* * *
LUCAS
"Alam mo, if looks could kill malamang matagal nang patay ang kawawang Greg na yan."
Nabaling ang tingin ko sa babaeng kaharap ko ngayon. Pinsan ko siya sa side ng Mommy ko at kakalipat lang galing ng Canada. Nakiusap din si Auntie na pakisamahan ko ang anak niya kaso hindi ko ata kaya. Sobrang pakialamera at napaka kulit ng babaeng to.
"Tss. Ewan ko sayo." Ayokong tignan ang dalawa. Halatang masaya ang gago habang naka akbay pa ito sa babaeng mahal ko.
Kung minamalas ka nga naman ay pareho pala sila ng kurso ni Sheena. Kung pwede lang sana mag-shift na rin ako ay matagal ko nang ginawa. Kaasar! Bakit naman kasi nag transfer pa ang hudas na yan dito?
"Hello?!!!! Earth to Lucas!?"
agad ko naman binaling ang tingin ko dito kay Kyla."What do you want brat?!" Kahit gusto kong sumigaw sa inis ay hindi pwede. Natural kasi nasa library po kami ngayon.
"Well, I just had this plan in mind na alam kong magugustuhan mo." sinabi niya iyon sabay ngiting aso.
"What is it? At bakit mo naman nasabi na magugustuhan ko?" tanong ko rin sa kanya.
"Well, you should like this kasi tutulungan kita makuha ang babae mo at hindi na kita sisingilin sa utang mo."
"Tsk. At kailan pa ako nagkautang sayo?"
"Magkakautang ka pa lang dahil sa gagawin ko. Best actress kaya ako sa dating school ko."
"Siguraduhin mong hindi yan palpak dahil kapag nagkataon ay malilintikan ka sa akin."
"Whatever! Here it goes...Tapos... and then ganito...."
Napaisip din ako sa sinabi niya.
"Well? What do you think?"
"I'll consider it. But what can you get from this? Huwag mong sabihin na wala ka lang magawa sa buhay dahil hindi ako maniniwala."
"Alam mo, ang praning mo talaga. Sabihin nalang nating may atraso si Greg sa akin."
"Ikaw bahala. So, when do we start?"
"Hmmm... right now."
* * *
Pagkatapos kong mai-tour si Greg sa ilang buildings dito sa campus ay nagpasya akong magpaalam muna dahil mayroon akong kailangan sa library kaso nagpumilit naman ang huli na sumama.
Masyado nang huli para magtransfer pero ginawa pa rin iyon ni Greg kasi daw gusto niyang makabawi sa ilang taon naming pagkakahiwalay.
Suportado naman din siya ni Tito June na ngayon ay balik trabaho na din at iniisip pang magtayo ng shop dito sa syudad. Alam ko ring papatok iyon kasi dekalidad naman talaga ang mga gawang sapatos ni Tito.
Naalala ko pa ang last day namin sa Isabela..
Flashback
Mula nung umalis si Lucas ay para akong nalungkot. Gusto ko sanang habulin siya kaso ay na-realize kong may tamang lugar at panahon para doon. Sa ngayon ay dapat akong maging masaya kasi natulungan ko si Greg at Tito June kahit sa maliit na bagay lang.
Tinawag na kami ni Tito June para mananghalian at ilang sandali pa ay narinig naming may nag doorbell. Dumating na pala ang buong pamilya ni Ate Martha.
Napaiyak siya nang makita niyang himalang gumaling si Tito June. Niyakap naman si Tito ng mga bata at magpapakarga sana kaso sinaway naman ng kanilang mommy. Naging masaya ang salu-salo namin.

BINABASA MO ANG
WITCH: IN LOVE
FantasyIt's the new generation, alright. Pero kahit gaano pa ka moderno ang panahon, nabubuhay pa rin kami. So far, okay pa naman yung pagtira ko sa Manila kaso may nangyaring hindi ko inaasahan.. Urgh! Nakakainis! First kiss ko yon eh! Okay na sana kung h...