* * *
Greg
Papasok na ako ng campus nang biglang may dalawang babaeng humawak sa magkabilang braso ko. Doon ko lang napagtanto na naapakan ko ang isang bilog na guhit sa daan. Pakalat kalat lamang ang mga ito sa buong campus ngunit sa kamalas-malasan eh ngayon ko pa ito naapakan.
Pakulo ito ng mga taga IT Department. Napagsabihan ako ng isa kong classmate kahapon na nabiktima rin nito. Ikukulong ka nila sa isang classroom at maghihintay ka ng isang taong magbibigay piyansa sayo. Kung sino yung magke-claim sayo ay magkakaroon ng isang oras para i-date ka. Lalagyan ka ng posas at itatali ito sa kabilang kamay ng kasama mo.
Ilang sandali rin ay naipasok na ako sa selda na ginawa ng mga estudyante. Nakayuko lamang ako sa loob dahil pati bag ko at cellphone ay kinumpiska. Kainis lang talaga!
Na-late na nga ako ng gising kanina dahil sa pagod, nasa kitchen kasi ako kahapon naghahanda ng mga order. Hindi na ako pumasok sa cafe nitong umaga pero dahil sa kakulitan ni Kyla na samahan siyang maglibot sa campus ngayong hapon ay pumunta na rin ako.
Hindi ko pa naman yun na-text kung saan kami magkikita tapos eto pa ako ngayon nakakulong.
Mayamaya ay may isang pares ng sapatos na bumungad sa aking paningin. Tumingala ako at doon ko napansin ang isang babaeng nakaharap sa akin. Narinig kong binuksan ang pinto ng room at inilabas ako ng dalawang lalaking nakabihis pang-gwardiya. Sa labas ay may isang babaeng nakaupo at nagsusulat sa may maliit na mesa. "Siya si Lara Margaret Cueva. She's bailing you out." sabi niya habang nagsusulat pa rin. Pinosasan kaagad ako ng isang gwardiya at inilapit kay Lara at ikinabit ang kabila sa kanyang kaliwang kamay.
"Sorry to say this but can we eat first? I'm really hungry." Gutom na gutom na ako ngayon dahil hindi ako nakakain kanina sa bahay. "S-sure." tipid na sabi ng katabi ko.
Pumunta kami sa isang restaurant na pakana ng taga HRM. Dahil nahihirapan akong kumain gamit ang aking isang kamay ay nag request ako sa kanyang subuan ako. Napansin kong namang medyo naiilang ang kasama ko habang sinusubuan niya ako kaya naisipan ko itong tanungin.
"Am I making you uncomfortable? Sorry to ask you this favor. Gutom lang kasi talaga ako."
"No! Uhm- ano o-okay lang.."
"Why did you bail me out? Magkakilala ba tayo?"
"A-ano kasi- uhm hindi mo ako kilala. Napasabak kasi ako sa isang dare kaya ganito."
Napatango lamang ako bilang tugon. Ang dami talagang mga ganitong pakulo basta may event sa campus. This is my first time here at masasabi kong masaya but kind of annoying.
"What department are you in?" tanong ko pa bago niya ako subuan ulit.
"Engineering third year. I just transferred this week."
"Ganun ba. I'm Greg by the way. You can call me kuya if you want since mas matanda pala ako sayo." Napakamot na lang ako sa batok.
Narinig ko siyang nagsalita ng mahina kaso hindi ko iyon masyado narinig.
"Do you mind if we go to the haunted house? Gusto ko din makapunta doon kasi sabi nila nakakatakot raw talaga."
"My pleasure." sabi niya at ngumiti. She has a beautiful smile like Shee's. Wait. Why am I comparing her to Shee? Mali ito.
Pagkatapos ng ilang subo ay naubos ko rin ang pagkain. Kaagad naman akong nagbayad ng bill at saka lumabas na kami para punatahan ang building nila. Habang naglalakad ay naisipan kong kunin ang kanyang kamay at hawakan ito. I don't know what came to me but I just had this feeling na I want to hold her hand. Wala naman akong narinig na reklamo mula sa kanya kaya nagpatuloy na rin kami sa paglalakad.
Pagpasok namin sa building ay puno ito ng mga nakakatakot na bagay. Ito namang kasama ko ay parang walang pakialam. Hindi ata gumagana sa kanya ang mga ganitong panakot. Well, she's part of the team who made this event afterall.
Nang makarating kami sa third floor ay hindi ko inaasahang biglang yayakap si Lara sa akin.
"Hey, what's wrong?" Palinga-linga naman ako sa paligid pero wala naman akong makitang kakaiba.
"M-may gagamba!" Nang sabihin niya iyon ay doon ko lang napansin ang gagamba na nasa sahig na. Bigla naman pumasok sa isip ko ang kalokohan.
"You're right! Nasa ulo mo si Mr. Spider!"
Napahigpigpit ang yakap niya sa akin na medyo napapatalon.
"Ahhh!!! Please tanggalin mo! Eeeeeew!!!" tumitili at nagsisisigaw na siya ngayon kaya hindi ko na rin mapigilan ang tumawa ng malakas.
"Hahaha joke lang yun Lara." sumasakit pa rin ang tiyan ko sa kakatawa pero bigla ko na lang narinig ang kanyang pagsinghot. Kaagad naman akong nakaramdam ng guilty kaya humingi ako ng sorry.
"S-sorry. Sorry talaga Lars, please huwag ka na umiyak. Kanina pa lumayas yung gagamba sorry kung pinagtripan pa kita. Tahan ka na please.."
Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko na nasa aking bulsa at doon ko lang naalala si Kyla. Shit! Kinuha ko ito at nalaman kong si Shee pala ang nag text. Binuksan ko ito at para akong nanigas bigla sa aking kinatatayuan.
From: Shee
Get away from her. She's Dreyfus.Dreyfus? Ang mga mangkukulam na eksperto sa black magic. Hindi ako makapaniwalang isa siyang mangkukulam! Naalala ko pa noon ang mga bagay na sinabi sa akin ni Shee nang tanungin ko siya tungkol sa kanilang lahi.
"Just avoid them, Greg. They are dangerous. Kayang-kaya nilang manakit ng tao or worse, makapatay pa."
Oh shit.
* * *
LUCAS
Kanina pa kami naglilibot dito sa campus kasama ang barkada. Ilang sandali pa ay nagpaalam si Drew dahil pupuntahan pa raw nito ang kanyang mommy na nasa airport at naghihintay sa kanya. Sumama naman ang kanyang girlfriend. Kaso ilang sandali pa ay nagpaalam na rin sina Marco dahil masakit na raw ang kanilang mga paa sa kakalakad.
Naisip kong mabuti na rin iyon dahil makakapag solo kami ng girlfriend ko. Tangina nakakabakla yung ginawa ni hon kanina. Dapat pala dalasan ko na ang pagtatampo para halik-halikan niya ako palagi. Hahahaha
"Hon, are you not tired yet? Ihatid na kita."
"Okay."
Habang nasa byahe ay tahimik pa rin si hon hanggang sa makarating kami sa parking lot ng building.
"Bye. Salamat sa paghatid hon." sabi niya pagkatapos tanggalin ang seatbelt.
"You forgot something." sabi ko.
"W-wala naman ah." bigla siyang namula kaya napangisi naman ako sa sinabi niya.
"Ako na nga lang." Right then and there I kissed her passionately. I was damn glad nung hinalikan niya ko so this time i'll thank her with this kiss. Nang malapit na kaming ubusan ng hininga ay saka pa lamang ako bumitaw.
"Thanks hon. I love you." tumango lamang siya at base sa kanyang mukha ay parang hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari at medyo nagba-blush pa! Yeah I feel her too. This is like a dream for me.
Hinihintay ko pa siyang tuluyang mahulog sa akin and i'll patiently wait hanggang sa masabi niya ring mahal niya rin ako. URGH! I'm getting cheesy!
BINABASA MO ANG
WITCH: IN LOVE
FantasyIt's the new generation, alright. Pero kahit gaano pa ka moderno ang panahon, nabubuhay pa rin kami. So far, okay pa naman yung pagtira ko sa Manila kaso may nangyaring hindi ko inaasahan.. Urgh! Nakakainis! First kiss ko yon eh! Okay na sana kung h...