* * *
Ang bilis ng mga araw at ngayon na yung byahe namin papuntang Palawan. Mabuti na lang at sakto sa semestral break yung birthday ni Gina. For the past week, sobrang stress kami sa final exam kaya magandang reward na rin ito for the hard times we've been through kahit sa first semester pa lang.
We're on a plane at katabi ko ang madaldal na si Max at sa side niya maman si Gina. Excited na nga itong dalawa kasi nauna na sa akin pumunta sa airport. After all, mga tourism students naman sila. I chose to sit near the window para makita ko yung aerial view. Napaka gandang tingnan ng mga ulap, parang may calming effect which I badly needed kasi as expected, kasama namin si Luc na katabi naman ng nga boys sa aming likuran.
Siguro nagtataka kayo kung anong nangyari after nung nakakahiyang incident. Well ganito yun..
Flashback..
What was I thinking? That was a stupid impulse! Naka towel lang ako at worse, nakita pa niya ako sa ganoong ayos! Wala na... Huli na ang lahat..Oh no..
Nakiramdam ako ng ilang sandali pagkatapos kong mag hysterical dito sa loob. Naka alis na kaya siya?
"Ahem." Narinig kong tikhim sa labas.
"Sorry hon. I was just shocked just like you. Promise I did not see anything kahit pa na mukhang sex---"
"Stop right there you jerk! Umalis ka na kung ayaw mong idemanda kita ng sexual harassment!" pagbabanta ko sa kanya. Feeling ko ata namumula na rin yung mukha ko sa sobrang kahihiyan.
"Hindi naman ata yun fair hon. Malay ko bang sobrang excited ka na makita ako at nakalimutan mong magpalit muna ng damit or baka naman... baka naman sini-set up mo ko. Are you trying to seduce me? If yes, then it's working." Pang-aasar niya sa akin na may halong mahinang tawa.
"F you asshole! Ayokong makita ang pagmumukha mo. Hindi kita inaakit at hindi ko kasalanan kung manyak ka lang talaga!"
"Hon, who told you to cuss at me? Open this door right now!"
"Whatever! Hindi ko to bubuksan and pwede ba? Wag ka munang magpakita sa akin even just for three days? Araw-araw kong nakikita ang makapal mong mukha at nakakasuka!"
"Fine. I'll stay out of your sight for a while and please calm down. Pag-uusapan natin to next time." Marahas na buntong hininga ang pinakawalan niya. Mga ilang sandali ay may narinig akong mga yabag papalayo.
Buti naman at umalis na rin ang walanghiya. Pero right after three days, nangulit na naman siya. Sana pala isang linggo ang hiningi ko or much better kung forever. Hayyy Blessing in disguise na rin siguro na may exams kami kasi hindi na siya madalas pumupunta sa room.
At yun nga.. hanggang sa byahe namin ngayon ay todo iwas pa rin ako. I don't care kung mapansin man ng barkada na hindi kami nagkikibuan.
"Ilang beses na akong nagpapacute sayo. Di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko. Pansinin mo lang ako aking sinta'y walang humpay na ligaya.. Aasahang iibigin ka.." Kung minamalas ka nga naman. Kumanta na ang sintunado. Oo gwapo lang si Lucas pero napaka walang kwentang singer.
"Kung sino man yang may napakapangit na boses at may sobrang confidence ay patigilin niyo na sa pagkanta. Nakakasira ng mood sa byahe." pagpaparinig ko sa kanya.
"Hon. Sorry na talaga. Bati na tayo please?"
"Huwag ka ngang magdrama diyan Lucas. Ang OA ha."
"Sheen, kawawa naman tong si kumpare please lang mag ayos na kayo. Ikaw nga naririndi na nasa unahan lang kayo, ako pa kaya na katabi niya. Kung ayaw mong maawa sa kanya, para sa kapakanan na lang ng mga tenga ko. Please?" rinig kong pakiusap ni Drew.
"Aba pare nakakasakit ka ng feelings alam mo yun?"
"Totoo naman talaga pre. Please lang huwag mo nang subukan ulit kumanta. Para magkaroon naman rayo ng matiwasay na byahe."
"Aba't---"
Tumayo na ako at naglakad paalis sa kanila. Ayoko nang makinig pa sa kanilang bangayan. Kahit ilang beses akong tinawag ni Lucas ay hindi ako lumingon. I also needed to pee kaya pumunta ako ng comfort room.
May nakasalubong akong isang babae na mukhang kakagaling lang din ng comfort room. Medyo hindi maipinta ang kanyang mukha na parang namimilipit sa sakit kaya nagpasya akong lapitan siya.
"Miss okay ka lang ba?" medyo natataranta kong tanong.
Nakahawak siya sa kanyang dibdib na animo'y nahihirapang huminga. "Tu-tulungan m-mo ko.." Walang sabi-sabi ay sumigaw ako at humingi ng tulong. Maagap naman ang mga crew ng eroplano at tinulungan ang pasyente. Sa tantiya ko ay halos magkaedad lang kami. Rumisponde ang isang medical personnel at chineck ang lagay ng babae. Nakita kong nilagyan ng breather ang babae habang ang isang lalaki naman ay tumawag sa isang ospital. Malapit na siguro kaming makarating sa airport.
"Hon! Are you okay?"
Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Lucas at agad akong niyakap.
"I thought she's gonna die Luc. I was scared." naiiyak kong sabi sa kanya. Kahit sino naman siguro ay mababahala sa lagay niya. Nang matumba ang babae sa harap ko ay ginamitan ko agad siya ng spell bago ako sumigaw ng tulong.
I am a healing witch pero hindi ko kayang bumuhay ng isang patay. Isa sa mga kinatatakutan kong mangyari ay may mamatay nang hindi ko man lang natulungan. Nangyari na ito sa akin noon at ayoko nang balikan ang bangungot na yon.
"Shh.. calm down now Sheen. Sure akong safe na siya. You did a good job asking for help right away. Tahan na.." patuloy na hinahaplos ni Luc ang buhok ko habang ako'y pinapatahan.
"Okay na ako. Sorry at mukhang nabasa ko ang shirt mo." sabi ko nang medyo naka recover na ako sa shock.
"Sus, ngayon ka pa nahiya hon. Feel na feel mo nga yung yakap ko kanina eh. Aminin..." tukso ulit ni Lucas.
"Ewan ko sayo." Magwo-walk na sana ulit ako nang bigla niya akong hinila pabalik na dahilan kaya ako napasubsob sa matipuno niyang dibdib. Deym shet. Inilayo niya ako ng konti at dahan-dahang bumaba ang kanyang mukha sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko basta bigla na lang akong nanigas sa kinatatayuan ko. Napapikit ako hanggang sa maramdaman ko ang kanyang malambot na labi sa aking noo.
"I promised to myself na pipigilan kong halikan ka against your will kaya ito na muna. I was very proud of you back there. I know you saved her."
After niyang sinabi iyon ay parang kumabog ang puso ko. Oh heart, don't tell me nahuhulog ka na?
BINABASA MO ANG
WITCH: IN LOVE
FantasyIt's the new generation, alright. Pero kahit gaano pa ka moderno ang panahon, nabubuhay pa rin kami. So far, okay pa naman yung pagtira ko sa Manila kaso may nangyaring hindi ko inaasahan.. Urgh! Nakakainis! First kiss ko yon eh! Okay na sana kung h...
