* * *
LaraHanggang ngayon ay walang umiimik sa aming dalawa. Kasalukuyan kaming nasa park ngayon at nakaupo sa isang bench na malayo sa isa't isa. Mukhang wala ni isa sa amin ang may balak na magsalita. Hindi ko alam pero sa tuwing naiisip kong magkasama sila ni Sheena ay hindi ko maiwasang masaktan. Kumikirot ang puso ko kaya tuloy naiiyak ako.
"Uhm- I know this sounds selfish and a bit rude pero sabi kasi sa akin ni Shee na-"
"So you talked to me because of what ate Sheena said? Am I right kuya?"
I heard him hissed. As far as I can see, parang tinamaan siya sa sinabi ko. Hindi nga siguro ako nagkamali sa iniisip kong hanggang ngayon may pagtingin pa rin siya sa babaeng yon. Just how lucky can she be? Dalawang lalaki ang nagmamahal sa kanya.
"Pwede ba Lara makinig ka muna sa akin? And please- please, huwag mo akong kinu-kuya. I know I told you noong una tayong magkita na pwede mo akong tawaging ganon but I changed my mind. I can't let my woman call me such. I prefer Babe. It would be fine."
Tila yata nagdedeliryo ang taong ito. Maybe he even see me as her substitute.
"Enough of your jokes! I'm done here." akmang tatayo na ako nang bigla siyang tumayo at pumunta sa aking harapan na parang hinaharangan ako.
"You don't want to do that Lara or hahalikan kita. I've never been in an argument with a stubborn woman except you." So? Anong ibig sabihin niya don? Na mas lamang si Sheena pati sa ugali? This conversation is making me roll my eyes.
"Yes, kaya ate Sheena IS your ideal type hindi ba?"
"Where did that came from? That's not what I mean, Lars"
"Well sorry but for me it is. Alam ko na kung ano ang gusto mong mangyari. You're going to court me dahil siguro hindi ka maka-cope up sa pagiging heart broken mo and what's worse is you're using me to fulfill your fantasies with her" That's it. Sumabog na ako. Pilit ko mang pigilan ang sarili ko ay nasabi ko pa rin ang feelings ko.
Pagkatapos ng mahaba-haba kong sinabi ay bigla na lamang bumunghalit ng tawa ang lalaking nasa harapan ko. So he is finding this issue funny? Just the thought of it makes my heart ache more than it already is.
Unti-unti ko namang nararamdaman ang paghapdi ng mga sulok ng aking mga mata. Nagbabadya nang tumulo ang aking mga luha nang biglang lumapit ang kanyang mukha sa akin.
"Hush now, love. Ayokong nakikita kang umiiyak nang dahil sa akin. I don't know how you came to know na nagkagusto ako noon kay Shee but it's all in the past. I realized na naka move on na ako sa kanya since the day I held your hand." Bumalik si Greg sa pagkakaupo at hinawakan ang aking mga kamay. Napansin ko namang malamig ang kanya. Kinakabahan kaya siya?
"Maybe I was just denying the fact to myself na wala na akong nararamdaman kasi inakala kong siya na talaga eh. But you came.. you stubborn woman." then he kissed my hand. I think pununta ata ang lahat ng dugo sa mukha ko. Please just don't tell me-
"You're blushing." Okay. Lupa, lamunin mo na ako, please!
Pilit kong itinatago ang mukha ko kaya napayuko na lamang ako.
"Oh, you're so damn hot when you blush like that!" Napatingala naman ako sa sinabi niya ngunit kaagad rin yumuko pabalik. Ngayon ko lang nalaman na this man can be too vulgar with his words. Compliment ba yun?
Hindi nagtagal ay may matitipunong bisig na yumakap sa akin.
"Chansing." sabi ko at saka tumikhim.
"Hayaan mo na. Bati na tayo alright? Don't compare yourself with Shee anymore. Ikaw lang at wala nang iba. Okay?"
Well, how should I answer that? He's too forward for god's sake! Niyakap niya naman ako ng mas mahigpit. It's like letting me know na ako lang. I don't know but this warmth is making me feel secured. I may look shameless right now dahil madali niya akong nasuyo but hindi ko mapigilang ngumiti. I slowly hugged him back ang mas siniksik pa ang sarili ko.
* * *
Lucas
It's been three fucking days without her and her kisses. I miss her already kaso pinagsabihan ako nina Drew at Marco na huwag munang magpakita. Ever since kasi nakilala ko yung dalawang ugok ay sila na ang nakakasama ko maliban sa aking mahal. I've been dying to see her at wala nang makakapigil sa akin ngayon!
Napagdesisyunan kong puntahan siya sa condo niya. Total naman ay kung sasabihan ko siya na pupunta ako ay baka magtago lang siya. I don't know baka may umagaw na sa kanya habang nagpapalamig siya.
Tinapos ko na ang tsaa na kanina ko pa iniinom. I can say na masarap ito kaya naka dalawang tasa kaagad ako.
Ilang minuto lang ay narating ko na ang unit niya. At dahil mayroon akong pass ay kaagad ko itong nabuksan.
"Hon? Are you there? Please let's talk. I miss you already, I promise hindi ko na yun uulitin." Bigla naman akong kinabahan nang makarinig ako ng mahinang paghikbi. Is she still crying? Christ! What have I done?
Nang lumiko ako sa kusina ay doon ko siya nakita. Hawak-hawak niya ang kanyang hintuturo at nang tignan ko ito ng maigi ay doon ko napansin ang pagtulo ng kanyang dugo. Nataranta naman ako dahil sa aking nakita.
"A-anong nangyari? Please stop crying, hon. Dapat kasi nag-iingat ka eh." Kinuha ko ang kamay niya at itinapat sa faucet saka hinugasan ang kanyang daliri. Ilang sandali lang ay medyo kumalma si hon. Pagkatapos mahugasan ang kanyang kamay ay sunod ko namang ginawa ay paglagay ng first aid treatment dito.
Napansin kong tahimik lang si hon kaya ako na ang unang kumausap sa kanya. "What happened? You got me so worried."
"Naghihiwa ako ng bawang kanina kaso nagpakatanga yung kutsilyo eh."
Niyakap ko na lang siya dahil pansin kong maiiyak na naman siya. I don't know what to feel but somehow hindi ko siya kayang paniwalaan. Something is really off with her. I mean, siguro may mas malala pa siyang problema o baka naman naiisip niya lang ang sitwasyon namin.
"I'm sorry if ngayon lang ako ngpakita. I was trying to give you more time to think pero naisip kong baka makalimutan mo na ako kaya i'll end my suffering today. I won't do anything na ikakasama ng loob mo."
Napatango naman si hon sa sinabi ko at muling isinubsob ang mukha sa aking dibdib. Damn! I really miss this woman!
"So my question now is, can I kiss you?" diretsong sabi ko.
Nakita kong bahagya siyang nagdalawang isip pero sa huli ay sinagot niya ako.
"Yes."
Okay people close your eyes. Hindi pwede to sa bata hahaha

BINABASA MO ANG
WITCH: IN LOVE
FantasyIt's the new generation, alright. Pero kahit gaano pa ka moderno ang panahon, nabubuhay pa rin kami. So far, okay pa naman yung pagtira ko sa Manila kaso may nangyaring hindi ko inaasahan.. Urgh! Nakakainis! First kiss ko yon eh! Okay na sana kung h...