Mr. Ozu Kang! Miss Crystal Kim!" nagulat kami nang may biglang tumawag sa amin ni Ozu habang nakain kami rito sa isang exclusive restaurant.
"Oh my gosh! Is it true? Are you dating?"
Mukhang mga paparazzi ang mga ito. Pinagmasdan ko muna sila at mayamaya pa ngumiti na ako. Na spotted kami ng Paparazzi. Mukhang maganda ito.
"Miss Crystal Kim, puwede ba namin kayong mainterview kahit sandali lang? Please?" biglaang sabi nito at tila nagmamakaawa pa kaya nagkatinginan kami ni Ozu.
Tatlo silang magkakasama.
Kung gano'n, aayon ang lahat sa mga pinaplano ko kung tatanggapin ko ang sinasabi nila.
"Yeah, sure." Hindi na ako nagdalawang isip pa.
Nginitian ko sila samantala hindi naman makakibo si Ozu kaya tinitigan ko lang siya na parang sinasabing makipagparticipate ka.
Sana naintindihan niya ang pahiwatig ko na iyon.
"Okay, start na tayo. Bilisan natin!"
Hinanda ko na ang sarili ko. Sa tingin ko ito na 'yung pinakahihintay kong part sa plinano ko.
"Three, two, one, start!"
Nakita kong naka-on na 'yung cam at nakatapat na ito sa aming dalawa ni Ozu Kang. Mabilis kong ipinalupot ang kamay ko sa braso niya na nakapatong sa lamesa.
"Miss Crystal Kim, are you dating with Mr. Ozu Kang?" unang tanong nito pero tumawa muna ako, pero siyempre tawang mahinhin lang.
"No." sagot ko. Tapos parang nagreact sila at nagkatinginan pa. "No. kasi kami na." dugsong ko sabay nginitian ko naman si Ozu.
"What? Really?" gulat na gulat sila matapos kong sabihin 'yon.
Tumango akong nakangiti sa kanila. "Yeah. And I proudly say to you na mag-iisang taon na kami."
"Woah! So, kung kayo na mag-iisang taon ng nakakalipas, how about the rumors about Miss Krisha Liu getting marry to Mr. Ozu Kang? Hindi po totoo 'yon?"
"Ako nang sasagot." pagsingit ni Ozu sa usapan kaya bahagya akong nagulat sa ginawa niya.
Nakatitig lang ako sa kanya.
"Oo, hindi totoo ang tungkol don. Siguro naman sapat na 'yung katibayan na may girlfriend na ako at si Crystal 'yon. At kung may pakakasalan man akong babae..."
Napahinto siya sa sinasabi niya sabay tingin sa akin. "Siya lang 'yon at wala ng iba. So, you better stop interviewing us."
Nagulat silang lahat sa sinagot ni Ozu gano'n din ako, pero hindi ko pinahalata 'yon.
Nagmadali naman nilang in-off 'yung camera at sa tingin ko natakot sila.
"Ah, wow! Congrats Miss Crystal Kim, your so lucky to have him." ngiting sabi nito kaya nginitian ko rin sila.
"Yeah. Parehas kayong lucky sa isa't isa. Ayos lang ba kung ilabas namin itong hot news na 'to?"
Napatingin akong nakangiti kay Ozu. Sa tingin ko success itong plano ko.
"Walang problema sa akin." mabilis kong tugon.
"Gano'n din sa akin. Gawin ninyo ang gusto n'yo." sabi naman ni Ozu kaya tumango sila.
"Grabe, ang sweet naman ni Mr. Ozu Kang." sabi ng isa sa kanila kaya nagkangitian kaming tumitig sa isa't isa ni Ozu. Hinalikan pa niya ako sa ulo na siyang kinakilig ng tatlo.
Nginitian sila ni Ozu. "Thanks, dapat ko lang naman gawin ang maging sweet kay Pangit everyday."
Ayos nakikiride na rin talaga siya.
"Pangit?" sabay sabay na sabi ng tatlo. Nagulat sila.
"Yeah, ayun kasi 'yung tawagan namin, I'm sorry kung hindi ko sa inyo nabanggit."
Tumatango-tango lang ako at nakangiti habang si Ozu na iyong sumasagot sa kanila.
"Oh my gosh! Hindi ko na talaga 'to carry. Alam n'yo bang sa lahat ng couple na na spot interview namin kayo lang 'yung totoo? Napakasimple n'yo pero may dating. I love your love team na." tinanggap namin 'yung napakagandang comment niya.
"Yeah, me too. Hindi na ako makapaghintay na ipublish 'to."
Napangiti sila. "Kami rin!" sabay sabay nilang sabi.
"OMG! Nakacouple shirt din kayo? Puwede ba namin kayong mapicturan?"
Nang mapadaan kami kanina ni Ozu sa isang shop sinadya kong magbihis kami ng ganito para couple na couple talaga 'yung dating naming dalawa.
'Yung t-shirt namin na nakapangloob.
"Yeah, no problem." sagot ko.
Inakbayan ako ni Ozu kaya nagsweet smile naman ako sa kanya, gano'n din siya.
"Papicture na rin kami, ah?"
"Sure!"
Hanggang sa madaming pictures ang kinuha nila sa amin kasama sila. 'Di nagtagal nagpaalam na rin sila sa amin.
Napangiti ako ng palihim. Hindi ko talaga inaasahan na aayon ang lahat sa ganito. Sana talaga maging successful itong plano ko.
Votes and Comments are highly appreciated.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]
Teen FictionBook 1 of First Generation. Highest Rank Achieved: #2 in Teen Fiction as of 2016 by MsjovjovdPanda. Si Melanie 'Bebang' Dimakales also known as 'Miss Pangit', ang babaeng 'dimakaalis sa kapangitan at 'dimakaalis sa kahirapan. Kinasusuklaman niya si...