* * *
"What do you mean!!? Huwag kayong bumalik dito hangga't wala kayong matinong lead kung sino ang gumawa nito kay Dad, kung sino ang may galit sa kanya. Shit!" narinig kong sigaw ni Greg habang may kausap sa kanyang cellphone. Kalalabas ko lang ng kwarto at iyon agad ang nabungaran kong eksena sa kanilang sala.
Hindi ko alam kung ba't kailangan pa tong pagdaanan ni Tito. He's a good man. I'm sure of it. Mapagbigay siya at mabait sa lahat ng humihingi ng tulong sa kanya. Sino kaya ang pwedeng maging kaaway niya?
Naputol ang pag-iisip ko nang nagsalita ulit si Greg. "Oh? Kanina ka pa ba diyan? Ahm sorry kung nagising kita."
"Hindi, okay lang naman Greg. I know mahirap din itong sitwasyon kaya naiintindihan kita."
"By the way, gutom ka na ba? Nagluto ako ng breakfast natin."
Pumunta kami sa dining area ng bahay nila. Agad naman akong inasikaso ni Greg. Nag prisinta akong tumulong kaso ay tinanggihan niya ako.
"Ano ka ba Shee. Bisita pa rin kita kaya ako na dapat dito. Here..." abay abot sa akin ng isang baso ng gatas. Para atang bata ang tingin sa akin nito.
Sabay kaming kumain at kahit hindi man niya sabihin ay talagang ramdam ko ang lungkot ni Greg. Wala kaming dapat sayangin na oras kaya sinabi ko sa kanya ang plano ko.
"Tungkol nga pala kay Tito, alam mo mas mapapabilis ang paghahanap natin kung hahayaan mong alamin ko mismo gamit ang kakayahan ko."
"Nakakahiya man pero hindi ko itatanggi na tama ka Shee. Hindi ako papayag na basta na lang din mawala si Dad na hindi ko sinusubukan ang lahat."
Pagkatapos naming kumain ay agad kaming dumiretso sa kwarto ni Tito kung saan siya nakahiga ngayon. Hinawakan ko ang kanyang kamay at itinaas ang manggas ng kanyang suot. Nandoon pa rin talaga ang marka.
"Lux curantes spiritus, exaudi orationem meam. Ostende mihi faciem malum!"
Napapikit ako nang maramdaman kong biglang lumamig ang paligid. Nang imulat kong muli ang aking mga mata ay bumungad sa aking harapan ang isang matandang babaeng nakayuko at iyak nang iyak habang nakayakap sa isa pang babae na sa tingin ko ay anak niya.
"Magbabayad ang gumawa nito sayo Anita! Hinding-hindi ko mapapatawad ang lalaking sumira sa buhay mo!"
Parang isang kidlat at agad nag-iba ang paligid. Ang kaninang masukal na gubat ay naging isang kubo. Madilim at maraming mga garapon na may iba't ibang lamang mga ugat at kung anu-ano pa. Walang duda, siya nga ang mangkukulam.
May hinahalo siyang isang likido at pagkatapos ay inilagay sa isang munting garapon. Malapot ang likidong iyon at kulay asul.
Umupo siya sa sahig at doon ko lamang napansin ang pabilog na marka. Nasa loob siya ng ilang mga guhit at unti-unting pinapatakan ang sahig na may iba't ibang simbolo.
"Paano niya ito nagawa sa iyo? Sa inyo ng magiging anak mo?!! Pangako Anita, magdurusa siya. Unti-unti ko siyang papatayin hanggang sa magsisi siya sa ginawa niya sa inyo!"
Sa nanginginig na mga kamay ay patuloy pa rin niyang pinapatakan ang sahig. Sa amoy at hitsura pa lang ay nalaman ko na ang ginamit niya. Talagang puno ng galit at paghihiganti ang mga mata niya pero hindi ko maintindihan kung bakit?
"Ponam faciem meam in die videt mortem..Maledictus in mulierem et amo. Paulatim occidunt corpus. Impleat dies suos, et in tenebris.."
"Maledictus qui pectore fluctus!"
Iyon ang huli niyang sigaw bago dumako ang kanyang tingin sa akin. Kaagad akong napabitaw sa kamay ni Tito June. Kinabahan ako dun ah.
"Shee, are you okay?" rinig kong tanong ni Greg. Naramdaman ko na lang ang malambot na panyo niya na pinupunasan ang mukha ko.
"Punung-puno ka ng pawis. Halika, lumabas muna tayo dito." Inalalayan niya ako palabas ng kwarto ni tito. Para akong naubusan ng lakas sa ginawa ko. Hindi ko naman kasi palaging ginagamit ang kapangyarihan ko sa ganitong paraan.
Dinala niya ako sa kusina at binigyan ng isang baso ng tubig. "Salamat Greg. Uhm.. Alam ko na ang mga kakailanganin natin para gumawa ng panlunas."
"Talaga? Naku! Mabuti naman kung ganon. Teka, nalaman mo ba kung sino ang gumawa ng sumpa kay Dad?"
"Oo. Ina siya ni Anita."
"Anita? Parang narinig ko na ang pangalang yun."
"Base sa mga nalaman ko, parang may naging relasyon si Tito June at yung Anita. Hindi ko alam kung paano pero namatay yung babae at ang anak niya sa kanyang sinapupunan kaya ganoon na lamang ang galit ng kanyang ina."
"W-wait. Nagkaanak si Dad sa ibang babae? Ang pagkakaalam ko hindi naman nambababae si Dad noon."
"Hindi nga rin ako makapaniwala. Gusto kong tanungin si Tito tungkol dito. Sigurado akong may pagkakamali dito."
"Naaalala ko na! Si Anita ang unang naging kaibigan niya nung una silang lumipat dito ng pamilya nina Dad. Masaya si Dad habang kinu-kwento iyon sa akin. Palagi raw silang magkasama ngunit isang araw ay nagsimula na itong umiwas sa kanya."
"Bakit?" tanong ko kay Greg.
"Hindi ko alam."
"Nabuntis noon si Anita. Kahit gusto niyang lapitan noon si June ay hindi niya magawa dahil sa takot." singit ng isang katiwala na si Mang Nardo. Pumunta kami agad sa bayan upang ipagtanong kung sino ang nakakakilala kay Anita hanggang sa napadpad kami sa kubo ni Mang Nardo na hardinero din pala nina Greg.
"Bakit? Pananagutan naman siya ni Dad kung nagkataon. Hindi niya magagawang talikuran ang responsibilidad niya lalo pa at kaibigan naman niya ito."
"Hindi si June ang ama ng batang dinadala niya. Walang awa siyang ginahasa ng isang anak ng mayamang haciendero noon at pinagbawalan siyang magsalita sa nangyari sa kahit kanino."
"Papaano niyo po nalaman ang mga ito?" tanong ko sa matanda.
"May iniwang sulat si Anita para sa kanyang ina na si Selena kaso hindi ko na siya nahanap simula nang mamatay ang kanyang anak. Marami rin ang bulung-bulungan noon na nagpakamatay rin siya dahil sa sobrang lungkot na dinanas."
"Ano pong nangyari doon sa gumahasa sa kanya?"
"Sa hindi malamang dahilan ay hindi na ito nagising. Tirik ang kanyang mga mata at nangingitim ang balat nang makita ang kanyang katawan sa kanyang silid noon."
Naaalala ko ang sinabi ni Selena habang inuusal ang kanyang sumpa. Sa araw na magkrus ulit ang landas nila ni Tito June ay iyon ang hudyat ng kanyang paghihirap. Kailan niya nakita ito? Hindi kaya buhay pa si Selena?
* * *
LUCAS
"Apo, naku naman! Hindi ko mapapayagang mapunta sa iba si Sheena!"
"Tss.." nagpapakalunod ako ngayon sa alak habang nagkukulong sa kwarto. Shit lang!
"Ano ka ba naman! Kumilos ka nga! Mamaya pag balik nun isa na silang masayang pamilya t baka pagsisiha-" hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Nanay at dali-daling lumabas ng kwarto. Hindi pwede to! Babawiin kita gagong yon, Sheena! Akin ka lang!
A/N: Sorry sa late ud hehe
BINABASA MO ANG
WITCH: IN LOVE
FantasyIt's the new generation, alright. Pero kahit gaano pa ka moderno ang panahon, nabubuhay pa rin kami. So far, okay pa naman yung pagtira ko sa Manila kaso may nangyaring hindi ko inaasahan.. Urgh! Nakakainis! First kiss ko yon eh! Okay na sana kung h...