Chapter 18: Caught

62 3 0
                                    

* * *
"So all this time, maling akala lang pala ang dahilan kung bakit nagkakaganito ngayon si Tito."

"You're right, Shee. Inakala ni Selena na si Dad ang gumahasa sa kanyang anak kaya si Dad ang nagdurusa ngayon."

Agad akong gumawa ng lunas at hinihintay na lang naming umepekto. Tinulungan ako ni Greg na mahanap ang mga sangkap na kakailanganin ko sa paggawa ng potion. Kasabay non ay ang chant na inuusal pagkatapos mapainom ang gamot.

"Shee, matulog ka na. Ako na ang bahala kay Dad. Alam kong masyado kang napagod ngayong araw kaya mas mabuting magpahinga ka na."

"Okay lang ako Greg. Gusto ko rin namang malaman kung tumatalab na ba ang gamot."

"Ano ka ba, huwag mo naman abusuhin ang katawan mo. Sige, matulog ka na kundi hahalikan talaga kita."

"A-ano???"

"Wala. Sige na, pumunta ka na dun sa kwarto mo. Gigisingin na lang kita kung mabuti na ang lagay ni Dad."

Hindi pa rin talaga nagbabago ang mga biro ni Greg sa akin. Noong nasa highschool pa kami ay inaasar din niya ako na maging magboyfriend na lang kami para wala nang mang away sa akin. Eh siya naman ang may dahilan kung bakit inaaway ako noon.

Halos lahat na ata ng mga babae ay masama ang tingin sa akin. Sikat na sikat kasi ang mokong dahil gwapo kaso ay hindi niya naman ito pinapansin. Kaya akala ng lahat ay may relasyon kami kasi palagi kaming magkasama. Kung alam lang nila...

* * *

Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw. Agad akong napabalikwas sa kama at agad inayos ang sarili. Kailangan kong puntahan ulit si Tito at tingnan ang kalagayan niya.

Nang mabuksan ko ang kwarto ay unti-unti rin akong napaluha. Nilapitan ko pa si Tito June at mas lalong napahikbi nang makita kong mas naging malala pa ang lagay niya. Hindi umipekto ang gamot na ginawa ko!

Teka, si Greg! Luminga-linga ako sa paligid pero hindi ko siya nakita. Lumabas akong kwarto at doon ko lang nakita si Greg na kalalabas lang din ng kwarto niya at parang nagmamadali habang pababa ng hagdan.

"T-teka Greg! Saan ka pupunta?"

"Maiwan ka lang dito Shee. Pupuntahan ko si Selena."

"Alam mo kung nasaan siya?"

"Oo. Hindi ko alam kung totoo pero napanaginipan ko siya kagabi at sinabi sa akin na magkita kami."

"Delikado iyang binabalak mo. Sasama ako."

"Shee, dito ka lang. Ako na ang bahala dito."

"No. Kaibigan kita at parang daddy ko na rin si tito. Baka kung ano ang gawin niya sa iyo kaya mabuti na ring kasama mo ako."

"Tss. Halika na nga. Para mo naman akong bine-baby niyan eh."

Naging mahaba ang biyahe pero kung titingnan ay nasa Isabela pa rin naman kami. Huminto kami sa isang masukal na gubat. Doon na lamang namin iniwan malapit sa highway ang kotse at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Mahigit isang oras din ang aming nilakad hanggang sa nakita na namin ang kubo na kahawig ng nakita ko.

"Dumating ka." narinig ko ang isang nakakatakot na boses sa aming likuran kaya agad akong napalingon.

"Oo. Kaya pagalingin mo na si Dad."

"Hindi madali iyang sinasabi mo. Alam mo namang mayroong kapalit ang lahat hindi ba?"

"Sabihin mo kung ano ang iyong gusto." matapang na saad ni Greg.

"Buhay mo."

"No Greg. Huwag mong gawin ito!"

WITCH: IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon