Chapter 29: The Plan

59 2 0
                                        

* * *
Hindi ko alam kung bakit pa iyon nasabi ni mommy pero ayoko nang balikan pa ang nakaraan.

"W-wait Luc, I think you're driving too fast."

"Luc? Tsk. Mag uusap pa tayo sa pad mo and I can't risk it kung dito tayo sa kotse. Baka hindi ako makapagpigil."

"What are you talking about?"

Hindi na nagsalita pa si Luc pagkatapos niyang sabihin iyon. Wala pang kalahating oras ay nakabalik na kami sa unit ko. Naunang maglakad si Luc at nang marating ang pinto ko ay agad rin niya iyong binuksan.

I gave him my code last week. Wala na ring akong nagawa kahit na ipilit ko pang magkaroon ako ng privacy habang nagtatalo kami noon.

Malakas na ibinagsak niya ang kanyang katawan sa sofa. Nakayuko lamang siya habang nakaupo.

"Do you want something to drink?" tanong ko habang pinagmamasdan siya.

Napa-angat ang kanyang tingin sa akin. Kahit hindi niya sabihin ay kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata.

"Who is he?"

"What do you mean who?"

Napahilamos siya sa kanyang mukha gamit ang isang kamay na animoy frustrated sa sagot ko.

"that bastard Vincent"

"Don't call him that! Kababata siya ng kuya ko."

"And?!"

"Yun lang. I don't have anything to explain. What do you want to eat? cookies or pasta?" para nang puputok sa galit si Luc pagkatapos ng sagot ko. Alam ko naman kasing mapaparanoid na naman tong lalaking ito kapag sinabi ko ang totoo.

"Fine. This will be the last. Nagkaroon ba kayo ng relasyon ng lalaking yon?"

"Wala. You know you are my first boyfriend diba?"

Napatango na lamang si Lucas bilang sagot. Pumunta na ako sa kusina para ihanda siya ng juice. Hindi ko namalayan na sumunod siya kaya nabigla ako nang may dalawang brasong yumakap sa aking bewang sa likod.

"I want cookies." parang batang sabi ni Luc. Napatawa naman ako sa pagkasabi niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman dahil sa inaasal niya minsan. Haaaay Lucas.

* * *

Nakita kong papalabas ng restaurant ang kapatid ko kasama si Greg Rodriguez. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Talagang umaayon ang lahat sa plano ko. Ang inakala ni Lara ay coincidence lang ang pagkakakilala nila ni Greg pero lingid sa kaalaman niya ay pinlano ko ang lahat. Hindi ko sana isasali sa plano ko ang kapatid ko pero kinailangan kong makuha ang loob ni Greg para mapadali ang pagliligpit ko kay Sheena Morales.

Siya lang naman ang dahilan kung bakit hindi ako mapansin ni Lucas. Makukuha ko na sana siya kung hindi umeksena ang walang hiyang babaeng yon.

"You know what girls? We should have fun tonight. Especially you Erika, how long has it been since you joined us? Masyado ka namang nagpapaka-hermit sa mansion niyo." sabi ni Mandy.

"Psh. Whatever." mataray na tugon ko naman.

"Omg! Look at those guys, aren't they hot?"

"Yeah. Kanina ko pa nga napapansin yung guy na may ear piercing. So handsome talaga!" dagdag ni Helen.

"Speaking of handsome, papunta na sila dito! Uhm.. girls? How do I look?" tanong ni Alyssa na aligaga.

"Aly, you sound cheap na naman. Classy girls don't fret around guys. Be casual. We're always beautiful kaya for sure mahuhulog silang lahat sa charms natin." saway ko.

"I know right." pag-sang ayon ni Helen.

Ilang minuto lang at nasa harapan na namin ang mga lalaking kanina pa namin pinag-uusapan.

"Hello girls. Can we join you?" May pagka chinito ang lalaking unang kumausap sa amin. Pasimple ko namang inisa-isa ang mga mukha nila. Hindi na rin masama.

"Sure." sabi ko.

"I'm Luis and these are my buds Patrick, Rey and Warren. Mayroon pa kaming isang kasama kaso on the way pa."

I must admit they all have strong appeal. Pero wala ako sa mood ngayon makipag-flirt sa kanila. I'm mad right now dahil kay grandma. Ugh!

"Here!" Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Warren. Sinundan ko ang direksyon kung saan siya kumakaway.

Right there napatulala ako. Sinong hindi? The guy is oozing with sex appeal and hotness. Hanggang sa makarating siya sa pwesto namin ay hindi pa rin ako maka get over sa lalaking nasa harap ko na ngayon. Bakit ngayon ko lang siya nakita?

"Bro naman eh! Bad timing ka kahit kailan!" reklamo ng bagong dating.

"Sorry hahaha Saka ka na dumamoves diyan sa Sheena mo. This time, amin ka muna."

"Tsk. I never thought possessive ka pala." pabirong saad ng gwapong lalaki.

"Ulol! Ah by the way this is Erika and her friends. Erika, this is Lucas." Nakita siguro ni Warren na malapit ako sa kinaroroonan nila kaya ako ang una niyang na-introduce.Siguro naipakilala na ako ng mga kaibigan ko kanina habang nag iisip ako kaya hindi na rin ako nabigla nang ipakilala ako ni Warren.

I'm getting excited about this night nang makita ko si Lucas kaso agad nagpanting ang tenga ko nang marinig ko ang pangalang Sheena. The hell?!!!

"Maiwan ko muna kayo. I'll get some drinks." paalam ni Warren sa amin.

Napansin ng mga barkada ni Lucas ang pagdating niya kaya nagkaroon ng kaunting kamustahan pagkatapos.

"Erika right? I can see na hindi ka masyadong nag-eenjoy. Why?"

Buti naman at kinausap ako nito. "Well, wala naman akong balak na pumunta sana dito but I think hindi na rin masama. I realize na mas mabuti na ring makapag unwind minsan."

Humaba pa ang usapan namin hanggang sa naitanong ko ang tungkol sa babae niya.

"Uhm I heard about the name Sheena. Who is she?"

"Ah! She's my woman."

"Oh? Okay. Ilang years na kayo?"

"Bago pa lang kami but I already love her. Am I getting cheesy?"

Jerk! Hindi ba halata?

Mula noon ay tumatak na sa isip ko si Lucas at ang plano kong pagsira sa relasyon nila. Wala pa ni isang lalaking hindi nahulog sa akin kahit pa meron nang asawa o girlfriend. Only Lucas did that to me. Tinanggihan ako nang harap-harapan! Kung hindi lang sana nagkaproblema sa amin ni lola sa panahong iyon ay sana matagal ko nang naisakatuparan ang balak ko. Pero hindi na importante iyon ngayon.

Starting today, guguluhin ko ang buhay mo Morales!

Napabaling ulit ako sa direksyon na kinaroroonan ng kapatid ko. Papasakay na sila nang muling kumaway si Lara sa isang babaeng nakatalikod sa akin. Is she Sheena?

Nang makaalis ang kotse na sinakyan ng dalawa ay tsaka ako lumapit sa babaeng naiwan at hinanda ang sarili.

"Hey!" No formalities. Maldita ako at masasaksihan ito ngayon ng babaeng kaharap ko.

"Hey too, bitch." Nabigla ako nang makita kung sino ang nasa harap ko ngayon.

"Kyla?"

"Yes. The one and only. Kamusta na?"

"I'm great! Where are you going?"

"To my cousin's pad. Alam mo why don't we catch up things sa isang tea house na favorite ko. But can we stop by his condo first? Importante kasi eh."

"Who is that cousin ba?"

"Lucas. Lucas Villafuerte."

Well, well, well  I think I must thank my lucky stars tonight. Things are surely going my way. Malapit ko nang masira ang buhay nilang dalawa. Just wait and see Sheena!

WITCH: IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon