Chapter 12: Harapan

77 3 0
                                        

* * *

Greg

"Bakit ako kakalma? This is a serious issue, Shee. Bakit ka pumapayag sa ginagawa niya? Wait. Don't tell me may gusto ka na sa kanya?" tanong ko kay Shee na ngayon ay halatang nabigla sa tanong ko.

Hindi ako naghintay ng matagal para lang agawin siya ng iba. Kung hindi lang ako nagkaproblema sa aming pamilya ay matagal ko na siyang sinundan dito para hindi kami magkahiwalay.

Lilinawin ko lang ang lahat. Hindi po ako bading. Taliwas iyon sa inakala ni Sheena na pinaniniwalaan parin niya hanggang ngayon.

Hindi ako mapalagay sa paghintay ng kanyang sagot. Parang biglang bumagal ang oras.. Nakakatakot at nakakakaba.

"Ako? May gusto sa kanya? Wala ah!" para akong nabunutan ng tinik sa sagot niya. Walang paglagyan ang saya ko at kulang na lang ay tumalon ako bahala na kung magmukha akong timang. Shit. Nakakabakla.

Ang ibig sabihin nito ay may pag asa pa ako. Sisiguraduhin kong aamin na ako sa pagkakataong ito. Pumalpak na ako noon at hindi ko hahayaang ganito pa rin ang tingin niya sa akin. Bading. Tangina lang.

Flashback

"Hindi. Hindi yon. Gusto kong aminin sayo na.." ramdam kong tagaktak na ang pawis sa noo ko sa sobrang kaba pero wala akong pakealam. It's now or never.

"Gusto mo nang magladlad at bading ka?" tanong niya sa akin ulit. Ngunit hindi ko inaasahan ang bigla niyang paglapit sa akin hanggang sa maramdaman ko ang malabot niyang panyo sa noo ko. Amoy na amoy ko ang bango niya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang lapit namin sa isa't isa at parang mawawala na ako sa sarili.

"Oo. Bading ako. HA??? A-anong." babawiin ko sana ang sinabi ko kaso nung nakita ko sa mukha niya ang concern sa akin. Ganito pa rin kaya ang trato niya sa akin kung aamin ako? O baka mas mabuti sigurong ganito muna kami. Kahit friendzoned, okay lang. Basta hindi muna siya lumayo.

"OMG!!?? Naku Greg bakit hindi mo naman sinabi agad!??" nabigla ako sa yakap niya. Napaka corny kung aaminin kong masarap sa feeling ang warmth ng moment na to. Epic fail ang confession na to pero sisiguraduhin kong masasabi ko rin sa kanya ang feelings ko. Kung bakit naman kasi nadala ako sa panyo niya!

"Mabuti naman kung ganon." mahinang bulong ko.

"May sinasabi ka?" tanong ni Sheena.

"Ahh wala. So kamusta ka naman? May nanliligaw ba sayo ngayon?" First step for me: kilalanin kung ilan ang kalaban.

"Wala nang nagpaparamdam sa akin ngayon." YES! More chances of winning!

"Ahh okay. So kamusta naman sina Tita?" papa-good shot ako sa pamilya eh.

"Okay naman sina mom. As usual busy sila. This coming christmas ay uuwi si kuya kaya kompleto na ulit kami. Teka, how's Tito June pala?" now that she mentioned my dad, may kailangan akong sabihin sa kanya.

"Shee, yun nga ang problema ko ngayon eh. Can I ask a favor fro-"

"Hon, nagwawala na si Gina doon sa sobrang kalasingan. Hinahanap ka." hindi ko namalayan na nakasingit ulit sa eksena ang Lucas na to.

"Ganun ba? Sorry Greg, next time na lang tayo mag usap ulit. Maybe, tomorrow? Sige mauna muna ako ah. Ako lang kasi nakakapag pakalma dun."

Gusto ko mang pigilan siya ay tumango na lang ako bilang tugon.

"Sige, kita na lang tayo bukas." sabi ko sa kanya.

Nakatanaw lang ako kay Sheena na papalayo. Aalis na rin sana ako nang harangin ako ni Lucas at hinawakan sa braso.

"Fuck off." madiin kong sabi sa kanya habang binubugbog siya sa isipan ko. Sino siya sa akala niya para ganituhin si Sheena?

"Tsk. Sabi ko na nga ba. Unang tingin ko pa lang sayo alam kong pinag-lalaruan mo lang si Sheena."

Napasipol ako dun. Gusto ata nito matikman ang suntok ko.

"Pinaglalaruan? Wow. Care to tell me why you sound so bitter? Bakit? Ako ba ang manggagamit dito?" bahagya akong lumapit  habang hindi tinatanggal ang masamang tingin sa kanya. Alam kong tumitindi na ang tensyon sa pagitan naming dalawa at wala akong planong atrasan siya sa labang to.

"I suggest na pag-isipan mo muna yang sinasabi mo. Hindi mo ako kilala." sabi niya na halatang nagpipigil sa inis.

"Same goes for me. Wag ka ring magmalinis dahil alam kong bina-blackmail mo siya gamit ang sekreto niya." Ang angas ng gagong to eh.

"Akala mo hindi ko malalaman? Tss. Pathetic." dugtong ko dahil hindi na siya nakasagot at sa huli ay linagpasan siya. Walang kwenta kung mag uusap pa kami dito. Sinadya kong banggain ang balikat niya para malaman niyang hindi ako basta na lang magpapatalo.

Ipaglalaban ko ang nararamdaman ko kay Sheena Morales.

* * *

Pagkarating na pagkarating ko sa cottage namin ay talagang wasted na si Gina. Si Max at ang dalawang guys ay pinipigilan si Gina sa pagwawala. Agad naman akong lumapit sa kanila at pinakiusapan ang boyfriend ng birthday girl na buhatin si Gina sa kwarto namin para na rin makapag pahinga sila.

"Salamat sa Marco. Ako na ang bahala sa kanya."

"Sige Sheen, balik muna kami dun. Liligpitin lang namin ang mga kalat." Sabi ni Drew at agad hinila si Marco. Naiwan naman dito sa loob si Max na napahiga na rin sa kama.

Isang queen-sized bed tong nasa kwarto namin at tsaka malaki naman kaya okay na sa aming tatlo. Kapag ganitong lasing si Gina ay ako ang nagpapalit ng damit niya. Ayaw kasi ni Max kasi masyadong malikot si Gina kaya matagal siyang natatapos hahaha

"Gahhd! Sabi ko naman kasi kay Gina na mag hinay hinay lang sa pag-inom. Alam niya namang mag i-snorkling at papasyal tayo sa caves bukas. Naku! Kung mag ha-hang over siya bukas talagang dadagdagan ko ang sakit niya sa ulo!"

"Sobrang harsh mo talaga girl. Keep calm and love Gina! hahaha"

"Pero maiba tayo Sheen, kayo ba ni Greg ay may past?"

"Ano ba yang pinagsasabi mo? Bakit mo naman natanong yan?" sabi ko na natatawa.

"Ang engot mo rin minsan. Sagutin mo nalang kasi yung tanong ko. Hindi yung tatanungin mo ako pabalik."

"Ano namang past ang meron kami ni Greg ng gusto mong malaman? We were close since highschool. Yun lang."

"Ganun ba? Ewan ko Sheena ah pero parang may iba sa kanya eh. The way he looks at you, talagang iba."

"I don't get your point. I'm telling you now that he's safe. Bakla yun at hindi naman kami talo."

"What? Are you kidding me?"

"Do I look like i'm joking? He confessed to me way back in highschool. Teka, dumudugo ata yung ilong ko. Wag ka nga mag-english! Napapa english din ako eh!"

"Fine hahaha pero I bet, hindi mo lang nahahalata pero may gusto sayo yung tao. Tsk tsk. Kawawang Lucas."

"Ewan ko sayo. Lasing ka lang ata eh!"

Natatawa kong sabi sa kanya habang hinuhubad yung sapatos ni Gina. Ilang sandali pa ay nakatulog na si Max.

Psh. Lasing nga ata.




* * *

What do you think of Greg? Bet ko si Kim Woo Bin sa character niya. Kayo po?

-IslaCara

WITCH: IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon