Chapter 20: Failed

58 3 0
                                        

* * *

GREG

Masama ang kutob ko sa babaeng yon at sa lalaking kaharap ko ngayon.

Nang umalis sina Shee ay kaagad naman lumipat ng upuan itong si Lucas kaya kami magkaharap ngayon.

"Ano? Masaya ka na?"

"Oo. Masayang masaya kami."

"Talagang ang yabang mo rin ano? Sinulot mo kaagad ang girlfriend ko." Wow. Sinulot? Hahaha in the first place eh wala naman talaga silang relasyon.

"Wala akong magagawa kung bakit hindi ka niya pinigilang umalis nung nakita mo kami. Baka nga kasi mas importante ako kesa sayo."

"I won't give up on her. Kukunin ko siya. Akin siya. Hinding-hindi ko hahayaan na mapunta siya sa isang kagaya mo."

"Well, good luck to you pre."

Kaagad naman siyang umalis pagkatapos ang mainit na komprontasyon namin.

Tsk. As if namang papayag akong mawala si Shee sa akin. Nandito na ako ngayon sa tabi niya at wala na akong balak pang magpanggap. Buo na ang desisyon kong magtapat sa kanya.

May the best man wins.

* * *

LUCAS

Mas lalong uminit ang ulo ko dahil sa pananalita ng hambog na yun! Hinanap ko sina Kyla at agad ko naman itong nakitang nakatayo sa may ilalim ng puno ng mangga.

Hindi ko maintindihan ang reaksyon sa kanyang mukha at bagkus ay nakatingin lamang ito sa isang direksyon.

Ibinaling ko rin doon ang aking paningin at noon ko lamang napansin ang isang itim na kotse. Kay Sheena yon! Tumakbo ako sa kinaroroonan ng kasabwat kong pinsan para tanungin siya.

"Kyla."

"She just left after I talked to her." tipid niyang sagot.

"Ano bang sinabi mo? Huwag mong sabihin na..." Oh hell.

"Well..."

"Ugh! I shouldn't have trusted this plan. Look what happened! Baka imbes na magkaayos kami eh mas lalo lang gumulo." Napahilamos na lang ako sa mukh gamit ang isang kamay ko dahil sa frustration.

"It's not my fault na hindi ka niya kayang ipaglaban. Bakit ba hindi na lang iba ang i-syota mo?" nahihimigan ko rin ang irita sa boses niya ngayon.

"What?!!! Ano ba talagang sinabi mo? Diba ang usapan natin ay sasabihin mo lang sa kanya na-" She should've stayed according to the plan.

"I'm sorry okay?! Nadala ako. I was a bit irritated nang makita kong wala siyang pakialam sayo."

"I don't care. Mahal ko siya at sapat na sa akin yon sa ngayon. Hindi mo na sana pinalala pa ang sitwasyon!" Things are getting worse and I can feel it.

"Fine. I'll make it work next time. You don't need to raise your voice."

"I'm sorry, Ky. Things were already hard for me simula nung dumating sa eksena ang Greg na yun." Nakonsensya din kaagad ako nang sabihin niya iyon. Hindi ko namalayang napagtaasan ko na pala siya ng boses. Iba talaga ang nagagawa ko kapag galit ako.

"Talaga palang ang kapal ng mukha ng lalaking yon. One of these days igaganti kita, promise."

"Paano kung mahuli na ako? Sa tingin ko ay iba kung kumilos yung gago. Patalikod kung umatake."

"Don't worry dear cousin. I'll make sure na magkakamabutihan kayo. And if that happens, bibilhan mo ako ng ticket sa Coldplay concert."

"Akala ko ba free yung TF mo?"

WITCH: IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon