* * *
2 weeks after Greg's accident...
Saturday afternoon at nandito ako ngayon sa bahay. Nakatingin lang ako kay Mom na nagluluto nang tumunog ang doorbell. Ako ang nagprisintang bumukas niyon sa pag-aakalang si Kuya Basty na ang umuwi.
"Oh kuya! Ba't ang aga mo naman ata umu-"
"Hi." bungad ni Vince sa akin. I never expected him to be here in front of me. Simula nung araw na nagwala siya sa labas ng condo ko ay hindi ko na ulit nakita ang lalaking to. May alam kaya siya tungkol sa nangyari sakin?
"Oh Vince? Napadalaw ka ata?" singit ng kakarating din na si Mom.
"Wife, nandito rin ako." sabi ni Dad na nasa likuran lang pala ni Vince ngayon.
"Sorry naman hehe. Halina kayo, kakatapos ko lang magluto ng hapunan eh. Vince, dito ka na rin kumain." aya ni Mom sa dalawa at iginiya sa loob. Sinundan ko naman ang tatlo patungo sa dining area.
"Sige po, Tita. Miss ko na rin kasi ang luto niyo." nakaupo na sila Dad at Vince sa upuan kaya naisipan kong tulungan na lang si Mom sa paghahain.
"Kamusta naman ang trabaho, iho?" tanong ni Mommy na ngayon ay kakatapos lang din maghain ng sinigang na baka.
"Mabuti naman po. The investors are pouring in, thanks to Tito's help." kaagad na tugon ni Vince.
"Alam mo naiisip ko minsan na it must be great having another son like you kaso prinsesa ang naging kasunod ni Basty."
"Dad naman! Para atang nanghihinayang kayo na inilabas ako dito sa mundo." singit ko sa kanilang usapan.
"Joke lang yun anak, siyempre hindi kita ipagpapalit kahit kanino. But seriously, it would be better if magkaroon pa tayo ng isang tagapamahala. What do you say about getting wed with Vincent, iha?"
"P-po? A-ano ahm."
"Kaya ko pa naman pong hintayin ang anak niyo." sabat ni Vince which caught me offguard.
"Really? Then i'll gladly wait for your announcement alright? Wow! This is such a great day!" makikita ang excitement sa mukha ni Dad ngayon. Parang gustung-gusto niya ata talaga si Vince na maging anak.
Nagsimula nang kumain ang lahat which I'm really grateful of. Baka kung saan pa mapunta ang usapan namin. Hindi rin naman kasi ako manhid para hindi maramdaman ang pinapahiwatig ni Daddy sa amin ni Vince.
Nang matapos ang hapunan ay ako na ang nagkusang maghugas ng mga pinagkainan habang sina Mom at Dad naman ay nasa sala na ngayon ay nanonood ng tv.
Si Vince naman, well .. kasama ko siya ngayon dito sa kusina at nagbabanlaw ng mga pinggan. Kanina ko pa nga siya tinatanggihan dahil bisita siya ngayon kaso matigas talaga ang ulo at hindi nagpaawat.
"Baby.. sorry kung ngayon lang ako nagpakita sayo. God knows kung gaano kita namimiss sa bawat araw. Actually your brother told me na huwag munang lumapit sayo kasi sabi niya you need time for yourself. Are you feeling well now?" simula niya. Is he really trying to open a conversation now?
"To be honest, I'm not. Naaksidente yung kaibigan ko and I haven't moved on from what th-that guy did to me."
"Sorry kung hindi kita naipagtanggol sa kanya and thank you dahil pinuntahan mo ako. Akala ko hindi ka pupunta." So alam pala niya ang nangyari?
"Sino namang hindi pupunta sa condo niya kung may nagwawala sa labas diba?" sarkastikong sagot ko naman.
"But kidding aside, baby.." sandaling itinigil niya ang pagbabanlaw at humarap sa akin. "Please let me help you move on. I can be your knight you know.. honestly ngayon lang ako naging ganito ka-corny. What I'm trying to say is i'm desperate here. All I want is a chance to be with you. To prove to you that I'll love you always at hindi ako gagawa ng ikasasama ng loob mo." Kitang-kita ko sa mga mata niya ang sincerity. Too much sincerity na hindi ko kayang makipagtitigan ng matagal.
BINABASA MO ANG
WITCH: IN LOVE
FantasyIt's the new generation, alright. Pero kahit gaano pa ka moderno ang panahon, nabubuhay pa rin kami. So far, okay pa naman yung pagtira ko sa Manila kaso may nangyaring hindi ko inaasahan.. Urgh! Nakakainis! First kiss ko yon eh! Okay na sana kung h...
