Chapter 25: Danger

48 2 4
                                    

* * *

Ikatlong araw na ngayon ng University Day namin at masasabi kong mas masaya ang celebration this year kumpara sa nakaraang mga taon. Maraming mga exhibits na may magagandang display at food stalls na puno ng iba't ibang klaseng pagkain. Dahil daw last day na ay napagpasyahan ng buong klase namin na hanggang tanghali na lang kami magbukas ng cafe para naman daw makapasyal pa kami at mag enjoy for the rest of the day. Nang ipaalam ko iyon kay Lucas ay sobra siyang natuwa. For the past two days ay nakabantay siya sa akin kahit pa nagtatrabaho lang ako. Akala ko trip niya lang tumambay nung first day pero kahapon nagtanong na ako. I mean, may part naman siguro siya sa horror house nila diba. Naaalala ko pa yung sinabi niya kahapon.

"Hon, pwede ba sa kitchen ka na lang ulit ngayon?" sabi niya

"Bakit naman? Nakatoka ako ngayon para mag waitress eh."

"Kasi yung suot mo napakasexy, ayokong may ibang lalakeng tumitingin sayo."

"Hindi naman to masyadong sexy ah." giit ko naman. Naka black stockings naman ako kahit na yung blouse at skirt ay parang kinulang sa tela. Hapit na hapit din yun sa katawan ko kaya medyo nakakailang pero disente pa rin naman tignan.

"Ganito na lang. Let's have a deal. Papayag akong magsuot ka ng ganyan pero babantayan kita hanggang sa matapos ang shift mo. Okay?" pangungumbinsi niya. Tumango na lamang ako bilang sagot.

"Come on let's go to our place. Sure akong mag eenjoy ka dun. Naroon na rin ang barkada, tayo na lang ang hinihintay." napabalik ako sa kasalukuyan nang magsalita ang boyfriend ko.

Hindi ako nagkaroon ng time na makapunta sa part ng campus kung saan naroon ang kanilang building. Kahit pa sabihing medyo malapit ito sa aming department ay out of the way naman ito kapag uwian kaya hindi rin ako napapadpad masyado doon. Nang papalapit na kami sa gusali ay bigla akong nakaramdam ng kakaibang lamig. Balak ko sanang balewalain iyon kaso nang makita ko ang building ay doon ko nakumpirmang hindi normal ang nangyayari.

Inayusan ang buong building na parang haunted house talaga pero hindi pa rin ako malilinlang ng aking mga mata. Nakikita ko ang maitim na usok na nakapalibot sa buong lugar. Aatras na sana ako kaso naramdaman kong hinila ako ni Lucas papunta kina Max na ngayon ay kumakaway sa aming dalawa.

"T-teka hon. I can't do this." sabi ko na medyo kinakabahan na rin.

"Ano ka ba, huwag kang matakot. Kasama mo naman ako. Besides, kanina pa naghihintay sina Gina sa atin. I promise you we'll make it."

"H-hindi mo kasi naiintindihan-" magsasalita pa sana ako kaso nakita ko si Greg na may kasamang babae at papunta rin sa engineering building. Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang singsing na suot ng babae. Pamilyar sa akin iyon dahil iyon ay tanda ng pagiging isang Dreyfus. Sila yung pamilyang may matataas na kalibre ng kakayahan sa black magic. Seryosong bagay iyon na itinuro sa akin ni lola simula nung nagkaisip ako.

Balak ko sanang tawagin si Greg kaso naramdaman ko ang mahigpit na hawak sa aking braso. Lumingon ako sa aking katabi at doon ko din napansin ang mukha ni Luc na parang sasabog sa galit.

"Do you know who she is?-"
"Kaya ba ayaw mong pumasok kasama ko dahil mas gusto mo yung Greg na yun?" Tatanungin ko sana kung kilala niya ang babae kaso tinanong niya ako na ikinabigla ko din naman.

"N-no. Bakit mo naman nasabi yan?" As much as I want to cut this conversation ay hindi ako makaalis kasi nakahawak pa rin  si Luc sa akin.

"Don't lie to me now Sheena. Kitang kita ko kung paano mo siya tignan. It's telling me that you want to be with him."

"Pwede ba tigilan mo ako diyan sa mga paratang mo. Tara na nga at pumasok na tayo."

"NO! We will no longer go inside. Para saan pa? Para magkaroon ka ng excuse makipagkita kay Greg?!"

"I don't know what made you think that way. Kaibigan ko pa rin siya. Hindi ko sana sasabihin sayo to pero ang buong building ninyo ay nababalot ng isang masamang usok. Yung kasama ni Greg, alam kong siya ang may kagagawan nun. She's a witch. Kaya gusto ko sanang makalapit sa kanya para magbigay ng babala na mag ingat siya."

Kahit napakahaba ng paliwanag ko ay nanatili pa ring malamig ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Ano? Bakit hindi ka makapagsalita? don't tell me hindi mo ako pinaniniwalaan?"

Napaiwas na lang siya ng tingin at nagpakawala ng marahas na buntong hininga. Makikita pa rin ang iritasyon sa mukha niya.

"You can't blame me okay?! I'm jealous whenever he's near you. Tsss." yun lang ang sinabi niya at hinila na ako papunta sa haunted house.

"Bakit ang tagal ninyo? Kanina pa nauna sina Drew dahil hindi pa rin kayo dumarating."

Pareho naming ayaw magsalita ni Luc. Napansin ata nina Gina at Marco ang tensyon sa pagitan naming dalawa kaya nagsalita ulit si Marco.

"Una na kami dude ah. Baka kasi maihi tong si Gina sa takot eh hahaha" pabirong sabi niya tsaka nauna nang maglakad. Kakaunti lang ang mga tao dito sa first floor. Siguro yung iba eh nasa taas na. Puro sigawan at tilian lang ang maririnig sa buong building. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapakali sa lagay ni Greg.

Mayamaya ay naramdaman kong hinila ako ni Lucas at nagpatianod naman ako. Humigpit ang hawak ko sa kanyang kamay nang biglang may dumaan na puting nilalang sa harapan namin. Alam ko namang tao din ang nasa loob nun kaso nakakakaba pa rin.

"Shit." malutong na mura ng kasama ko. "Don't cuss." ahinang sabi ko naman. Napag usapan namin noon na babawasan niya ang kanyang pagmumura.

Bigla akong napapakapit sa kasama ko kapag may nakikita akong nakakatakot na bagay. Paminsan minsan din naman ay napapasigaw ako sa pagkabigla o kaya ay nakukurot si Lucas sa kanyang braso. Kailangan ko na talagang makita si Greg ngayon. Kahit na kinakabahan sa lagay ni Greg ay di ko pa rin maiwasan matakot sa mga nadaraanan namin.

Nasa 3rd floor kami nang makita ko sa wakas si Greg at may kayakap. Ang babaeng yun! Dahil nakahawak si Luc sa bewang ko ay hindi ko magawang umalis sa tabi niya. Naisipan kong itext na lamang ang kaibigan ko.

To Greg:

Get away from her. She's Dreyfus.

Nakita kong kinapa ni Greg ang kanyang bulsa at nang masiguro kong binasa niya ang text ko ay kaagad ko namang hinila pababa si Luc. Hinihingal ako nang marating namin ang ground floor pero itong kasama ko ay nakapoker face lang. Nagtext na rin ako sa buong barkada lumabas na kami sa haunted house at mamasyal na lamang sa iba.

Nakita kong inis pa rin siya. Siguro ay nakita niya ang pagtext ko kay Greg habang nasa tabi niya ako kaya gumawa ako ng isang bagay na kailan man ay hindi ko inakalang gagawin ko.

Itinaas ko ang aking mga kamay at hinawakan ang kanyang kwelyo. Hinila ko iyon hanggang sa napayuko siya at nagtama ang aming mga labi. It was just a chaste kiss at pagkatapos ay naglakad ako palayo. Narinig kong tinatawag niya ang pangalan ko pero hindi na ako lumingon pabalik. Nakakahiya!

WITCH: IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon