Chapter 40: Just like the old days

52 2 0
                                    

A/N: This chap reached 2k words! Yey! Cheers for me! Anyways, I'm currently writing another fantasy romance but in a subtler version so I'm planning to publish it in the teenfiction really soon!

* * *
"Grandma! Oh I miss you so much!"

"Sheena, iha.. Ang ganda ganda mo na. Mabuti naman at nakabalik ka dito."

"Ano ba kayo grandma, syempre naman po. In fact, matagal ko na sana gustong bumisita dito kaso naging busy naman po ako sa school. But I promise after I graduate, mas dadalasan ko na ang pagdalaw sa inyo."

"Sinabi mo yan ah. Halika na sa loob, mas malamig na ang hangin ngayon kasi malapit na rin mag december."

Tama si grandma. Idagdag mo pang maraming nakapalibot na puno dito sa bahay kaya mas presko ngunit sobrang lamig ng hangin.

"Hindi talaga ako makapaniwala at nandito na ulit ang paborito kong apo. Kwentuhan mo naman ako..."

"Ano naman po ang gusto niyong malaman?"

"I remembered the last time your mom called, may nasabi siya na you have a boyfriend. Is that true?"

I nodded my head in response. Nagtaka naman ako nang lumingon siya sa aking likod na tila may hinahanap.

"Where is he? Hindi ko ata siya nakitang kasama mo?"

"Ah, busy po raw kasi si Luc ngayon kaya hindi niya ako masasamahan."

Naalala ko pa ang sinabi niya kahapon nang ayain ko siyang sumama sa akin.

"Sorry Shee pero busy ako this weekend eh. May tatapusin akong project so.."

"No, it's okay hon. Alam kong kailangan mo rin magfocus sa studies mo. I can manage naman."

"Okay.. Nabanggit ng mommy mo na isinugod ka raw sa ospital kaya kaagad akong nag-alala at gumawa ng gamot. Alam mo ba kung sino ang may gawa nito sayo?"

"Hindi ko po alam, Grandma."

"Oh siya, magpahinga ka na lang muna dito at kukunin ko lang ang inihanda kong gamot para sayo."

Ipinainom ni grandma sa akin ang isang mapula-pulang juice. Hindi naman gaano kasama ang lasa niyon kaya kaagad ko itong naubos.

"Hindi ko alam kung eepekto ito sa iyo ngunit matutulungan ka ng gamot na ibalik ang iyong lakas."

"Salamat po, grandma-"

"Tao po! Lola Ganda, nandyan po ba kayo?"

"Oh? Mukhang nakabalik na ata siya galing palengke."

"Sino po? May bisita pa kayo bukod sakin?"

"Dumating si Vince kahapon para dalawin ang hacienda nila. Nabigla nga ako kahapon nang may kumatok sa pinto eh, yun pala bibisitahin ako. Teka nga at baka nangangawit na yun sa mga pinamili niya."

"Naku iho! Pasensya ka na at nautusan pa kita. Sinabi ko naman kasi sa iyo na kaya ko lumabas at mamalengke."

"Okay lang ho, lola. Alam niyo namang noon pa ay malakas kayo sakin eh."

"Ikaw talagang bata ka. Halika na sa loob. Naku! Pawis na pawis ka na. Teka, maupo ka lang dito sa sala at kukuha ako ng towel."

"Oh? Nandito ka rin pala, baby Shee. Okay na ba ang pakiramdam mo?"

"M-medyo okay na. Salamat pala sa pagsugod sa akin sa ospital."

"Anything for you, baby."

Hindi na ako makapagsalita pagkatapos ng sinabi niya. Kung makabanat naman kasi tong si Vincent eh wagas. Naalala ko pa noon habulin talaga ng babae silang dalawa ni kuya kaya noong nasa grade school pa lamang siya.

WITCH: IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon