* * *
I know I'm being unfair to him but I'm just being true to my feelings. I'm still mad and disappointed. I thought malinaw na sa kanya na ayoko ng mga bad jokes at pranks na ginagawa niya. Luc is Luc pero hindi niyo naman maiaalis sa akin ang pagiging maria clara ko.Pagkatapos kong tumakbo papalayo kina Greg at Lucas ay hindi na rin ako pumasok sa school noong hapong iyon. It's been three days actually mula nung huli naming pagkikita sa cafeteria.
Wala rin naman akong masyadong natatanggap na texts kaya ngayon, solo flight ang peg ko. Papunta ako ngayon sa office ni Dad dahil may naiwan kasi siyang files sa bahay at dahil kagagaling ko lang doon kanina ay nag boluntaryo na akong ihatid ito sa kanya. Even saturdays ay buhos pa rin sa trabaho si Dad pero kahit ganyan ang daily routine niya ay hindi pa rin naman sila pumapalya sa date ni Mom every Sunday. Noon, madalas kasama ako but as I entered my senior year, madalang na lang.
Mabuti na rin sigurong distraction ito sa issue namin ni Lucas. After all, family din naman ang huli kong matatakbuhan.
Napansin kong nagri-ring ang phone ko at nang makita kong si Mom ang tumatawag ay agad ko itong sinagot.
"Kitten, kanina ka pa raw tinatawagan ng Dad mo kaso hindi ka sumasagot."
"Sorry Mom. Hindi ko po namalayang tumawag siya. I'm on my way to his office na naman po."
"Are you okay? You know you can talk to me about anything. You sounded sad right now."
"You're being overly dramatic Mom. I'm okay besides-"
"Luc phoned me last night. He actually apologized to me and I don't even have the slightest idea why. Kitten, if you have a problem with him please i-settle niyo. You two should talk."
Hindi ako agad nakasagot sa sinabi niya. It's easier said than done.
"I'll hang up now. Please text your father, baka urgent ang file na pinapadala niya."
''mkay Mom. Bye"
Agad akong nagpakawala ng buntong hininga matapos ang tawag namin. I don't know what to feel about what Lucas did. But right now I know I just need time to think.
Mga sampung minuto lang ay narating ko na ang SDM building. My father worked as CEO of one of the most promising advertising company. Maraming lumalapit na mga investors at corporate groups sa kompanya dahil magagaling ang results na ipinapalabas namin. My brother is also a part of the board kaso madalas out of the country si Kuya Basty.
When I reached the receiving desk ay agad akong nagtext kay Dad na nakarating na ako. After a couple of minutes waiting ay hindi pa siya nagrereply kaya minabuti ko nang pumunta mismo sa kanyang office. Wala naman akong problema sa location kasi kabisado ko na rin ang lugar.
As soon as I reached the door ay may narinig akong tawanan. Maybe he's having a good time. Wala rin sana akong planong pumasok kaso hindi ko naman makita si Ate Dianne, secretary ni Dad.
Oh well, siguro okay lang namang pumasok. Hindi naman ata ganun ka importante ang meeting niya ngayon kasi tumatawa siya. Besides, ibibigay ko lang naman ang files na to.
Dahan -dahan kong pinihit ang pinto at pumasok. Nang isasara ko na iyon ay ganun na lamang ang pagkabigla ko nang marinig ko ang pamilyar na boses sa aking likuran.
"Baby Shee?" Oh damn! Mariin akong napapikit nang banggitin niya ang mga salitang iyon. Para akong natulos sa aking kinatatayuan.
"Wow! it's really you!" Narinig kong lumakad siya papalapit sa akin hanggang sa namalayan kong nakakulong ako ngayon sa matitipunong bisig ni Vincent.
Kaagad namang humiwalay si V sa akin pagkatapos kong marinig ang malakas na pagtikhim ni Dad. Oh thank God! para akong mauubusan ng hininga sa mabilis na pangyayari ngayon.
"D-dad eto na yung files na pinapadala mo. I-i'll have to go na. See you next time!" sabi ko nang balingan ko ng pansin si Dad. Hindi ako makatingin sa kanya dahil hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya. Dali-dali akong humalik sa pisngi ni Dad at mabilis na umalis sa opisinang yon.
"Why do we have to meet today? Why!??? Of all the days, why?!" mabilis akong naglalakad hanggang sa makapasok sa elevator. Kaso talagang tinamaan ata ako ng pagkamalas dahil nakita ko na naman siyang tumatakbo patungo rin dito sa elevator. Mabilis kong pinindot ground floor kaso umabot pa rin siya. Oh my god!
Napayuko ako dahil hindi ko kayang tignan siya kaso ang damuho ay nilagay ang kamay sa aking baba hanggang sa magpantay ang aming tingin. I can see longing and love in his eyes right now. Wait- no! Hindi! Mali lang iyong nakita ko.
Huli na nang maramdaman kong may malambot na nakatapat sa aking noo. Right. I shouldn't be surprised. Nakalimutan kong nakababatang kapatid pa rin pala ang turing niya sa akin.
"I missed you, baby."
Napatawa ako nang pagak sa mga binitiwan niyang salita.
"Well, sorry Kuya because I haven't. Not a single bit."
Nakita kong tumunog ang elevator, hudyat na nasa tamang floor na ako. Kumalas ako sa hawak niya at nagsimulang maglakad papalayo.
"Are you still mad at me?" sabi ng nakakainis na lalaking sumasabay sa paglalakad ko ngayon.
"Are you seriously asking me that?!" Napalakas ata ang boses ko dahil lahat ng tao sa paligid namin ay nakatingin sa aming dalawa. Great. You are the center of attention now, Sheena.
"Tss.. hindi ako galit sayo. Wala akong karapatang magalit sayo." mariin kong sabi at ipinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa parking area.
"Alam kong galit ka pa rin sa akin but if you'd give me time, magpapaliwanag ako."
"About what?"
"About what happened seven years ago. About us. Baby please just give me a chance."
"Hahahahaha are you kidding me? Why are you wasting your time explaining to me? And for the record, there's never been US, Mr Vincent Reynolds." Bumalik ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang kotse ko. Bubuksan ko na sana ito nang magsalita siya ulit.
"You're importnant to me Sheena. Mahal kita noon pa man kaso napakabata mo pa kaya inisip kong lumayo muna sayo dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masira ko ang buhay mo at ang tiwala ni Basty sa akin."
Nabigla ako sa sinabi niya. Mahal niya ako? Oh come on! Sinong niloloko niya? Alam kong we had this mutual understanding before pero pinaasa niya lang ako. He did horrible things na sumira sa puso ko. I belived in happy ever after. I used to have faith in our feelings kaso tinawanan lang ako ng walang pusong lalaking kaharap ko ngayon.
"Hindi ako naniniwala sayo. Ayoko ng gulo so please leave me alone."
Sumakay ako sa kotse at pinasibad ito ng mabilis. Kailangan kong ilabas ang sama ng loob na nararamdaman ko ngayon. Kung kanina ay unti-unting humuhupa ang galit ko sa boyfriend ko, ngayon ay mas dumoble ang galit na nararamdaman ko.
I decided to have a drink at my condo. May kaunti pa namang tequila doon , I just have to text my friends at ayain silang uminom at magdala pa ng drinks. Yes, yes. That should be it. I promised to myself na hinding-hindi na ako magpapaloko sa lalaking yon. Hinding-hindi na ako maniniwala sa mga kasinungalingan niya. Iiwasan ko na siya at hindi ako iiyak nang dahil sa kanya.
Pero gumuho lang ang pader na itinayo ko sa loob ng mahabang panahon para maprotektahan ang sarili ko. Bakit? Bakit ngayon ang sakit pa rin? Bakit hindi ko pa rin kayang kalimutan ang lahat? Bakit..bakit umiiyak pa rin ako dahil sa kanya?..
~
A/N: I hope if it's not a bother to you, please read my other story 'Catching Yvonne'. It's still in the prologue though I already have a different storyline in mind. It's not a fantasy romance but please take time to read it. Thank you!
BINABASA MO ANG
WITCH: IN LOVE
FantasyIt's the new generation, alright. Pero kahit gaano pa ka moderno ang panahon, nabubuhay pa rin kami. So far, okay pa naman yung pagtira ko sa Manila kaso may nangyaring hindi ko inaasahan.. Urgh! Nakakainis! First kiss ko yon eh! Okay na sana kung h...