* * *
ErikaNandito ako ngayon sa campus namin kasama ang mga malditang 'kaibigan' ko. I am not the type of person who approach anybody para makipag kaibigan. I'm the opposite. Nung una ay nagkainitan at nagkasabunutan kami ng mga babaeng to but days passed hindi ko namalayan na sabay na kaming naglalakwatsa, nagha-hunting ng boys and whatever brat girls do.
But Kyla is different. We met way back in Canada. Itinapon ako ng mga magulang ko sa ibang bansa para kuno 'tumino' and they even stole my ability. Wala akong magawa noon to ease my boredom kaya napilitan akong makipag usap sa napakadaldal na si Kyla. She was heartbroken back then with a guy named Vincent. We became each other's rock but it never came to my mind na umamin sa totoo kong pagkatao.
Pero hindi ko rin inasahan na magpinsan pala sila ng lalaking gusto ko. Pero siguro talagang pinaglalapit kami ng tadhana. Now all I have to think of ay papaano mapapatay ang Sheena na yon.
What I gave Luc is not just an ordinary tea. Inside the bags are herbs na ginagamit ko sa paggawa ng mga black spells. Of course kapag ininom iyon ni Luc ay wala siyang mararamdamang kakaiba. I made those teas extra special dahil I made sure hindi iyon tatalab sa pangkaraniwang tao.
Makikita lamang ang epekto ng tsaa kapag nailipat ito sa katawan ng isang mangkukulam katulad ni Sheena. Mawawala lang naman ng silbi ang senses ng babaeng yon kagaya ng pag detect ng panganib o kaya makita ang mga usok na inilalabas ng magic namin. Kapag nagtagumpay ako sa unang plano ko ay sunod ko namang pagtuunan ng pansin ang magiging kamatayan niya.
Mas magiging madali na ang lahat kung magtatagumpay ako sa unang plano. Pero ngayon pa lang ay nararamdaman ko na ang excitement. Hindi malalaman ng walang kaalam-alam na si Lucas na siya mismo ang mag-uudyok sa kamatayan ng girlfriend niya.
How? Of course through a kiss. Kapag nasa loob na ng katawan ni Luc ang gamot ay mananatili ito roon hangga't hindi nalalapatan ng antidote na ibibigay ko lang kapag napasaakin na siya. For the mean time, habang nagpapakasaya siya sa piling ni Sheena ay unti-unti namang manghihina ang huli. Siguradong kapag nalaman ni Sheena na si Luc ang may kagagawan ng paghihina niya ay tiyak na magsisisi siyang nakipagrelasyon siya dito o kaya ay magpahalik sa lalaking yon. Pero sure naman ako na by the time na malaman ng gagang iyon ang totoo ay tiyak huli na ang lahat. Oh how great can this be!? Hahaha
"Erika! Hurry up! Kanina pa naghihintay si Damon sa atin."
Damon na naman? Yeah right. Sino pa nga ba? Simula nang dumating sa buhay ko ang Damon na yan ay nagulo na ang lahat. Ang rason kung bakit ako ipinatapon sa ibang bansa ng mga magulang ko ay dahil ipinahiya ko sa harap ng maraming tao ang lalaking yon. Why not? We were engaged na hindi ko man lang alam. I was too stubborn kaya mabilis kong kinuha ang wine sa table na nasa harapan ko at ibinuhos ko sa lalaking yon.
The Westings are much powerful than us unfortunately kaya hindi na ako gumamit ng mahika. Nagmula pa ang angkan nila sa Europe at sinasabing isa sa pinakamatandang ancestry ng class naming mga witches. Those witches present at the party may have thought na maswerte ang pamilya namin dahil magiging konektado kami sa isa sa mga makapangyarihang pamilya ng black witches. Pero kahit gaano pa kabongga ang kasal o magiging buhay ko ay wala akong pakialam. I don't want anybody controlling me. Buhay ko ito and I can do whatever I want.
"Babe, halika na!" Ugh. Ano ako? Baboy? May pa babe-babe pa siyang nalalaman. Sadly, kailangan naming magkunwari na ayos ang lahat sa pagitan naming dalawa para hindi na ulit ako ipatapon sa malayo. As a witch I can't live without my ability. Noong nasa ibang bansa ako ay naghanap ako ng paraan para macontact si Damon at sinabi sa kanya ang plano kong pagpapanggap namin. Nagulat nga ako nang bigla na lang siyang pumayag ng walang kaabog-abog. Well, baka siguro hindi rin niya gusto ang set-up namin.
"Okay, okay. Geez para kayong mga first timers sa isang frat party." sabi ko na lamang at agad humalik sa pisngi ng lalaki nang makaupo sa shotgun seat ng kotse niya.
"Who wouldn't? Masaya kaya doon at tsaka tignan mo nga si Damon, parang mapupunit na ang mukha sa lapad ng ngiti. So handsome naman!" puri pa ni Alyssa.
"Tss. If only you guys know." makahulugang tugon naman ni Damon. Is there another reason for him to be like this? or is he seeing someone aside from me?
* * *
LaraWhy am I even crying to myself right now? Of course wala lang iyong halik para sa kanya. Maybe he's even imagining Sheena while he kissed me.
Pagkatapos kong makitang magkasama sila Greg at Sheena ay hindi ko lubos maintindihan kung bakit nagkakaganito ako. Surprisingly, my heart ached so much that it hurts.
What hurts me more ay yung paghalik niya sa akin without any feelings. Obviously he did it in an impulse. Hinding-hindi ko makakalimutan yung hapong nagkausap kami kasama ni Kyla at Greg noon sa isang restaurant. Nalaman ko na may gusto pala siya sa ibang babae. At first medyo masakit pero sa kalaunan nalaman ko rin na si Sheena na gusto niya at ang babaeng pinapahanap ni ate ay iisa.
Hindi ko naman talaga dapat maramdaman ito ngayon. Imposible namang magkagusto ako agad sa Greg na yun eh kakakilala pa lang naman namin. He's good-looking naman talaga at napakabait kaya siguro kahit anong tanggi ko sa sarili ay umasa pa rin akong may kaunting nararamdaman din siya sa akin. The way he looked at me, talagang nakakaconscious. Hayss ano ba to? Dapat tumigil na ako sa kabaliwang to habang maaga pa.
Pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi at kinuha ang pressed powder sa bag ko. I still have to look beautiful though. Marami pa naman siguro diyang magkakagusto sa akin. Yung lalaking sa akin lang ang atensyon at ako lang ang mahal.
Pagkatapos ayusin ang sarili ay lumabas na ako ng cr. Kaagad nanan akong nanigas nang mapagsino ko ang lalaking nakaabang sa harapan ng cr at nakayuko. Si Greg.
Nang makita niya ako ay kinuha niya ang isa kong kamay at hinawakan ito nag mahigpit tsaka ako hinila.
"Where you taking me? I have a class." pagsisinungaling ko. I have the right to give him the cold shoulder, okay? After what he did to me!
"Don't even think about lying to me now, Lara. We need to talk." matigas na sabi niya. What now?
![](https://img.wattpad.com/cover/84264500-288-k358494.jpg)
BINABASA MO ANG
WITCH: IN LOVE
FantasyIt's the new generation, alright. Pero kahit gaano pa ka moderno ang panahon, nabubuhay pa rin kami. So far, okay pa naman yung pagtira ko sa Manila kaso may nangyaring hindi ko inaasahan.. Urgh! Nakakainis! First kiss ko yon eh! Okay na sana kung h...