Chapter 44: Guilt

36 2 0
                                        

* * *
Lara

Ilang linggo na akong hindi umuuwi ng bahay pero naipagpaalam ko naman ito sa lola ko. Inamin ko sa kanyang may alitan kami ni Gre- ng lalaking yon at nagpasalamat naman ako na hindi na siya nagtanong pa. Hindi ko na sinabi kay grandma kung saan ako makikituloy.

"Oh? Gising ka na pala. I was so worried dahil bigla ka na lang nahimatay. Look at you! You look wasted!"

"Pasensya na."

"Ano ba talagang plano mo? Hindi pwedeng magmukmok ka lang dito at hayaan na lang na mawala si Greg sayo!"

"P-pero may iba siyang mahal! Ano namang laban ko kay ate Sheena?"

"So wala ka talagang gagawin? Eh ako nga yung taong mahal ko, may mahal ring iba at walang iba kundi si Sheena Morales din. Alam mo may sa malandi rin yung babaeng yun eh. Akala mo kung sinong malinis."

"Bakit mo naman nasabi yun eh boyfriend niya nga si Lucas."

"Pero ni minsan ba ay nakita mong sweet siya sa boyfriend niya? Pinapaasa niya lang ang kawawang pinsan ko at alam kong nag-eenjoy ang babaeng yun. Alam mo ba nung minsang nagpanggap akong girlfriend ni Lucas ay parang wala lang sa kanya ang sinabi ko at take note, ginamit rin niyang panakip butas si Greg noon."

"A-ano?"

"Totoo yun. At sa kasamaang palad, yung lalaking mahal ko ay may pagtingin sa babaeng yun. Parang baliw na aso kung makabuntot si Vincent ngayon kay Sheena! See? Wala tayong ibang dapat sisihin kundi ang malanding babaeng yon!"

"H-hindi ko alam na ganyang klaseng babae pala si Ate Sheena."

"Huwag ka kasing magpapadala sa nakikita mo. Matagal na talaga akong nanggigigil sa babaeng yon eh. What if we make her miserable this time?"

"N-no. Hindi ko kayang manakit ng ibang tao."

"Ugh! Pathetic girl."

Tila yata nainis si Kyla sa sinabi ko kaya umalis na siya sa kwartong tinutuluyan ko. She offered this room to me and yes, sa kanyang condo ako nakikituloy ngayon dahil alam kong walang makakaalam.

"By the way, your sister called. May roaming number na ginamit, she must be out of the country."

Out of the country? She must be with kuya Damon then.

Mabuti pa si Ate, mayroong lalaking nagmamahal sa kanya though hindi pa niya narerealize ang feelings niya for that man. I'm sure naman na hindi siya magsisisi sa kanya. Kuya Damon is a great guy at ngayon pa lang ay happy na ako para sa kanilang dalawa.

I admit na medyo nag iba ang tingin ko kay ate Sheena or maybe just Sheena, pagkatapos ng mga nalaman ko ngayon kay Kyla. Who would expect her to be a slut? Wala kami masyadong encounter ng babaeng yon at yung huli lang ay nung nag double date kami. Nung time na yun din nakita ko kung paano mag-alala si 'he who must not be named' para kay Sheena. I know sinabi na niyang kaibigan na lang ang turing niya para sa babae pero hindi ko maisawalang bahala ang nakita ko noon sa kanyang mga mata. He seemed hurt knowing na naging pabaya si Lucas. It's like telling me na hindi sana hahantong doon si Sheena kung naging sila.

Just remembering that incident makes my heart ache more than it is already.

Napagpasyahan kong maligo at pumunta ng mall. I need to distract myself from the pain so bad that I want to stress eat. Hindi naman ako gaanong conscious sa pangangatawan ko and I really don't care if ayaw na akong kunin ni Kyla bilang model. After all, I am not really into posing and walking with weird clothes.

After I finished bathing, I took some gray shirt, denim shorts and a pair of slippers to complete the look. I don't have the mood to dress up total naman ay bibili lang ako ng stocks ng pagkain namin. Nung naglayas ako ay hindi ko na dinala yung car ko dahil baka ma-track lang ako ng lalaking yon. So as soon as I got out of the building, I immediately called a taxi.

WITCH: IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon