* * *
Greg
"Stop now. I think you've had enough." awat sa akin ni Kyla. Hindi ko na matandaan kung ilang oras na kaming nandito sa bar at pakiramdam ko nga umiikot na ang mundo ngayon. Just great.
"Alright. Let's goooo!" sabi ko sa kanya at kaagad siyang inakbayan.
"Ano ba! Huwag ka nga masyadong pabigat diyan. I'll call for help dahil di kita kayang buhatin mag isa. Gosh!" maarteng sagot ng babae.
Siguro nagtataka kayo kung bakit kilala ko si Kyla. We met at Canada noong malubha pa ang kalagayan ni Dad. We dated for months but then it didn't work kasi hindi ko pa rin makalimutan si Shee and I thought it would be unfair for her. Pero kahit naman hindi kami nagtagal ay may ipinakilala ko pa rin siya kay Dad that time at binibisita pa nga niya minsan.
Gulung-gulo ang isip ko kanina dala na rin ng pagkabigo at lungkot kaya pinatulan ko ang trip niya kaso sa kalagitnaan ng inuman namin ay bigla niya akong sinapak. The F!!???
Flashback
"Bakit mo ko sinapak? Kita mong masakit tong puso ko, pati katawan ko sasaktan mo rin?"
"Wow naman. Kailan ka pa naging ganyan ka OA? Akala mo nakalimutan ko na atraso mo sakin?"
"B-bakit? Meron ba?"
Pagkatapos kong sabihin yon ay pinaghahampas niya naman ako ng wallet niya. Hirap pala kung nagtagal kami ng babaeng to pag nagkataon. Siguro bugbog sarado ako palagi.
"Ano ba! Masakit na braso ko oh!" pagrereklamo ko sa kanya.
"Eh bakit kasi hindi mo sinabing uuwi kayo?!"
"Bakit? Miss mo ko?" sabi ko sa nag-aasar na ngiti.
"Tss. As if. Concern lang naman ako kay Tito June noh."
"Nagdedeny ka pa talaga. Siguro sinundan mo ako dito kasi hindi mo na kinaya ang lungkot dun sa Canada at miss na miss mo na ako."
"Hoy ang kapal mo! Hindi ikaw ipinunta ko dito. Wag kang masyadong assuming!"
Kinalaunan ay nag explain na rin ako sa kanya at humingi ng tawad dahil sa biglaan ang naging desisyon kong umuwi kami. Ang tanging nasa isip ko lang noon ay masagip ang buhay ni Dad as soon as possible.
Humingi ako ng paumanhin pero inulan lang ako ng hampas sa balikat ng mabigat niyang kamay.
"Kuya, pakitulungan naman akong buhatin tong kasa-" Napansin kong biglang tumigil si Kyla sa pagsigaw. Napakalakas ng music dito kaya kinailangan pa niyang sumigaw para marinig ng mga bouncer na hindi naman kalayuan sa aming pwesto.
Napalingon naman ako sa kanya dahil parang biglang na-estatwa ang babaeng nasa harap ko.
"V-vincent..." rinig kong sabi ni Kyla.
* * *
Kyla
"Kuya, pakitulungan naman po akong buhatin tong kasama ko." Hindi ako pwedeng magkamali! Si Vincent yun! What the hell is he doing here?!! Hindi ko naman magawang habulin ang lalaking yun kasi ayoko namang iwan mag-isa ang lasing na kasama ko.
Nang makapasok na kami sa kotse ni Greg ay pinasalamatan ko ang mga lalaking tumulong sa akin. Nasa driver's seat ako at pansin kong tulog na ang kasama ko. What a jerk! Ginawa pa talaga akong driver. Bukas na bukas din ay makakatikim ng suntok ang lalaking to sakin.
Nang marating namin ang condo na tinutuluyan ni Greg ay nagpatulong ulit ako sa ilang staff na buhatin siya. Hinalughog ko pa nga ang mga gamit niya para malaman kung saan siya tumutuloy. Tsk. Ang dami nang atraso sakin ng lalaking to.
Nang maihiga na namin si Greg sa kama niya ay kaagad ring nagpaalam ang staff. Ako na rin ang naghubad ng sapatos niya. Bahala na kung maasar siya sa akin bukas basta ayokong bihisan siya. Wala din naman akong pakialam kung basa ng pawis ang t-shirt niya. Naiinis ako dahil hindi ko nakaharap si Vince kahit nandun na yung chance na matagal ko nang hinihintay.
Nang masigurado kong okay na si Greg ay umalis din ako sa condo niya. Bigla na naman bumalik sa isipan ko ang lalaking gumulo sa isip ko sa loob ng mahabang panahon.
Even before I met Greg ay nahulog na ang loob ko kay Vincent. It was a whirlwind lovestory for me. We became friends and later on lovers. We kissed under the moon, strolled in the city and did everything couples do. At first I thought I was attracted to him but then I realized na sobra pa ang nararamdaman ko hanggang sa dumating ang point na naibigay ko ang sarili ko sa kanya.
I confessed my feelings to him kaso nalaman kong one-sided lang pala ang lahat. Hindi pa siya handang mag committ sa isang relationship because he's still hung up with his past.
I was mad back then. Inaway ko siya and told him to leave pero ilang araw ay napag isip-isip kong kaya ko siyang hintayin kahit matagal basta matutunan lang niya akong mahalin kaso umalis na pala siya ng Canada. I didn't know where to find him hanggang sa naubusan na rin ako ng pag-asa.
I was so miserable back then at yung time na yun din kami nagkakilala ni Greg. Siguro dahil pareho kaming Pinoy kaya madali kaming nagkapalagayan ng loob. We even agreed to be in a relationship but if it doesn't work ay maghihiwalay rin kami, which actually happened eventually at the end.
I can't bring myself to lie. Nang makita ko si Vincent kanina ay tsaka ko pa lang na-realize na hindi pa pala ako naka move on sa kanya. Ang gwapo niya kasi, mabait, mayaman at napaka caring na lalaki. Kumbaga, nasa total package na siya at boyfriend material. Kahit na Pitong taon ang agwat ng mga edad namin ay hindi iyon hadlang para mahalin ko siya.
Saan ko na naman kaya siya makikita ulit? Basta desidido ulit akong makausap siya. I'll win his heart kahit pa may masagasaan akong iba. Minsan na nga lang ako magmahal, ang dami pang hadlang.
Vincent.. Maghintay ka lang. Mapapasaakin ka ulit.
With that thought in mind ay sumakay na ako pauwi. Iisipin ko pa sa condo ko kung paano ko siya mapapaibig. Go Kyla! Fighting!
BINABASA MO ANG
WITCH: IN LOVE
FantasiIt's the new generation, alright. Pero kahit gaano pa ka moderno ang panahon, nabubuhay pa rin kami. So far, okay pa naman yung pagtira ko sa Manila kaso may nangyaring hindi ko inaasahan.. Urgh! Nakakainis! First kiss ko yon eh! Okay na sana kung h...
