Chapter 10: Someone is watching

68 2 0
                                    

* * *
Pauwi na kami at kung hindi niyo naitatanong ay hawak ni Lucas ang isa kong kamay. Well, hindi ko alam kung ba't ganito ang ayos namin ngayon. Basta na lang niyang binigay ang isang supot sa akin at tsaka agad kinuha yung isang kamay ko.

"Bakit mo naman hindi sinabi ang totoo sa tindera? Baka akalain nun mag-asawa talaga tayo." may halong inis na sabi ko.

"Bakit naman? Eh dun din naman tayo pupunta."

Nabingi ata ako dun sa sinabi niya. Parang lumakas ang kabog ng dibdib ko kaya hindi ko namalayan na tinatawag niya pala ako.

"Hon? Kinilig ka ba?" mapanuksong tanong niya.. OO! Pero joke lang po yun. Hindi ko aaminin noh.

"Ewan ko sayo!" Ayun. Nagwalk out ang lola niyo at iniwan siya dun na tumatawang parang baliw.

* * *

Medyo marami yung hinanda naming magbarkada kaya natagalan kami. Aside from seafoods ay nagbake na rin ako ng cupcakes for dessert at yung favorite na salad ni Gina. Mabuti na lang at buong maghapong iginala si Gina ng boyfriend niya kaya nakapag set up kami ng maayos. Ilang sandali na lang ay uuwi na sila ayon sa text ni Marco. May konting inihaw rin kami at ako na ang nagvolunteer na magprepare ng ihawan. Hindi rin naman ako choosy sa uling.

Napagpasyahan naming dito magcelebrate sa isang cottage na sakto lang sa aming magbabarkada. Kahit naman medyo sosyal ang mga friends ko ay mas na-aapreciate pa rin nila ang effort kesa sa bonggang handaan.

"Oy girl, kami na diyan ni Drew. Kanina ka pa nagluluto eh." sabi ni Max.

"Oo nga Sheen. Bakit hindi ka na lang umupo saglit?" dagdag ni Drew.

"Okay fine. Uhm.. nakita niyo ba si Lucas?" Para kasing kanina ko pa siya hindi nakikita eh. Oops wag niyong isiping namimiss ko siya dahil HINDI talaga. Ang sa akin lang ay baka nagpapaka sarap siya sa pagrerelax porket kanila tong tinutuluyan namin. Aba hindi naman siguro fair yun. Tsaka hindi po ako defensive, nagsasabi lang po.

"Mukhang nandoon ata ang boypren mo sa mini bar. Kumukuha ng drinks natin."

"Ganun ba? Uhm.. pupuntahan ko lang at baka nagulungan na ng mga bote ng beer."

Habang papunta ako sa mini bar ay may napansin akong umaaligid sa likuran ko pero sa tuwing lumilingon ako ay wala naman akong napapansin. Iba ang kutob ko dito. Hindi ko pa matukoy kung mapanganib ang dala nitong presensya.

Nagmadali ako sa paglalakad hanggang sa di nagtagal ay narating ko rin ang bar. Medyo marami-rami ang nga customer ngayon. Siguro isa sila sa mga naka check in kagaya namin.

Ramdam ko pa rin ang taong sumusunod sa akin. Pero binalewala ko iyon at sa halip ay tinuon ang pansin sa paghahanap kay Lucas. Palinga-linga ako sa paligid hanggang sa may biglang humawak sa aking balikat.

Gagamitan ko na sana ng defense magic nang mapagtanto kong ang walanghiyang Lucas lang pala ang nasa likod ko.

"Ano ba!!! Papatayin mo ata ako sa gulat eh!"

"Nagulat ba kita? Eh kanina ko pa nga tinatawag ang pangalan mo kaso hindi mo ata narinig kaya nilapitan na kita."

Grabe! Parang ilang kilometro ata ang tinakbo ko dahil hingal na hingal ako. Eh sobra naman talaga akong kinabahan dun!

"Hon are you okay? You look pale. Tell me what happened."

"Okay lang ako Luc." Ayoko nang sabihin pa sa kanya ang naramdaman ko kanina. Mas paranoid pa to kesa sakin eh.

"San ka ba nanggaling?" tanong ko sa kanya.

"Kinuha ko lang yung phone ko sa kwarto bago ako pumunta rito. Halika na, kunin na natin yung drinks. Malapit na raw sina Gina."

Bitbit namin ang isang di-gaanong malaking cooler na may lamang ladies' drinks at beer sa loob. Mga ilang minuto pa pagkatapos naming makarating doon ay sumunod na sina Gina na ngayon ay naka blindfold.

Pagkatanggal ng piring sa kanyang mata ay kumanta kami at nagpaputok ng poppers. Siyempre kitang-kita ang saya sa mukha ni Gina na ngayon ay medyo naluluha na rin.

"You guys are so amaze-balls! Thank you talaga! You made me happy today!" madramang sabi ni Gina.

"Naku! Huwag ka nga umiyak dahil pati kami ni Max ay naiiyak na rin. Come on, make a wish birthday girl!" Pagkatapos niyang hipan ang candles ay pumalakpak kami ulit at nagsimula nang kumain.

Matapos naming kumain ay nagkayayaan ang lahat na uminom, para na rin daw matunawan. Pansin ko pa ring may nakamasid sa akin. Ewan ko ba pero parang may nagtutulak sa akin na harapin kung sino man ang taong yun.

Para matapos na ang gumugulo sa isip ko ay napagdesisyunan kong lumayo muna sa barkada at harapin ang estranghero.

"Guys, kukunin ko lang saglit yung phone ko. Nakalimutan kong tawagan si mom."

"Samahan na kita, hon."

"Hindi! I mean uhm-okay lang ako. Dito ka na lang."

Nung una ay tinungo ko ang direksyon papunta sa hotel pero nang makasiguro akong hindi na nakatingin si Lucas ay lumiko ako hanggang sa huminto ako sa medyo may kadilimang lugar.

Hindi ko naman masabing mapanganib itong lugar kasi hindi pa naman ito malayo sa karamihan ng mga tao. At tsaka ilang lakad lang ay naroon na ang isang posteng may ilaw.

"Lumabas ka na."

Alam kong nakasunod siya sa akin pero hindi ko maramdamang kumilos siya. Dun na ako nainis. Ang pinaka ayoko sa lahat ay pinagtitripan ako.

"Ano ba!!?" sigaw ko ulit hanggang sa biglang may yumakap sa likuran ko.

"Shee..." mahinang bulong ng lalaki sa kaliwang tenga ko. W-wait. Isa lang ang tumatawag sa akin ng ganun.

"Greg." pagkukumpirma ko.

Narinig ko ang mahina niyang tawa. Pilit ko sanang alisin ang sarili ko sa pwesto namin kaso mahigpit ang pagkakahawak niya sa bewang ko.

"Ganito muna tayo. Namiss kita." pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinalikan niya ako sa leeg. Biglang may kung anong kuryenteng dumaloy sa aking katawan sa ginawa niya.

"Ugh. Baka may makakita sa atin dito Greg. Baka kung anong isipin nila."

"At kailan ka pa nagkaroon ng pake sa iniisip ng iba tungkol sayo? hmm?" Tama siya dun. Hindi ko naman talaga pinapansin ang iniisip ng iba pero kasi nasa may madilim na parte kami ngayon. Excuse me? Dalagang pilipina ako noh!

"Ako. Ako may pake sa iniisip ng iba. Girlfriend ko yang kayakap mo gago!" Bigla akong nanigas sa narinig ko. Patay! Sinasabi ko na nga ba masusundan ako ni Lucas! Napapikit na lang ako sa nangyayari.

"Boyfriend ba kamo? Shee? Ipinagpalit mo na ako?" may pagtatampo at mapanuksong tanong ni Greg.

"Hoy! Bitawan mo nga ang asawa ko kung ayaw mong magkagulo dito!" bakas na bakas sa boses niya ang galit.

Humarap kami kay Lucas na ngayon ay parang papatay ng tao. Hindi pa rin ako binibitawan ni Greg kaya nakaharap ako sa kanya na yakap ni Greg.

"Kanina girlfriend, ngayon asawa? Come on! Wag mo nga akong lokohin hahaha. I'm Greg Rodriguez, her first love. Ano? Papalag ka?!!!" hamon ni Greg sa likod ko.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Hoooo mahaba-habang paliwanagan ito!





---
AN: Aryt. From this chapter onwards ay may mga bagong characters na makikilala and mas maraming scenes for sheen's powers. (parang na tongue twister ako dun ah!) Ganun talaga eh. Mahaba ang hair ni Sheena. Wala po akong magagawa dun.

WITCH: IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon