Chapter 27: Ulterior Motive?

58 3 3
                                    

* * *

Lara

"Oh ano? Nakita mo ba yung Sheena?"

"H-hindi ate."

"Bwesit. Sige na umalis ka na. Wala ka talagang silbi kahit kailan!"

Hindi ko naman kasi talaga nakita si Sheena. Alam kong mangkukulam rin siya kagaya namin na nandito sa campus nag-aaral. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit bigla siyang nagka-interes sa buhay ni Sheena Morales. I mean, kadalasan sa pinaglalaruan niya ay mga normal na tao na walang kaalam-alam sa mga bagay na kaya naming gawin.

Mga black witches kung tawagin, ganun kami. Kabilang ako sa pamilyang Dreyfus na may kakayahang maghipnotismo at paglaruan ang isipan ng kahit na sino. Maaari naming lasunin ang isip ng isang tao o kaya utusan siyang saktan ang isa pang tao.

Lara Margaret Dreyfus Cueva ang totoo kong pangalan. I'm not sure kung anong plano ni ate pero hindi ko rin naman kayang suwayin siya. I'm still not able to wield my full power. Hanggang simpleng chants lang ang kaya ko kaya ganun na lang ang disappointment ni lola sa akin. Nangako si ate na tutulungan niya ako pero kapalit nun ay susundin ko siya sa lahat ng mga ipapagawa niya.

Kaya heto ako ngayon sa campus at nag-iimbestiga kay Sheena Morales. Ang kaso nga lang ay napasabak ako bigla sa isang dare habang hinahanap ang babaeng yun. Pinapunta ako ng mga kaklase ko sa isang building na ginawang kulungan at tubusin ko raw si Greg Rodriguez. Hindi ko naman akalain na ganun pala siya ka gwapo. Hindi ko naman masabing type ko siya kaso sa totoo lang ay malakas ang appeal niya.

Hindi ko inaasahan na sa unang date kong kasama siya ay susubuan ko siya ng pagkain, makaka-holding hands at mayayakap pa! I- i mean hindi ko naman sinadya ang mga bagay na yun. At lalong hindi ko naman inexpect na hahawakan niya ako sa kamay kahit na nakaposas pa kami.

God knows kung gaano ko gustong lamunin ng lupa ng mga panahong yun. Nakakahiya!

Pero nung time na mahagip ng mga mata ko ang gagamba harapan ko ay hindi ko na mapigilang mapayakap sa kanya pero tinukso lang niya ako lalo. Kahit naman na-a-associate ng mga tao ang mga mangkukulam na kagaya ko sa mga creepy na bagay ay hindi pa rin sapat na basehan iyon para mang-stereotype ng kapwa noh.

Namalayan ko na lang na unti-unti siyang bumitaw sa pagkakayakap sa akin at hinawakan uli ako sa kamay. Hinila niya ako palabas ng building at bumalik doon sa mga taga IT para kunin yung susi.

Doon ko lang rin napansin na  tapos na pala ang isang oras namin. He immediately said goodbye at parang nagmamadaling maglakad. I wonder if mayroon pa siyang aasikasuhing trabaho? Maybe he's just busy.

* * *

Sheena

"Are you sure about that?" pang-apat na tanong na ata ito ni Greg sa akin mula pa kanina.

"I'm sure my girl told you the same thing over and over. Hindi ka ba talaga makaintindi or gumagawa ka lang ng paraan para matagal kayong magka-usap?" naiinis na sabi ni Lucas.

"Lucas..." pagsasaway ko sa kanya. This is a serious matter at nadadala pa rin siya ng pagseselos niya.

Marahas na buntong hininga ang pinakawalan niya pagkatapos ay bumaling sa akin at hinalikan ang gilid ng aking ulo at mahinang bumulong ng sorry.

Napaismid lang si Greg sa harapan namin. Kung bakit naman kasi sumama pa tong si Lucas eh. Today's Saturday at nag-aya si Luc na mag-date kami kaso pinakiusapan ko muna siyang dumaan kina Greg dahil kailangan ko siyang balaan tungkol sa posible naming kalaban. I have confidence with my power pero mas mabuti na rin yung mag-ingat si Greg. Kahapon ko pa sana siya gustong kausapin after ko siyang itext kaso pagkauwi ko ng condo ay hindi ako tinantanan ni Luc dahil may't maya ay tumatawag.

"Yes Greg. I'm certain na isa siyang Dreyfus. The ring proves it. Basta mag-ingat ka lang at tawagan mo kaagad ako kung may ginawa siya sayo."

"Ouch. Wasak naman agad ang ego ko hahaha Seriously? Ang engot mo rin minsan Shee. Para mo naman akong ginawang bata niyan."

"Oo nga hon. Malaki na si Greg at kaya naman niyang protektahan ang sarili niya." may halong pagtatampong sabi ng boyfriend ko.

"Yes, kapag normal na tao lang. But witches? I doubt."

"Okay fine. I'll call you if something happens." pinal na sabi ni Greg.

"Pero naguguluhan ako kung anong pakay ni Lara sayo." Napaka unusual rin kasi eh.

"Maybe because I got her attention. Charms, you know."

Napa-tsk naman agad itong katabi ko.

"Ikaw talaga, pwede ba mag seryoso ka minsan. Hindi ito biro lang." saway ko sa aking kaibigan.

"Right. Sorry."

"Hon, let's go na." pangungulit na naman ni Lucas

"So, paano? Mauna na kami." nahihiyang sabi ko. Nakakainis na nakakahiya itong ginagawa ni Luc eh.

"Mukhang dapat na ngang umalis kayo. Baka hindi ako makapagpigil bangasan ko yang boyfriend mo. Kanina pa yan sumisingit palagi sa moment natin."

"Anong sinabi mo!!!?" napatayo agad si Luc na halatang nagpipigil rin sa inis.

"Bingi pa naman din. Hahahaha" tuluyan ding tumawa si Greg na hawak hawak pa ang kanyang tiyan.

"Come on, hon. Greg, stop it." awat ko kaagad nang mapansin kong lalapitan ni Luc si Greg.

Hinila ko na si Lucas palabas ng bahay nina Greg. Si Tito June kasi ay pumunta doon sa site na pagtatayuan ng shop nila kaya siya lang ang naiwan sa bahay. Wala rin naman silang kasambahay kasi nag-insist na si Tito na siya na lang ang mag-asikaso ng mga gawaing bahay.

Hindi naman mahirap suyuin ang isang topaking Lucas. Hinalikan ko lang siya sa pisngi nang mapansin kong nakasimangot ang mukha niya habang nagda-drive. Kumain kami ulit doon sa restaurant ng Tito Fred niya at laking tuwa ko naman nang makapasok ako sa kitchen nila. Tinuruan niya ako ng ilang recipe pati na rin ang paboritong dish ni Lucas.

Pagkatapos namin doon ay dumiretso naman kami sa hospital kung saan nagtatrabaho si Mommy. Hindi ko nga rin alam kung bakit pinapapunta niya ako kasi pwede naman niya akong tawagan nalang. Habang nasa byahe ay pansin kong aligaga ang boyfriend ko.

"Hon, are you okay?" tanong ko.

"YES!" excited ba to? Full volume ang boses ah.

Napataas naman agad ang kilay ko. "Are you nervous?"

"NO! I mean yes ah- no! Hindi ako kinakabahan noh hahaha"

"Don't worry. It'll be fine. You'll be fine. I guess magagalit lang siya ng konti but I think you'll be okay."

"What!???"

"Pwede ba mag-ingat ka nga baka mabangga tayo diyan sa pagka praning mo and seriously? Siguro magtatampo lang yun but I know you can handle her." Bigla na lang kasing napalakas ang takbo ng kotse namin.

"Bakit naman kasi siya magtatampo? It's not like binuntis kita agad."

"Ugh! Kamanyakan mo talaga eh, noh? You know you're my first boyfriend right? at hindi ko man lang napagsabihan kaagad si Mom tungkol sa ating dalawa."

"Hoooo! I guess this will be tough because literally, she's a witch mom."

Hmmm... pati ako na-eexcite na rin. What will my mom do to him kaya?

WITCH: IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon