Chapter 48: It's not Love if it doesn't hurt

56 2 0
                                    

* * *
"OMG! Naglilihi ka talaga Ky. I'm already getting excited for the baby na!" hindi ko napigilan ang sarili kaya ako napapalakpak sa tuwa at medyo napatalon rin ng konti hehe

Hindi ko inaasahan na may relasyon pala si Kuya at ang pinsan ni Lucas. Hindi rin naman kasi vocal si kuya with his relationships. Ang alam ko lang noon may naging crush ito pero hindi naman siya gumawa ng move para ligawan ang babae.

"You're really that happy, huh?" inig kong sabi niya na ngayon ay medyo pula pa rin ang mukha dahil marahil sa hiya.

"Of course! Who wouldn't be? May bagong baby na sa bahay. This house needs a lot of cheerfulness, masyado na kasing busy ang lahat sa trabaho kaya minsan na lang kung magkatipon-tipon ang lahat." paliwanag ko.

"How can you still act like nothing happened at ngayon naman nag-eenjoy ka sa ibang lalaki? Tell me, ganito ka ba ka-landi at hindi mo man lang nagawang makipagbreak muna sa pinsan ko? What a slut."

Kaagad akong napatahimik sa sinabi niya. Oo alam kong hindi kami masyadong close ng babaeng ito at huling pagkikita lang namin nung binigyan niya ako ng cheesecake at iba pang snacks pero ang sakit naman ata niya magsalita na parang may alam siya sa lahat?!

"You don't know what you're talking about at ayoko ring pag-usapan ang nangyari sakin." kahit gusto ko man siyang sagut-sagutin ay hindi pwede, buntis ang kausap ko kaya malamang hindi stable ang hormones nito kaya siguro walang preno kung magsalita.

"Really? Well, let me tell you one thing. Binalak namin ni Erika na sirain ang buhay mo. Bakit? Kasi kinamumuhian kita. I hate you to death at dumagdag pa yon dahil makikita pa kita araw-araw dahil nabuntis ako ng kapatid mo na bestfriend ng taong mahal ko, si Vincent. Funny right? Life really sucks at kahit anong gawin ko ay sinu-swerte ka pa rin."

"Swerte? You call me lucky when I almost got crazy because of what your cousin did to me?! Siguro talagang magkadugo nga kayo. Gustung-gusto ninyong manira ng buhay ng iba!" that's it! Tuluyan na talaga akong sumabog dahil sa kadaldalan ng babaeng to.

"Sheena! Anong nangyayari dito?" pasigaw na tanong ng kakarating lang na si Mom.

"I think I need to go back to my pad, Mom. I'll talk to you and Dad tomorrow." yun lang ang sinabi ko at kaagad na umalis. I can't take all of these things now. Parang biglang bumalik lahat ng masasakit na pinagdaanan ko. Ngayon nagkaroon na ako ng ideya kung sino ang may pakana ng panghihina ko noon. Hindi ko man alam kung anong kinalaman ni Lucas kay Erika pero hindi ko pa rin ito magawang patawarin kahit na ito pa ang dahilan kung bakit bumalik na ang dati kong lakas.

I went straight to my condo pero dahil wala naman akong maisip na gawing libangan ay naisipan kong tawagan ang mga kaibigan ko at inaya silang mag-bar.

"As we promised, no boys." bati agad ni Gina nang makarating ito sa condo.

"Good. Now let's go girls!" pinilit kong pasiglahin ang boses ko para hindi nila mahalata ang pagiging malungkot ko. I need to breathe a little at ngayon ko lang susubukan kung anong gagawin ng alak saking mga problema.

Nang makarating kami sa The Paradise ay kaagad akong nag-order ng tequila at ilang hard drinks pero siyempre may ladies' drinks din para sa dalawa. Hindi ko na namalayan kung ilang baso na ang naubos ko basta ininom ko lahat kahit na medyo sumasakit na ang lalamunan ko.

"Girl! Ano ba, you're drunk na. Come on, let's go home na kaya?" nag-aalalang tanong ni Gina.

"Ano ka ba, o-owkay lang si ako hahaha" sagot ko.

"Uy girl, kanina pa nagri-ring ang phone mo. Ako na lang ang sasagot." narinig ko pa itong bahagyang napapataas ang boses habang sinasagot ang kausap.

"Vincent is on his way here." umirap naman ako sa sinabi niya. I bet he's going to freak out at malamang ay pagsasabihan na naman ako.

WITCH: IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon