* * *
"Kahit na ang bastos mo at walang modo ay thank you na rin."
"Woah. Ang weird mo rin magpasalamat ah. Baka akala mo nakalimutan ko na yung pagtakas mo sa akin sa ospital."
"As far as I'm concerned, wala akong obligasyong magpaalam sayo."
"Yes you have to. Girlfriend na kita kaya you should act like one."
"Ugh! Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang ideyang yan. There's no point talking with someone crazy like you. Umalis ka na nga!"
Dali-dali akong pumasok sa unit ko at inilock ito. Napalitan ko na rin ang password kaya hindi na siya makakapasok. For sure hindi niya naman ako seseryosohin noh. This is just a part of his whims. Dapat ay hindi ako matakot at magpaapekto sa kanya.
Thankful naman ako dahil umalis rin ang mokong. Nakatatlong katok pa siya sa pinto ko bago niya naisipang umalis.
Hayyy. Isinusumpa ko talaga ang araw na nagkita kami sa bar. Naging kumplikado na ang lahat simula ng araw na yon.
* * *
"Sheena, nasaan ka na ba?"
"I might be late today girls, nasa talyer pa rin kasi yung sasakyan ko. Kaya magco-commute ako ngayon."
"Be careful, okay? Bye."
Si Gina yon. Tuwing umaga kasi nagmeet kaming tatlo before going to class. Silang dalawa ay nasa tourism department. Ako lang yung nag iba ng course kasi mas gusto ko mag design ng bahay.
Nalate din ako ng gising ngayon at kasalukuyan kong nililigpit ang mga gamit ko kagabi. I was working on my plates at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Urgh! And to top it all, kailangan ko pa magcommute ngayon!
Papalabas na ako ng unit ko nang bumangga ako sa isang pader. W-wait!!? Pader? Kailan pa nagkaroon ng pader sa tapat ng pinto ko?
"Hurry now, baby. Late na tayo"
Inangat ko ang tingin ko at bumungad sa akin ang makapal na mukha ni Lucas. Well, panigurado sira na naman ang araw ko nito. Walang sabi-sabi ay hinila na naman niya ang kamay ko kagaya nung kahapon. Wala akong nagawa kundi ang magpatangay sa kanya. Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko kahit sa elevator. Sa tuwing hihilahin ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya ay tumitingin siya sa akin na naka-smile. Ang creepy lang! Weirdo ata talaga to!
Aaminin ko, gwapo si Lucas. Matangkad, matipuno, at siguro maraming fans pero siraulo! Papalabas na kami ng elevator at bigla na naman niya akong hinila. Halos tumakbo na nga ako sa bilis ng lakad niya hanggang sa marating namin ang parking area.
"Sakay na." Yun lang ang sinabi niya at agad umikot sa driver's seat. Ni hindi man lang ako pinagbuksan! Kahit ayoko mang makasama siya ay kailangan kong makisakay sa ngayon. Lunok muna ng pride.
Mabuti na lang at hindi masyadong malayu yung condo sa campus namin. Ayoko nang magtagal pa kasama siya.
"Salamat. Sana last na to. Ayoko nang makita ang pagmumukha mo, Luc." Yeah I know i'm being harsh pero hindi ko type ang mga kagaya niya. Ayokong malink sa isang obvious playboy. Hindi pa naman siya ang nag-iisang lalaki sa mundo.
Don't get me wrong. I want to fall in love but not with him. Impossible yun. Nakikita kong hindi naman siya seryoso at laro lang ang lahat kaya ako na mismo ang lalayo. Umalis na ako at hindi pa hinintay ang sagot niya. Bigla siyang nanigas sa sinabi ko, siguro nashock. Well, wala akong pakialam.
Mabuti na lang at hindi ako nalate. Nakasabay ko pa yung prof namin pagpasok sa room. Buong period akong nagsusulat ng notes at nakikinig sa lecture para lang mawala yung uneasiness dahil kanina. Pero tama pa rin kaya yung ginawa ko? Dapat siguro mas naging careful ako sa pagpili ng mga words. Ah ewan!
Hindi ko namalayan na tapos na pala yung klase. Mayroon din naman akong naintindihan pero konti lang. Ano ba tong napasok ko? Hayyy. Ang mas mabuti siguro ay ikain ko nalang to. Pagdating ko sa cafeteria ay hindi pa masyadong marami ang mga kumakain. Napansin ko agad sina Gina at Max na kumakaway sa akin.
"Mabuti at nandito ka na, nag order na rin kami ng food mo."
"Thank you, girls. Tamang-tama gutom na ako."
"Girls, you know naman na malapit na yung birthday ko diba? So naisip kong mag Palawan tayo. Okay lang ba?" sabi ni Gian. Oo nga pala, 2 weeks from now na yun.
"Palawan? Join ako diyan!" halos magtitili na sabi ni Max.
"Matatanggihan ba naman kita? I'll be the-" sabi ko nang bigla kong narinig ang pangalan ko.
Lumingon ako sa entrance ng cafeteria at nakita si James na nakataas ang kamay. Tinuro ko pa ang sarili ko at tumitingin sa paligid para makasiguradong ako nga ang tinatawag niya.
Hindi nagtagal ay nakalapit na siya sa table namin.
"Sheena! Mabuti na lang at nakita kita. Notes ko nga pala. Napansin ko kanina na medyo wala ka sa sarili mo so naisip kong baka hindi mo naintindihan lahat sa lecture." hinihingal na sabi ni James. Siya yung madalas kong maka-partner sa mga projects. Close kami kaya palagi iyong namimis-interpret ng mga kaibigan ko.
"Thank you James. Hindi ka na sana nag abala, nakakahiya na tuloy sayo." Sa tuwing may hindi ako naiintindihan sa lectures eh siya na mismo ang nagvo-volunteer na magturo sa akin.
"Oo nga pare. Kaya ko namang turuan ang girlfriend ko. So I suggest you stay away from her." biglang singit ng isang boses. Agad akong napatingin kay Lucas na ngayon ay papalapit na rin sa pwesto namin.
"Uhm.. James, kita na lang tayo mamaya sa klase. I'll explain this misunderstanding later." Mas mabuti sigurong i-klaro ko ang issue saming dalawa nitong lalaking to. Kaya hinila ko siya papaalis sa cafeteria. Pero hindi pa ako nakakatatlong hakbang ay bumitaw siya sa pagkakahawak ko.
"Wait hon. Why are you trying to explain this to someone like him? And this is not some misunderstanding! Seryoso ako. Ayokong lumalapit pa siya sayo."
Kitang-kita ko ang pagkabigla sa mga mukha ng mga kaibigan ko pati ni James. Naalala ko ganyang-ganyan din ang reaksyon ko noon. Sandali siyang lumayo sa amin at pumunta sa isang grupo at kinuha ang bouquet na nasa table lang.
"Hi.. For you."
Oh? Bakit may pabulaklak pa tong nalalaman?"Everyone! I have an announcement!"
Nabigla din naman ako sa lalaking kaharap ko. May sira ata ang ulo nito. Curious kaming lahat na nasa cafeteria ngayon at hinihintay ang kung anong sasabihin niya.
"Starting today, wala nang ibang lalapit na lalaki sa girlfriend ko. Understand? Sheena Morales is M.I.N.E."
WHAAATT???!!!
"Excuse me?!! As far I remember hindi ka nanligaw at hindi kita sinagot! Meaning, no US!"
"Hon, don't make a scene. Simula nung nagkiss tayo, I promised to myself na akin ka na. Unless you want me to say to everybody na... you're a witch?
WTH??! NO! This can't be happening!!
BINABASA MO ANG
WITCH: IN LOVE
FantasiIt's the new generation, alright. Pero kahit gaano pa ka moderno ang panahon, nabubuhay pa rin kami. So far, okay pa naman yung pagtira ko sa Manila kaso may nangyaring hindi ko inaasahan.. Urgh! Nakakainis! First kiss ko yon eh! Okay na sana kung h...