* * *
KylaOh god! Ito na ata ang fifth and hopefully the last wave!
Pakiramdam ko ay bumabaligtad na naman ang sikmura ko kaya napatakbo kaagad ako sa sink ng kusina at doon balak ilabas ang lahat ng masamang pagkaing nakain ko, kaso wala.
Nakapagtataka dahil ilang araw na akong ganito. Wala naman akong nakaing masama kagabi, kung tutuusin nga ay magana akong kumain ng itlog na bahagyang sunod na pinigaan ng kalamansi. I am having a bad feeling about this. Sana nga lang ay hindi totoo ang kutob ko.
Dahil walang maisuka ay pinatay ko ang gripo at kumuha ng malinis na towel at pinunasan ang aking bibig. Naalala kong mayroon pa pala akong kailangang tawagan ngunit nang kunin ko sa bulsa ang aking cellphone ay napagtanto kong hindi ko na pala siya kailangan tawagan dahil ang lalaki na mismo ang tumawag.
"Kamusta ang pinapagawa ko sayo? Natapos mo ba?"
"Hindi ko nagawa sweety pie. Nasa ospital kasi siya kanina tapos ngayon naman ay nasa bahay na. Maraming nakabantay eh."
"Ang bobo mo naman! Wala ka talagang silbi!"
"Pero sweety pie hahanap ako ng tyempo, promise. Huwag ka nang magalit. Basta yung date natin bukas ah?"
"Anong date? Hindi ako makikipagdate sa isang tarantadong kagaya mo! At saka huwag mo akong matawag-tawag na sweety pie! Nakakadiri! Nakakairita!"
Marahas na pinindot ko ang end call button. Hindi na nga ako makalabas dahil masamang masama ang pakiramdam ko tapos yung nautusan ko pa, walang kwenta! Kumukulo talaga ang dugo ko sa inis kaya naisipan kung kumuha ng radish sa ref na binili ko kanina at nagsimulang balatan ito. I also took some eggs para lutuin. Hardboiled. Nang maisalang ko sa stove ang lulutuin ay kumuha ako ng mga marshmallow sa isang garapon na nadito lang sa kitchen counter.
Nang matapos sa pagbabalat ay hiniwa ko nang maninipis ang labanos atibinabad sa kaunting suka saka binudburan ng asin. I'll wait until the eggs get cooked dahil mas masarap itong gawing ulam kasama ang kanin.
Nasa ganoong pag-iisip ako nang biglang bumukas ang pinto ng condo at mabilis na pumasok si Lara na tila humahangos.
Napansin ko ring maga ang mga mata nito. Nakita kaya niya si Greg habang nag-go-grocery? Hindi ko alam pero parang may mga sariling pag-iisip ang aking mga paa dahil hindi ko namalayang nasundan ko na pala si Lara sa kanyang kwarto na parang aligaga at nanginginig ang mga kamay habang kinukuha ang mga damit sa closet at inilagay ito ng direcho sa isang maleta.
"Aalis ka na ba? Did you make up already? Ang bilis naman! Nagpakipot ka muna sana kahit konti. Ano ba yan!"
Plano ko sanang isali si Lara sa paghihiganti ko sa malanding si Sheena kaso may balak atang lumayas ang gaga sa poder ko.
"K-kyla.. I k-killed him!"
* * *
"Kuya Basty!" napayakap ako sa aking kapatid nang makita ko siya. How long has it been mula nung huli kaming magkita? Dahil sa work committments ay hindi na siya masyadong nagkakaroon ng time para umuwi but I'm glad now that he's here, just when I needed him the most."Hush now darling. Ayokong makita kang umiiyak. Come on, let's go inside masyadong malamig dito sa labas."
Pumasok na kami sa loob ng bahay at unupo sa sofa na nasa living room.
"I heard what happened to your friend. Kakauwi ko pa nga lang tapos isasalubong mo sakin ang malungkot mong mukha? Cheer up, darling. Alam kong magigising din siya. Everything will turn out fine." pag-aalo sa akin ni kuya.

BINABASA MO ANG
WITCH: IN LOVE
FantasyIt's the new generation, alright. Pero kahit gaano pa ka moderno ang panahon, nabubuhay pa rin kami. So far, okay pa naman yung pagtira ko sa Manila kaso may nangyaring hindi ko inaasahan.. Urgh! Nakakainis! First kiss ko yon eh! Okay na sana kung h...