Chapter 2: At your service

119 2 0
                                    

* * *
"Sheena! Matagal pa ba yan? Gutom na gutom na ako!"

Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ng dalawang babaeng to at dito pa sa condo nila napiling kumain. Sunday ngayon at maglilinis sana ako ng condo nang biglang tumawag si Max.

Halos buong maghapon kasi akong nakahiga sa kama. Tanghali na nang gumising ako at medyo masakit ang ulo kaya wala akong ibang ginawa kahapon.

Ilang sandali lang ay tapos na ang niluto kong pasta. Hilig ko talaga ang pagluluto pero yung kinuha kong kurso ay architechture.

Inihain ko na sa mesa ang niluto ko. Good thing at inihanda na pala ng dalawa ang mesa.

"Wow! This is so good, bes! Dapat talaga sayo maging chef!" sabi ni Max. Patangu-tango na lamang si Gina bilang pagsang-ayon.

"Teka! Kahit masarap ang luto mo hindi ka pa rin namin napatawad! Who in their right minds would leave their friends for a guy? We were worried!" biglang singit ni Gina.

Ano? So hindi sila ang naghatid sa akin pauwi? Paano kaya niya nalaman ang address ko? Wala naman sigurong nangyari sa amin diba? Naku naman Sheena!, I mentally chastised myself. Paano na lang kaya kapag masamang tao pala yun? Urgh!

"So, sino yung guy? At least care to tell us his name. Akala ko pa man din maghihintay ka kay Mr. Forever pero di ko alam ang fast forward mo pala." sabi ni Max.

"No- I don't know his n-name." nanghihina kong sabi.

"You what???!"

"I was drunk okay!? Paano niyo pala alam na hinatid niya ako?"

"Tumawag siya gamit ang phone mo saying na ihahatid ka niya so binigay namin yung address mo."

Ahh.. so yun pala. Akala ko isang creepy admirer ko yun. Naalala kong binanggit niya ang name ko. Pero baka naman talagang kilala niya ako at hindi ko lang maalala kung saan kami nagmeet.

Naka-glasses kasi ako palagi. Not that i'm a nerd pero kasi malabo yung mga mata ko. I wonder kung paano niya ako nakilala agad. Siguro nga matagal na niya akong kilala. Shame on me hindi ko man lang nalaman ang name niya. I realized that I just gave my first kiss to a stranger!

"Ewan ko lang ah pero parang familiar yung guy. Parang student din siya sa school natin."

"Naku tama na nga yang topic na yan. Lalong sumasakit ang ulo ko." sabi ni Gina.

Nagkwentuhan pa kami habang kumakain hanggang sa napagpasyahan na rin nilang umuwi bandang 2pm. Wala na rin naman akong ibang magawa sa condo. Tinopak ulit ako at tinamaan ng katamaran kaya naisipan kong tawagan si Mom at nagpasyang bumisita sa hospital kung saan siya nakaduty. Bukas na lang siguro ako maglilinis ng bahay.

Pumupunta ako sa hospital para tingnan yung mga maysakit. Hindi ko kasi matiis ang sarili ko na tumulong. I can ease their pain and encourage them to keep fighting. Magaan ang pakiramdam ko kapag ako'y nakakatulong.

Kalahating oras lang at agad kong narating ang hospital. Alam ko na ang pasikot-sikot sa daan kaya agad kong tinungo ang office ni Mom. Bago yung office ni Mom ay madadaanan muna yung ward for the aged people. Lalagpasan ko lang sana yun nang mapansin kong may isang pasyenteng mahimbig na natutulog. May hawak siyang pulang rosas. Medyo may katandaan na rin ang pasyente pero mababakas pa rin ang kagandahan niya. Siguro sumasali to sa beauty contests noong kapanahunan niya.

Medyo nakaawang kasi yung pinto kaya napansin ko agad siya. Nakuha rin ang atensyon ko sa hawak na rosas ni lola. Kung sino man ang nagbigay nito, siguro mahal na mahal niya si lola.

Hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong naglalakad papalapit sa kanya. Nang makalapit ako ay doon ko lang napansin nang maigi ang mukha ni lola. Nakapikit ang mga mata niya nang mariin at para siyang may masamang panaginip o iniindang sakit. Hindi ko alam basta ayokong nakikitang nahihirapan siya.

Hinawakan ko ang mga kamay niya at dinala sa aking pisngi. "Lola, kung ano man ang pinagdaraanan mo ngayon ay sana huwag kang mawalan ng tibay ng loob. Gagaling ka, maniwala ka lang."

"

Unti-unting lumiwanag ang katawan ni lola. Alam kong bawal akong makialam kasi nasa ospital naman siya pero ngayon lang naman to. Gusto kong maibsan kahit konti ang nararamdaman niya.

Mayamaya ay napansin kong umaliwalas ang mukha ni lola. Tulog pa rin siya pero kitang kita ang payapa niyang paghinga. Hindi katulad kanina na pati sa pagtulog ay nakakunot ang noo.

Pinagmasdan ko pa siya ng ilang sandali nang biglang..

"What are you doing here?" boses ng isang lalaki ang umalingawngaw sa buong kwarto.

Oh no! nakalimutan ko atang isarado yung pinto kanina! Nakita kaya niya ang ginawa ko? Mukhang wala akong takas ngayon. I am left with no choice but to face this man.

Napacross fingers ako na humarap sa lalaking nakakita sa akin. Unti-unti kong inangat ang tingin sa kanya hanggang sa magtama ang aming paningin. Napansin kong may pagkabigla sa kanyang mga mata pero agad din iyong nawala at napalitan ng blankong tingin. Ano kayang iniisip niya?

"U-uhm.. napansin ko kasing nakabukas yung room. Sumilip lang naman ako." medyo naiilang kong sabi.

"What did you just do to her?"

Patay. "Ha? A-ahm.. W-wala ah. I was just holding her hand." Mukha atang nahuli ako sa akto. Mabuti na lang at naturuan ako noon ni grandma ng konting hipnotism. I can erase his memory of me in this room.

"Don't play tricks on me, Sheena. I knew what I saw. You were doing something. What was it?"

Wait. Kilala ako nito? Papaano?

"Teka. You know me?"

"I never realized that you can be this annoying. Seriously? Instead of answering me, you question me back. But answer me first."

"I told you, wala akong ginawa!" gigil kong sagot. Ang hirap naman nitong papaniwalain! Ayoko man aminin pero kinakabahan na ako ngayon. What if ipagkalat niya ang nakita niya sa lahat ng tao? Na weirdo ako?

"Was it just me or my eyes deceived me? I can't forget what I saw. You said something and then my grandma's body glowed. I'm sure you're not just an ordinary person."

"How many times do I have to tell you? Wala lang yung nakita mo." Hindi ako pwedeng magsabi ng totoo. First time ko atang mahuli ng iba. I was too careless! Ilang sandali pa ay natahimik siya. Parang iniisip pa niya kung ano talagang nangyari. Please naman, paalisin mo na lang ako dito.



"You're a witch."

Shock was an understatement. Parang may bombang sumabog sa loob ko. What now? Anong gagawin ko? Kahit may unesiness ay pinilit kong hindi mahalata.

"No. I'm not."

"Yes. You are. I wonder kung anong tingin ng buong campus sayo after I announce to everybody what you truly are."

So totoo nga. Kilala nga ako ng lalaking to. Schoolmate ko pala!

"Sino ka ba ha?" matapang kong tanong sa kanya.

"God! We already kissed yet you didn't know who I am?" amused na tanong niya sa akin.

K-kiss? OMG! Siya yung nakahalik sa akin? Oh no!!! Wala na bang ikakamalas tong araw na to?

Unti-unti siyang humakbang papalapit sa akin. Ako naman na medyo nataranta sa ginawa niya ay umatras. Nakasunod lang ang mga mata niya sa akin at nakamasid.

"P-pwede ba, tumigil ka na. Hindi magandang biro to! Wala akong maalalang nagkiss tayo kaya please.." Lola please, gumising ka sana. Waaaaaa!!!!

"I was happy na ikaw pala yung nandito. I've been watching you for a long time. But I felt hurt when you didn't remember us kissing. It stung, Sheena."

"You're being creepy!" sagot ko na lamang.

"Well, wala akong magagawa kundi ipaalala sa iyo ang nangyari sa atin."

At yun nga. Sinandal niya ako sa pader habang papalapit nang papalapit ang mukha niya. Ilang sandali pa ay...









"Ahem."

WITCH: IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon