Chapter 20

99.9K 3.6K 61
                                    

Chapter 20

Bebang's Point of View

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama matapos ang ilang oras na pinagagawa sa akin ng mga tutor ko.

"Ang sakit ng katawan ko. Kailangan ko ba talagang gawin ang lahat ng 'yon?" pagmamaktol ko.

"Melanie, hindi pa tayo tapos." sabi ng mga Ate pagkapasok nila rito sa kuwarto ko.

Sinundan na naman nila ako. Ayan na naman sila.

Pero bigla akong napasigaw. "Suko na ako!" turan ko sa unan.

"Uh oh! Hindi puwede." sabi ni Ate Mimi.

"Five minutes rest. Puwede po ba?" At sana naman maawa na sila sa akin.

"Sure. Babalikan ka namin after five minutes." Mabuti naman!

"Okay po." tinatamad kong sagot sabay humilata muli ako sa kama.

*****

Ozu's Point of View

Pagkadating ko sa bahay galing school kaagad kong tinungo kung saan na roon sina Ate Mimi at Ate Mini.

"Ate Mimi, Ate Mini, kumusta? Nasaan si Pangit? Natuto na ba siya?"

"Oo, Ozu. Tignan mo siya."

Tinuro ni Ate Mini si Pangit kaya nilingon ko ito.

Pagkatingin ko sa kanya, nakasuot siya ng mataas na sandals habang pina-practice niya ito sa paglalakad.

Pumalakpak naman ako bilang pagbati ko sa kanya na magaling siya.

Ang kaso nagulat siya, kaya bigla siyang natumba at na bali pa iyong takong ng sandals na suot niya.

"Aaaah! Ang sakit!!" sigaw niya ng malakas kaya napatakip kaming lahat ng tainga.

Matapos ang ilang minuto, nakita kong naandito siya ngayon sa rooftop mag-isa kaya lumapit ako.

"Aray ko, ang sakit!" bulong niya.

Hindi niya ako napapansin dahil hinihimas niya ang paa niya.

"Ehem..." tikhim ko. "Masakit pa ba?" tumabi ako sa kinauupuan niya.

"Medyo."

"Pasensya na. Hindi ko akalain kanina na magugulat ka sa pagpalakpak ko." Napalihis nalang ako ng tingin.

"Wala 'yon. Nangyari na rin kasi." tumango nalang ako.

"Uhm, kain ka na muna."

Inabutan ko siya ng paper bag na may lamang mga pagkain na binili ko para sa kanya.

"Woah! Mukhang masarap ang mga ito!" Tinignan niya ang laman ng kuhain niya 'yon sa akin.

Tuwang tuwa siya.

"Masarap talaga ang lahat ng mga 'yan. Sige kumain ka na muna."

Habang hinahanda niya iyong pagkain hindi ko alam kung paano ko sisimulan iyong sasabihin ko.

"Umh, Pangit, kasi..." napakamot ako sa ulo ko.

"Ha? May sasabihin ka ba?" aniya habang kumakain.

"Ah, kasi dineklara ko sa school natin na..."

"Na?" nakatingin lang siya.

"Patay ka na."

Matapos kong sabihin 'yon naibuga niya iyong ilang piraso ng kinakain niya.

Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon