* * *
Literal na tumigil lahat sa paligid namin. Hanggang sa..
clap! clap! clap!
"Wohooo! Bestfriend ko yan! Tapang mo dude!" narinig kong sigaw mula dun sa isang grupo na pinuntahan niya kanina. May isang lalaking nakatayo at pumapalakpak na parang nakapanood ng isang napakagandang palabas. Hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko. Hindi ko inaasahan ang nangyari. Sana nga lang panaginip na lang ang lahat ng to.
Nabalik lang ako sa wisyo nang bigla akong hinila ng dalawa kong kaibigan papalabas ng cafeteria.
"What the hell!!!?? Sheena, you better explain this!" galit na saad ni Max.
"Sorry gir-" Magpapaliwanag sana ako nang pinutol iyon ni Gina.
"Kailan pa ha? To think na huli na kami sa balita!!?" singhal ni Gina.
"Actually, ganito kasi yo-" explain ko ulit.
"Girl! May lovelife ka na!!! Kyaaaaah!!!" sabay na tili ng mga kaibigan ko. Take note, sabay pa sila niyan. Para ngang ni-rehearse eh. Ang ewan nitong dalawa. Akala ko galit kasi nilihim ko 'kuno' itong 'relationship' namin ni Lucas.
"Tamang- tama! Isama natin ang boyfriend mo sa Palawan! Sure akong magkakaroon kayo ng quality time doon." I never thought these women could be so demanding. Pataas-taas pa ng kilay si Gina pagkatapos niyang sabihin iyon. Hindi pa rin ako makaget over na bigla na lang silang naniwala na boyfriend ko talaga si Lucas.
"Ha? Ah eh.. Baka busy yung tao. Wag na siguro, ahm.. nakakahiya sa kanya" Sagot ko na lang. Hindi ko naman pwedeng sabihin na ayokong makasama ang taong yon. Lahat na ng tao dito ay 'in a relationship' ang tingin sa amin. Kahit na ayoko talaga ay wala akong magagawa. May hawak siyang alas sa akin.
"Ano ka ba? Girlfriend ka niya kaya sasama yon. Kung hindi ka sure eh mas mabuting ako na mismo ang mag-iinvite sa kanya."
"What? N-no! Ako na lang magsasabi sa kanya! hehehe" Kung ako ang magsasabi kay Lucas, may chance akong pilitin siya na wag sumama.
"Hmm.. Bakit kaya hindi na lang ako? It would be better kung personal ko siyang i-invite. Besides, I want to know him more."
"Oo nga naman Sheen. Ngayon natin patunayan kung true siya sayo."
"Um.. A-ano"
"Come on Sheen. Balik tayo sa cafeteria!"
"W-wait lang guys!"
Pagbalik namin sa cafeteria ay saktong nakasalubong naman namin si Lucas na mukhang papaalis na.
"Hon! I was about to look for you. Buti andito ka na. Sabay tayo umuwi mamaya ha."
Napatango na lamang ako bilang sagot.
"Hello Lucs! 2 weeks from now ay birthday ko na and we decided to have a trip to Palawan. You'll come with us right?"
"Sure thing, pupunta ako."
"Uhm.. we better head to our class. Sheen ha, marami ka pang hindi naku-kwento. I'll stop by your condo bukas with Max. Ciao!"
"Mag-usap nga tayo! How can you do this to me? This is purely blackmail!"
"Hindi ko naman talaga intensyon na gawain to sayo. Don't worry alam ko namang mahuhulog ka rin sa akin."
"Ang kapal rin naman ng mukha mo ano? Hinding-hindi ako magkakagusto sayo."
"Oops. Wag kang magsalita ng tapos hon. Baka gusto mo ulitin ko yung nangyari sa bar? Wala si nanay ngayon at wala akong pakialam kung may makakita man sa atin dito."
"Oh my gosh! This is getting crazy! Hindi ba malinaw ko nang sinabi sayo kanina na ayaw na kitang makita?!!"
"Yeah. But I can't give you up. Liligawan kita kung gusto mo. At kung yun lang ang paraan para wala nang ibang makalapit sayo. I was so close to punching that bastard's face."
"Why? Wala namang ginagawang masama si James sayo ah. Nagmamagandang loob lang yung tao."
"I don't care. I don't like him."
"Well I don't care too kung ayaw mo sa kanya. We're friends even before you came in the picture."
"Hon please don't make this too hard for me."
"What?!! Make your point clear and don't call me Hon!"
"I'm jealous okay! Nagseselos ako sa kanya. I know masyado akong straightforward sayo but i'll prove myself to you na sincere ako. I won't ask for a chance dahil gagawin ko talaga even if you don't like it."
"Mr. Villafuerte I think you better go to your class and stop your quarreling with your girlfriend here in the hallway. Kanina pa tapos ang break so if you don't mind, dadaan ako."
"Shit naman oh. Istorbo naman to-" narinig kong mahinang reklamo ni Lucas.
"A-aray! O-ouch! Oo na eto na, titigil na." Kinurot ko lang naman siya dahil hindi na talaga nahiya. Pati professor ba naman papatulan? Walang patutunguhan kung mananatili pa kami dito. Haayyy mas mabuti pa siguro pumasok na ako sa klase.
"H-hon! Teka lang! Wala ba akong goodbye kiss diyan? Huy! Sobrang tagal na nung last kiss natin!"
Ughh! Malas lang talaga ang dala ng lalaking yon sa buhay ko. Nakakahiya! Sobrang kapal ng mukha para takutin ako?!! Oo nga single ako pero mayroon namang ibang nanliligaw sa akin noh. Hindi ko nga lang sila pinapansin dahil wala akong time para sa ganyang bagay. Kilala ko na ang mga kagaya ni Lucas. I pose as a challenge to them, the playboys. Halata naman siguro sa mga kabarkada niya na ganoon sila kung magbiruan. At ano? Huhulihin nila ang loob mo pero sa huli paaasahin ka lang pala.
Yes, hugot na kung hugot! Basta kahit anong gawin ni Lucas ay hindi ako bibigay!
* * *
Kung nakakamatay lang ang mga titig ng bestfriends ko siguro patay na ako ngayon. Nandito kami sa condo ko ngayon at nakaharap kina Gina at Max. Okay lang sana kung kami lang tatlo kaso may umepal na tikbalang na nagngangalang Lucas.
Max continued to stare at me while eating the cookies I baked.
"What now? I already told you the truth!" Hindi pa rin ako pinansin ng dalawa kahit na tapos na yung kwento ko.
"So.. Lucas, totoo ba talaga ang feelings mo dito sa bestfriend namin? Alam mo naman siguro na first boyfriend ka niya diba?" tanong ni Max na may halong pagtataray. If I know, sa inner core ng babaeng to ay kanina pa kinikilig.
"Oo nga. At tsaka kahit gwapo ka at halatang may abs ay hindi namin ipapaubaya si Sheena sayo kung game lang to lahat. May mga kumakalat na tsismis sa campus na isa kang heartbreaker." dagdag naman ni Gina. Yung totoo? May time pa siyang magpantsya kay Lucas ah.
"Thank you Gina and Max for the wonderful questions. I believe you are only protecting your friend but rest assured, mahal ko si Sheena. You already witnessed yesterday how I got jealous because of this woman. Alam rin ni Sheena kung anong paghahabol ang ginagawa ko para lang mapansin niya ako. Kung pwede nga lang buntisin ko tong babaeng to para sure na walang kawala. I thank you."
"A-ANOOOOOO??!!!"
BINABASA MO ANG
WITCH: IN LOVE
FantasiIt's the new generation, alright. Pero kahit gaano pa ka moderno ang panahon, nabubuhay pa rin kami. So far, okay pa naman yung pagtira ko sa Manila kaso may nangyaring hindi ko inaasahan.. Urgh! Nakakainis! First kiss ko yon eh! Okay na sana kung h...
